CHAPTER 8
Punishment
"M-MONIQUE..." Sambit ni Michael habang naglalakad papalapit sa kanya.
"What are you doing here?! A-anong nangyari sa'yo?"
Hindi siya nito sinagot. Bagkus ay umupo ito sa tabi niya at hinaplos ang kanyang kamay.
"How are you?" he asked as he caressed her hair.
"M-Michael... Please... umalis ka na. Baka bumalik si Raffy."
"I don't give a f—ck. Bugbugin niya man ako ng paulit ulit, wala akong pakialam."
Napakagat labi siya.
"Did he hurt you, Monique?"
"N-no.. Of course not. Hindi ako magagawang saktan ni Raffy."
Humugot ng malalim na hininga si Michael bago nagsalita.
"I'm here for you..." anito at ipinagsalikop ang mga kamay nila. Bumitiw naman siya.
"Leave me alone, Michael. Get out of my life! Ayaw na kitang makita. Nasusuklam ako sa'yo." Emosyonal na wika niya.
"Monique..."
"I said, leave me alone! You ruined me! You ruined my life!" Napasigaw na siya. Agad namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang nurse.
"Ma'am, okay lang po ba kayo?"
"Please get this man out of my sight!"
Malungkot na lumabas si Michael. Sinamahan naman ito ng nurse. Naiwan siyang mag-isa sa loob ng kwarto. Napahagulgol siya. Her life is out of sorts. She's so broken and she can't even begin to pick up its pieces.
Patuloy pa rin siya sa pag iyak nang bumukas ang pinto at nakita niya ang nag-aalalang mukha ng kanyang mommy. Kasunod nito ay ang kanyang ama na puno rin ng pag-aalala ang mukha.
"Monique, my baby...!" Umiiyak na niyakap siya ng kanyang ina.
"What happened to you, sweetheart? Oh, God!" walang humpay ang pag agos ng luha ng kanyang ina. Ang kanyang ama naman ay tahimik na nakamasid at nakahawak lamang sa kanyang kamay.
"I... I'm sorry, mommy..." napahagulgol na rin siya. Niyakap niya ito ng mahigpit. Na tila ba sa pamamagitan niyon ay mabubuo ulit ang kanyang nasirang pagkatao.
"I'm so sorry, mommy... I'm such a d-disappointment..."
"No, sweetheart, don't say that," wika ng kanyang daddy.
"Dad...!" pumalahaw na siya ng iyak. Niyakap siya ng kanyang mga magulang.
"We'll talk about this when you've fully recovered, okay? For now you need to rest, hija." Masuyong wika ng kanyang ina habang hinahaplos ang kanyang buhok at hinalikan siya sa noo.
Tumango nalang siya.
God, I am not worthy of my thoughtful and loving parents.
Dumating ang nurse at pinainom siya ng samut saring gamot. Kapagkuwa'y hinila na siya ng antok.
NAGISING si Monique dahil sa ingay na kanyang narinig. Boses ng kanyang mga magulang at kay Raffy. Namuo ang takot sa kanyang dibdib. Baka nagtatalo ang mga ito.
Nagkunwari siyang tulog. Pinapakinggan niya ang pag-uusap ng mga ito.
"I honestly don't know what happened, Tita. We were okay when we went back here. We even had plans to eat out for dinner. Kaya nga sinundo ko siya sa unit niya. That's when I found her on the tub." Boses ni Raffy.
BINABASA MO ANG
Enslaved Mind
General FictionEntwined Lives Trilogy [Book 1] Monique made a promise to herself that she will remain pure until marriage. But then she met Michael, a ruthless, sex driven guy who's also her fiance's business partner. Will she become the slave of his seduction?