maputi at makinis

294 0 1
                                    

(a/n: Paalala lang po, hindi po ako mahilig sa pwet. Actually, hindi naman po ito tungkol dun, nagsimula lang po talaga dahil dun. At dahil busy ako sa plates, (at wala namang magbabasa nito.. ) pananatilihin ko na lang po na one shot to. (for the good na rin po ng nakararami.. XD)

"Oh", tas biglang hinagis sa mukha ko yung twalya niya na kulay blue. Medyo kadiri, kasi pinunas na niya yun sa katawan niya na pawis na pawis.

"Salamat a..." *sarcasm insert here* nahulog sa lap ko yung twalya. Yuck kadiri, hinawakan ko yung twalya gamit lang dalawang daliri (yung parang humahawak lang ng basahan...) tas binato ko uli sa kanya.

Actually, na touch naman ako sa concern niya. Mainit kasi talaga dito sa ground floor kahit gabi na. As in bumabaha na ng pawis sa buong katawan ko!

"Arte mo naman!" sigaw niya sakin. Hindi na siya nahiyang sumigaw, since kami na lang ni Pots ang tao dito sa school, syempre except dun si Manong Guard na 24 hours dito.

"Hindi ako maarte, meron lang talaga ako sa bag na twalya" gumapang ako papalapit sa bag ko, ayoko na kasing tumayo, sobrang pagod na ko! Tas inabot yung twalya sa first posket ng bag ko. Pinunas ko sa buong katawan ko, shet nanlilimahid na ko! Tas tumalikod si Pots tas, kinuha na lahat ng paint materials namin tsaka binitbit na din yung mga bag namin. Tas nag sign siya na lalabas na siya.

Habang pinupunas ko sa mukha ko yung twalya, lumabas ako ng konti tas tumingin sa langit.

"Putik, gabing gabi na talaga" nagreklamo ako sa sarili ko.

"HI-HI-HI" napatingin ako sa gilid ko.

Shet! Kinabahan ako dun a!! Si Manong Guard pala, ngumiti siya. Natawa yata siya sakin kasi kinakausap ko na yung sarili ko dito. Ngumiti na lang din ako, tas naglakad agad pabalik. Mabait naman yun si manong, medyo creepy lang talaga. Ngiti kasi ng ngiti! Medyo nakakatakot na tuloy, tas gabing gabi na, tas nasa labas na ng skul si Pots, so basically, kami na lang dito ang tao ni Manong Guard.

Mas malapit ang daan dun, kung saan iniwan ko si Manong Guard, pero pinili ko na lang dumaan sa long way (nakakatakot kaya si Manong Guard!) , pumasok sa 3 building bago makalabas na gate 1 ng skul. Tinext ko si Pots, na dun na lang niya ko intayin sa sakayan. Medyo malayo, kasi iikot pa siya ng skul, pero wala siya magagawa. Siya kaya ang nagtulak sakin na sumali sa contest yun!

Naglakad lang ako ng naglakad. Hanggang sa nakapasok na ko sa isang building. Madilim. Hindi naman ako takot sa dilim, sa multo... Mas takot ako sa rapist, kaya mas gusto kong dumaan dito. Ngumiti ako, sa magandang solusyon na naisip ko. Tas bigla akong napasimangot...

"Bakit naman kasi pumayag payag pa akong sumali sa contest na yan e??! Yan tuloy, gabi na naman ako uuwi.. kailangan kasi na matapos na namin yung mural na yun by monday. E ano na bang araw na ngayon? Friday??? Tas hindi pa halos kami nakakalahati. Sabi ko naman kasi kay Pots, magpatulong na kami kay Yna e..." tuloy tuloy lang ako sa pakikipagusap sa sarili ko, don't get me wrong, dito talaga ako nag eenjoy e! ahaha =)

Ginaya ko yung malaking boses ni Pots.. " ..ayoko siyang isale, hindi naman gagawa yun e... tsss... e ano naman kung crush ka nun? Iniisip mo na lalandiin ka lang nun? E hawak kaya natin yung pangalan ng college natin? Hahayaan ba niyang matalo tayo?? Atsaka, kilala ko yun si Yna, responsable yun... E MAS RESPONSABLE PA NGA YUN SAYO E!

Tas narealize ko nasa pangalawang building na pala ako. YES! one down, two to go!

Medyo binilisan ko na yung lakad ko, naiimagine ko na kasi yung mukha sa kin ni Pots pagdating ko dun. Ayaw niya kasing naghihintay, yan yung ugali niya.

Siguro nagtataka kayo kung bakit reklamo ako ng reklamo sa pagsali sa contest na yun, kung pwede naman ako umayaw in the first place. Well, si Pots, bestfriend ko yan since forever. As in parang Julio at Julia kami nung bata. Magkapitbahay kami, at magkapit puso din ang mga nanay namin, kaya halos lahat ng damit ko nung bata, meron din siya, para partners daw kami.

