Chapter 11

10.3K 195 19
                                    

Nakatulugan ni Monique ang paghihintay kay Raffy. She was still up until three in the morning, waiting for him. Hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

Pagtingin niya sa wall clock ay mag a-alas siyete na ng umaga.

She heaved a sigh. She knows that after everything that has happened, she deserves this kind of treatment from him. She cheated on him. And now she pays the price.

Pero napagtanto niyang masakit pala. I hurts that she's waiting for him while she's fully aware that he's with someone else. Pero iyon nga, wala naman siyang karapatang magalit sapagkat kasalanan niya naman ang lahat.

Sumagi sa isipan niya si Michael. Ang lalaking pumukaw sa kanyang senswalidad. Ang lalaking tumukso sa kanyang gawin ang bawal.

Napailing siya. Hindi naman pwedeng isisi niya ang lahat kay Michael. Kung sana naging matatag lang siya, kung hindi lang sana siya nadarang, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito sa kanya.

Ngunit tama nga sila, nasa huli talaga ang pagsisisi. Anumang gawin niya ngayon ay hindi pa rin mabubura ang kasalanang pinagsaluhan nila.

All she could hope for is that Raffy would forgive her. Kasi alam niya at narararamdaman niya na puno pa rin ng poot ang puso ni Raffy. Pero umaasa siya na darating ang panahong mapapatawad siya nito. And when that time comes, she would make sure that she will make up for everything she did. Magiging mabuting asawa siya at ina sa mga magiging anak nila ni Raffy. Gagawin niya ang lahat para maging masaya at payapa ang kanilang bubuuing pamilya.

Napayakap siya sa kanyang sarili. She still hasn't lost hope that everything will be back to how it was before.

She headed towards the kitchen. Maghahanda siya ng breakfast sakaling dumating si Raffy. Inilabas na ang ilang frozen cold cuts mula sa ref upang i-thaw. Babalikan niya nalang ang mga iyon pagkatapos niyang maligo.

Habang nasa shower ay hindi pa rin mawaglit sa isipan niya ang pag-uusap nila ang babaeng nakasagot sa tawag niya sa cellphone ni Raffy. Sino kaya ang babaeng iyon? Base sa pananalita nito ay parang kilalang kilala nito si Raffy. Isa lang naman ang alam niyang matalik na kaibigan nitong babae. Si Rebecca Gatchalian, isang defense lawyer at well-known fixer ng mga pulitiko.

Napapikit siya. Pilit na isinasantabi ang anumang agam-agam na namumuo sa kanyang dibdib.

Nang makapagbihis na siya ay narinig niya na may nagbuzz in sa pintuan. Napakunot-noo siya sapagkat alam naman ni Raffy ang kanyang passkey.

Dali-daling tinungo niya ang pinto. Pagsilip niya sa peephole ay napahumindig siya. Nasa labas si Michael.

"Monique, I know you're in there. Open the door!"

She closed her eyes. Kailan ba siya lulubayan ni Michael?

"Monique!"

Paano ba nito nalaman ang address niya?

"Monique, open the door!"

Sa takot na baka makabulabog pa ito sa kabilang unit ay binuksan niya nalang ang pinto.

"What are you doing here?!" Asik niya rito.

"Monique, how are you?" Wika nito sabay yakap sa kanya.

Marahas niya itong itinulak palayo.

"Leave me alone!"

"I'm sorry..." Anito sa paos na boses.

Pero sa halip na maantig sa tinuran nito ay lalo pa siyang nagalit.

"Just leave me alone, Michael!"

"Please, Monique, patawarin mo 'ko."

"Ang kapal ng mukha mo'ng humingi ng tawad! You ruined me. Sinira mo 'ko. Sinira mo kami ni Raffy..." Nangingilid na ang kanyang luha.

"I'm sorry... I'm so sorry." Umiiyak na ring sambit ni Michael.

He then cupped her face and wiped away her tears. Kapagkuwa'y dahan dahan siya nitong niyakap.

"I'm so sorry..."

Napahagulhol siya sa mga bisig nito.

"Ssshh... It's okay." Anito. Naramdaman niyang hinalikan siya nito sa tuktok ng kanyang ulo.

"Are you okay? Si Raffy? Is he treating you well?"

Hindi siya nakasagot. Sa halip ay hindi niya napigilan ang paghikbi.

"Monique, is he treating you well? Please answer me. Sinasaktan ka ba niya?"

Tila biglang nag-flashback sa kanyang isipan ang nangyari sa kanila ni Raffy nang makauwi na sila sa kanyang condo unit mula sa ospital.

Sinaktan nga ba siya ni Raffy?

Yes, he took her in a rough and painful way. Pero balewala sa kanya iyon. Balewala sa kanya ang sakit. Balewala sa kanya ang anumang gagawin ni Raffy for as long as mapapatawad lang siya nito.

Marahan siyang umiling.

"No, he's not hurting me, Michael. He can't and he won't hurt me. Mahal ako ni Raffy." Aniya sabay tulak dito palayo sa kanya. Agad niyang napagtanto na baka dumating nalang bigla si Raffy at makita sila nito sa ganoong posisyon.

"Please, Michael, just leave. Leave me alone and don't you ever show your face to me again."

"No. Ask me to do anything, just don't ask me to leave you. Please, Monique... Let me take care of you."

"Didn't you hear me? I said, Raffy won't hurt me. He will never hurt me because he loves me. Kaya umalis ka na."

Humugot ito ng malalim na hininga at dinukot ang wallet nito. He reached for his calling card and placed it on the edge of the table.

"If a-anything happens, please call me. I'm staying at my place in Makati. I won't go back to Davao until I make sure that you're okay."

Hindi niya ito pinansin. Bagkus ay tinungo niya ang pinto at binuksan iyon.

"Makakaalis ka na."

Bagsak ang mga balikat na naglakad ito palabas ng kanyang unit. Agad niya namang isinara ang pinto nang makaalis na ito. Tila nauupos na kandilang napasandal siya sa nakasarang pinto.

God, where on earth is Raffy?

Naalala niyang inilabas niya pala kanina mula sa ref ang mga lulutuin niya. Gagawa nalang siguro siya ng French toast at magpi-prito ng bacon and eggs. Nasa kalagitnaan na siya ng paghahanda ng agahan nang marinig niya ang marahas na pagbukas ng pintuan na siya namang ikinagulat niya.

Paglingon niya ay nakita niya si Raffy. Madilim ang mukha nito at naglalakad palapit sa kanya.

"Did you see Michael?" Tanong nito habang nagtatagis ang mga ngipin.

"R-Raf..."

"Answer my question, Monique." Mahinahon ngunit puno ng awtoridad na wika nito.

God, what am I gonna do?

Kung sasabihin niyang oo, baka lalong magalit ito.

"N-no..." aniya sabay iling.

"F ucking liar!" Sigaw nito sabay sampal sa kanyang pisngi. Halos madapa siya sa intensidad ng sampal na iyon.

"R-Raffy...!" Umiiyak na bulalas niya.

"Ako pa'ng niloloko mo ha?" Lumapit ito sa kanya at hinila ang kanyang buhok hanggang sa mapatayo siya.

He held her jaw. Ramdam niya ang sakit habang isinusubsob nito ang kanyang mukha sa kitchen counter.

"Did he come here to f uck you, huh?!"

______

Vote & Comment! ❤

Enslaved MindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon