EPILOGUE
Bvlgari Resort, Bali Indonesia
MONIQUE ran her fingers through the soft and flowy fabric of her off-shoulder ivory silk chiffon dress. Akmang akma ang kanyang suot para sa okasyong iyon. In less than an hour, maglalakad na siya pauntang dalampasigan. Sa loob lamang ng ilang minuto ay maglalakad na siya patungo sa lalaking nagmamay-ari ng kanyang puso.
"Are you sure about this, Nique?" Tanong sa kanya ni Raffy.
Napangiti siya. She's never been so sure of anything in her entire life.
"We can just consider this as our vacation. We can hire a wedding planner so we could have a church wedding in the Philippines," natatarantang wika nito.
Why is he like this?
Tuluyan na siyang natawa. Napaka-cute ni Raffy, especially now that he's all fidgety and stressed. Ipinagsalikop niya ang kanilang mga kamay. "I love it here," aniya.
Nauna nang dumating dito sa isla ang kanyang mga magulang at si Eon. Pati na rin sina Mang Bert at Yaya Mercy. Ang kanyang matalik na kaibigang si Camille ay nagprisinta namang ito nalang daw ang makikipag-coordinate sa resort.
Raffy didn't like the idea at first. Mas gusto nitong sa Pilipinas sila magpakasal. He wanted a traditional church wedding. A lavish one with lots of guests. Ayaw niya ng ganoon. Sinabi niya kay Raffy na sapat na sa kanya ang isang simpleng beach wedding. Masaya na siyang makasama ang mga piling tao na malalapit sa kanila. She wanted her wedding to be intimate. Aanhin mo pa ang magarbing kasalan kung maaari mo naman itong ipagdiwang kasama ang mga importanteng tao lamang?
"Oh my God, you look stunning! It's as if you did not give birth to Eon!" Tili ni Camille nang buksan nito ang pinto ng kanyang cottage.
Lumapit ito sa dresser at kumuha ng lip and cheek tint. Pinahid nito iyon sa magkabila niyang pisngi. Inayos nito ang pagkakalugay ng kanyang buhok at ipinatong ang isang head wreath sa kanyang ulo. Napapalamutian iyon ng mga maliliit na bulaklak.
"I look ridiculous!" Bulalas niya nang mapatingin sa salamin.
"Of course not! Ang ganda mo kaya!" Anito sabay hikbi.
"Camille!" She shrieked. Umiiyak na kasi ito habang inaayos pa rin ang kanyang buhok.
"Hindi man kita personal na nadamayan sa mga problema mo noon, alam mo namang love na love kita, 'di ba?" She said in between sobs.
Totoo ang sinabi nito. Sa bilis ng mga pangyayari noon, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataong mag-confide dito. When she moved to California, she opened up to her best friend through their constant video chats. Dahil doon, napatunayan niyang hindi nasusukat ang lalim ng pagkakaibigan sa haba ng panahon ng pagsasama. Kaya naman wala nang iba pang mas deserving na maging maid of honor niya kun'di ito.
Niyakap niya ito ng mahigpit. Napaiyak na rin siya.
"Stop crying! My God, it's your freakin' wedding day!"
"No, you stop crying!" Aniya. Nagtawanan sila. Kung may makakakita lang sa kanila ngayon ay paniguradong mapagkakamalan silang mga baliw.
"I'm nervous," she said breathlessly.
"Don't be. Just enjoy your day." Anito sabay yakap sa kanya.
Nagpaalam ito na may aayusin lang daw sa labas. Tumango siya. Mula sa bintana ng cottage ay nakita niyang tila nakikipagtalo ito kay Zander. Tandang tanda pa niya kung kailan niya unang nakita si Zander. That was the time when Raffy left her at their table back at the Marco Polo Hotel. And that was the time when...
She closed her eyes tightly. Siguro nga hindi niya na ma-i-aalis sa kanyang isipan ang pait ng nakaraan. Pero masaya na siya ngayon. She's happy with Eon. She's happy with Raffy, who will soon become his better half.
Bumalik sa kanyang cottage si Camille. She told her to go down since the minister's already at the beach. Tiningnan niya ulit ang kanyang sarili sa salamin. She's beaming. Finally, she's happy and at peace.