Ewan ko ba dun sa mga yun? Ang lakas ng trip. Gusto daw kaming ipakasal, at seryoso yun. Kasi naaalala ko nung bata kami.. mga 10 yrs old, nag dala na ng lawyer si Mama sa bahay, at andun din si Tita Con, yung nanay niya, pati na rin si Tito Emil, yung tatay niya. Magpipirmahan na sana sila, well GOOD JOB for my Daddy, kasi pinunit niya yung kontrata. Pinalayas yung lawyer, tas pinagalitan niya yung tatlo ng parang mga bata.

E totoo naman e? Feeling Chinese lang,?? Atsaka kahit dumating ako sa punto na pinagsisihan ko na hindi natuloy yung arrangement ng kasal nung highschool (kasi nagkagusto ako sa kanya... <3 but that's another story) E, ayoko rin namang sila ang pipili ng pakakasalan namin nu? Ano yun, story sa wattpad? Secretly married ganun??!

Pero kahit ganun, siya ang naging knight in shining armor ko, naging date nung JS prom at naging piggy back ride nung mga panahong nag fe feeling prinsesa ko. Pisti, hindi ako makakatanggi sa isang favor niya, na sumali sa mural contest na yun, kaya ayun. That's the story, bow.

*bow* nag bow talaga ako, hindi dahil sa kabaliwan ko.

May nakita kaso akong gumagalaw dun sa may office ni Mam Uyehara, yung prof ko sa Algebra. Nasa harap na ko ngayon ng office ni Mam, medyo nakabukas yung pinto, may naririnig akong kalambog. Ano yun? Magnanakaw??! Madilim kaya mga silhouette lang ng tao nakikita ko.. PUTEK! May tao nga! Anung gagawin ko??!!

Kumaripas ako ng takbo sa Maintenance room, malapit lang halos dun sa office ni mam, tas naghanap ako ng magagamit pang defense sa sarili ko. Umiikot ikot yung pwet ko sa sobrang pagmamadali.. Ah.. mop... basa pa e.. a.. tubo... Ayun tubo! May nakita akong boxes na tubo dun, pero ano to? puro joint lang?? shet! ano namang magagawa nito???!

Ka BAAAAM!

May narinig uli akong kalabog mula dun sa office ni Mam Uyehara, wala na kong nagawa, kinuha ko na lang yung pinaka malaking Joint ng PVC Pipe.

Nung nasa harap na ko ng office ni Mam, hinawakan ko ng dalawang kamay yung pipe, tas dahan dahan na triny na buksan yung pinto...

BAAAAAAMM... BUUUGSS!!

May kumalabog uli, pero napapikit na lang ako, pag kamulat ko, may nakita akong makinis na maputi na, mukang balat ng tao na may hati sa... "WAAAAAAAAAAHHHHH!!!!" Shitty! anu yun? PWET???!

"holy mother of--" boses ng lalaki, pero hindi ko na tinuloy, tinapon ko sa lalaki yung PVC pipe na hawak ko, tas tumakbo na palabas ng skul. It didn't even take a minute, nung nakarating na ko sa sakayan. Sobrang weird.... ! Bakit may pwet dun sa office ni Mam? Alam kong matandang dalaga si mam, at matagal talaga na ring inaalikabok yung ano niya.. pero.. Shet!! Tas batang, estudyante pa? Tas sa school pa? Sa office niya???

"Hindi mo naman nakita yung mukha niya, malay mo, matanda na rin??... Syet, e ako?? NAKITA NIYA BA UNG MUKHA KO??" shet...

"HOY! Ano ka ba?" nabalik ako sa huwistyo nung inalog ako ni Pots.

"May nakita, nakita.. nak-nakita..---" hindi ko matuloy yung sasabihin ko, parang nabtrauma lang..

"Hahaha! Wala palang multo a??!" akala niya yata nakakita ako ng multo. Ang yabang ng ngiti niya, kasi matagal na naming pinagtatalunan nja merong multo sa skul. E hindi kasi ako naniniwala dun, tas siya daw, nakakita daw sa skul.

"Hindi mo naiintindihan!" napatingin uli ako pabalik dun sa school. Inakbayan, tas pinat niya yung kamay niya sa ulo ko, na parang kino comfort... Tas hinila niya ko papunta dun sa tawiran.

Ako naman, hindi ko maalis alis yung mukha ko dun sa school. Ano ba kasi talaga yung nakita ko? Sigurado ako pwet yun...??

"Naiintindihan ko, ito good news.." pinauna na niya kong sumakay sa bus, tas nung nakaupo na kami, inakbayan niya uli ako. ".. ipagtitimpla kita ng choco sa bahay, k?" ang yabang pa rin ng mukha niya.

"Pero..." nakita ko pumikit na siya, sign na tutulog daw siya. Pero nakangiti. Bwisit! Inalis ko yung akbay niya sakin, tas inuntog ko ng mahina yung ulo ko sa bintana, tas pumikit na din.

Itutulog ko na lang to.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SYET, PWET??! (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon