CHAPTER 24
Baby
NAGMAMADALING bumalik patungong Maynila si Rafael kasama si Eon. Nakatanggap siya ng tawag mula sa mommy ni Monique. She was hysterical over the phone as she told him that Monique is nowhere to be found.
He could only imagine how scared Tita Consuelo was. Kaya naman ipinaliwag niyang mabuti kay Eon na kailangan na nilang umuwi. But he never told him the real reason. He just said that he needs to attend to some business.
Nang makarating na sila sa tahanan ng mga Velez ay agad silang sinalubong ng nag-aalalang si Yaya Mercy.
"Rafael, anak... Si Monique..." bulong nito. mahimbing kasing natutulog si Eon sa mga bisig niya.
"Hindi niyo pa rin ho ba siya na-contact?"
Umiling ito.
"Ano po palang nangyari, Yaya Mercy?"
"Hindi ko alam, hijo. Masaya pa nga siyang tumawag sa akin kahapon upang ipaalam na nagkausap na sila ng daddy niya," anito. Batid ang lungkot at takot sa boses nito.
"'Ya, iwan ko nalang po muna si Eon sa inyo. Hahanapin ko po si Monique."
"Hinahanap na rin siya nina Bert at Ma'am Consuelo. Mabuti nalang at nasa ospital ang mga kapatid ni Sir Manolo. Mag-ingat ka, Rafael. Tumawag ka agad kapag may balita ka na kay Monique."
Nang makapag-paalam na ay dumiretso siya sa dating condo unit ni Monique. Despite his worries, he still believes that she's okay. Marahil ay gusto lang muna nitong mapag-isa.
But he just arrived at an empty unit. Wala ring anumang bakas na nanggaling doon si Monique. Kaya nagmaneho siya papunta sa boutique ng matalik nitong kaibigan sa kolehiyo na si Camille.
"Hindi pa kami nagkikita. The last time she contacted me was when she was still in the States. Sabi niya uuwi raw siya kasama si Eon," paliwanag ng best friend nito.
"Is... is she missing?" Nahihintakutang tanong ni Camille.
He shook his head. Ayaw niyang mag-alala pa ito.
"I hope you don't mind me asking, but, a-are you two okay na?" Nag-aalangang tanong nito.
Ngumiti lang siya saka nagpaalam. Tinawagan niya si Tita Consuelo upang tanungin kung na-check na ba ng mga ito ang dating restaurant ni Monique sa BGC. Nailipat na ang pamamahala ng naturang restaurant sa mga magulang nito. It won't hurt though if they'd check whether Monique's in there. Pero sabi nito ay wala rin daw doon si Monique.
Doon na siya lubusang nabahala. A sudden pang of pain crossed his heart. Dati ay kabisado niya ang takbo ng utak nito. Kahit hindi pa nito sabihin, alam niya kung ano ang nais nito. Be it window shopping, eating out, or even just tight hugs. He knew her back then, he owned her.
But now, he has lost his touch. Wala na ang dating Raffy na eksperto pagdating sa dating kasintahan.
Kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip niya. Baka ano na'ng nangyari kay Monique. As cliché as it sounds but it is indeed true that regret comes last. Pinagsisisihan niya ang lahat ng mga pagkakamaling nagawa niya. Kung sana lang nilawakan niya pa ang kanyang pang unawa. Na sana hindi siya nagpadala sa galit. Na sana hindi niya nagawang saktan ang babaeng minahal niya noon pa man.
Vivid thoughts of the happy moments he shared with Monique ran across his mind...
"'Wag ka nang magtampo, baby, please?" He pressed his chin on her shoulders.
He can only see her profile as he is hugging her from the back but he's certain that she's pouting.
"Baby, I had to fetch Becca because her car's busted," dagdag pa niya. It wasn't entirely a lie though. Hindi man sira ang sasakyan ni Rebecca ay hindi rin naman nito magagamit iyon dahil sa coding. Kinailangan niya itong sunduin. She has something that he needs.
BINABASA MO ANG
Enslaved Mind
General FictionEntwined Lives Trilogy [Book 1] Monique made a promise to herself that she will remain pure until marriage. But then she met Michael, a ruthless, sex driven guy who's also her fiance's business partner. Will she become the slave of his seduction?