"Mom!" Sigaw ni Eon habang naglalakad siya sa buhanginan. He looks so handsome in his new haircut. He's sporting a subdued mohawk. Nanumbalik na rin ang natural na kompleksiyon nito.
Inililis niya ang kanyang mahabang damit upang hindi iyon madumihan sa pagkakaluhod. Nagtama ang kanilang paningin ni Eon. Inayos niya ang pagkakabuhol ang kulay kremang drawstring pants nito.
"I love you, my Gideon..." she whispered as she caressed his tiny face.
"I love you too, mom." Anito sabay yakap.
She giggled and bit her lip when he laid out his hand, urging her to stand up.
"Come on, mom. Dad's waiting!"
Napalingon siya sa kinaroroonan ng ama nito. Raffy's clad in the same outfit as Eon's. Nakarolyo hanggang siko ang puting linen wedding shirt nito. Katabi nito si Zander na ngayon ay hinahawakan ang balikat ni Raffy. Her man's shoulders are shaking, perhaps resisting the urge to cry.
Sabay silang naglakad ni Eon. Nakaakbay ang kanyang ama sa kanyang mommy na ngayo'y umiiyak din. Maging si Yaya Mercy ay pinapatahan ni Mang Bert.
She kissed her parents as she handed Eon to them. She smiled at Camille as she walked past her. Raffy held out his hand. Buong galak na inabot niya iyon. Nakatayo na sila sa tapat ng ministro.
"Rafael and Monique want to thank all of you for sharing is this celebration of their commitment to each other," panimula nito.
"As the tides ebb and flow so to, do the fortunes of life. Footprints in the sand are washed away, driftwood moves on its endless quest for a peaceful harbor. Only a deep and abiding love can withstand the tides of change in two lives...
"The love of this couple Rafael and Monique, is enduring and profound. We gather here to witness this love and the vows they make to each other...
"Today you join yourselves together for life, as friends and lovers, husband and wife. As the surface of the sea is sometimes calm and often storm tossed, so also, is a marriage."
Nagmuwestra ang ministro na sabihin na nila ang kani-kanilang vows sa isa't isa. Matagal bago nagsalita si Raffy. Nakatitig lamang ito sa kanya. Mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang mga kamay.
"I pledge to you, Monique Valerie, that my love and my loyalty, will weather the storms of life. I... I will cherish you and I will stay with you and our son, until my last breath.
"I give you this ring as a symbol of my love and faithfulness. As I place it on your finger, I commit my heart and soul to you."
Kagat-kagat niya ang kanyang labi. Sa nanginginig na mga kamay ay isinuot nito sa kanyang palasingsingan ang wedding ring.
Now, it's her turn to say her vows. Tila naglaho lahat ng mga salitang binuo niya sa kanyang isipan habang nasa biyahe sila papunta rito. Nanalangin siya na sana ay maging ka-aya aya ang kinalabasan nito.
"I pledge to you, Rafael Ephraim, my love, my loyalty, my faith... I will always seek counsel when I make decisions, and will respect your needs and concerns. No matter what course we set, we will do it together...
"I give you this ring as a symbol of my commitment to you, as powerful and endless as the sea."
Isinuot niya ang singsing sa daliri ng kanyang asawa. Sa nakapikit na mga mata ay ninamnam niya ang mabining paghampas ng mga alon sa dalampasigan. Saksi ang mga iyon sa panghabang buhay na pangakong kanyang binitawan.
"By the virtue of the authority vested in me, it is my great honor and pleasure to now pronounce you husband and wife. Congratulations, you may kiss your Bride."
Masuyong hinaplos ni Raffy ang kanyang pisngi. Tumingkayad siya upang hindi ito mahirapan sa paghalik sa kanya sapagkat naka flat sandals lamang siya.
"I love you," buong pusong wika niya. Humilig siya sa dibdib nito.
"I love you, Nique."
______
Shobe's Scribbles
I LOVE YOU, GUYS. ❤
BINABASA MO ANG
Enslaved Mind
General FictionEntwined Lives Trilogy [Book 1] Monique made a promise to herself that she will remain pure until marriage. But then she met Michael, a ruthless, sex driven guy who's also her fiance's business partner. Will she become the slave of his seduction?