CHAPTER 27Doubt
"MOM!" Sigaw ni Eon habang patakbo itong lumapit sa kanya. Kararating lang nila ni Raffy mula sa Tagaytay. Nasa garahe pa ito ngayon at ibinababa ang kanilang gamit.
"Oh, my God! What happened to your skin?" Bulalas niya. 'Di hamak na umitim kasi ito.
Pilyong ngumiti si Eon saka humalik sa kanyang pisngi. Napasulyap siya kay Raffy na ngayon ay naglalakad na patungo sa kanilang kinaroroonan.
"Yeah, my bad. I forgot to put sunblock on him," he said. Tilting his head in a boyish manner.
Napapalatak siya sabay iling. Pero wala na siyang magagawa. Eon would eventually regain his true complexion. Ginusot niya ang buhok nito at pumasok na sila sa loob ng bahay.
"Stay for awhile, dito ka na mag-lunch," anyaya niya kay Raffy. Alam niyang nakasunod ito sa kanila ni Eon.
He casually rested his hand at the small of her back. Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para lamang iwasan na mapapitlag.
"Ya?" Tawag niya kay Yaya Mercy. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang nailang. Why would she behave like this. Nagka-anak na sila't lahat, pero heto siya, nilulukob na naman ng kaba at agam-agam ang sistema.
Laking pasasalamat niya nang pumasok sa dining area si Yaya Mercy na may bitbit na tray ng ulam.
"Mabuti naman at nakauwi na kayo, hija," anito habang inilalapag ang bawat putahe sa mesa. Nang tulungan niya ito ay napako ang tingin nito sa suot niyang engagement ring. Nagpalipat lipat ang tingin nito sa kanilang dala ni Raffy. Ginagap naman ng lalaki ang kanyang kamay at dinala iyon sa mga labi nito upang halikan.
"Salamat sa Diyos!" Bulalas ni Yaya Mercy. Maluha-luha pa ito habang yumayakap sa kanila ni Raffy.
Napaiyak na rin siya.
"O, s'ya, kumain na kayo, kanina pa kayo hinihintay ni Eon," wika ng kanyang yaya habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi.
Pumwesto si Raffy sa tabi niya sa kabila ng pag-aakalang uupo ito sa tabi ng anak. Si Eon naman ay nagsimula nang kumain. Aabutin niya na sana ang bowl ng kanin nang kunin iyon ni Raffy at ito na ang naglagay niyon sa kanyang plato.
"Dad, when are we going back to Subic?" Eon asked while munching on a chicken leg.
Raffy looked at her and held her hand.
"We'll see, buddy. Do you wanna go back there or you want to go out of the country? Japan, perhaps?" Lumiwanag naman ang mukha ni Eon sa sinabing iyon ng ama. She sighed. He's really spoiling their kid.
"But we still have to ask mom though. Where do you wanna go, babe?"
She just smiled. Napakaaga pa para magplano ng kung ano mang bakasyon.
"About Eon's schooling," untag ni Raffy. "I guess we can transfer him to an international school here in Manila. Either Brent or Reedley," he added matter-of-factly.
She took a deep breath. Alam niyang may karapatan ito kay Eon pero parang naasiwa lang siya pinangungunahan siya nito sa ganoong bagay.
"We're moving here for good?" Eon exclaimed.
She felt cornered and she doesn't like it. Ano'ng sasabihin niya? Alangan namang tumanggi siya? Nakakainis lang na pinangungunahan siya ni Raffy. Oo, masasabing okay na sila. Pero napakabilis ng lahat.
She's overthinking again. Over analyzing things. But she can't help it. That's how she is.
Tumikhim si Raffy at nagsalita.
BINABASA MO ANG
Enslaved Mind
General FictionEntwined Lives Trilogy [Book 1] Monique made a promise to herself that she will remain pure until marriage. But then she met Michael, a ruthless, sex driven guy who's also her fiance's business partner. Will she become the slave of his seduction?