~~~
Continuation
Tahimik akong naglalakad papuntang room ko nag hiwahiwalay na kami ng mga kaibigan ko iba iba kasi kami ng kinuhang course. Ang kinuha kong course ay BSBA, ako kasi ang mag mamana ng business namin kahit ayoko wala akong magagawa dahil dalawa lang kaming magkapatid at ayoko naman na si Rhyllianne Kate ang balingan ni Dad ng pag mamana ng business namin ayokong mahirap ang kapatid ko.
"Room 306" basa ko sa hinintuan kong room. Binuksan ko ang pinto at dumiretso sa likod sa upuan ko malapit sa bintana narinig ko pang nag bulungan ang mga babae tsk.. Maya maya dumating na ang prof. namin wala naman akong pakielam sa ituturo nya hindi naman sa nag yayabang pero my utak ako, alam ko na yung ituturo ng prof. namin.
Napatingin ako sa labas ng bintana kung saan tanaw ang garden ng school nato. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi ni Symon samin, para talagang nakita ko na yung Elira na sinasabi nya at bakit nya ako kilala? Yung mga mata nyang pamilyar saakin.. Ayoko syang tawaging Xeira my naaalala kasi ako.. ANG TANGA KO TALAGA! ANG GAGO KO! SHIT! Kung sana hinabol at humungi nalang ako ng sorry baka.. Baka nandito pa rin sya.. Baka kami pa rin.. Kung hindi lang sana ako nag gago edi sana.. Fvck! Here I go again iniisip nanaman ang nakaraan nasa huli talaga ang pagsisisi. Pag wala na sayo saka mo palang makikita yung halaga ng isang tao..
Nasanay kasi ako na hinahabol nya.. na kahit kasalanan ko sya pa rin ang sumusuyo sya pa rin ang nag lalambing, nag sawa ako sakanya humanap ng iba. Kinahiya ko sya. Nakinig ako sa magulang ko na wala akong mapapala na maganda sakanya na hiwalayan ko sya, binaliwala ko sya.. Tumingin sa iba nag hanap ng iba pumatol kung kani-kaninong magagandang babae hinayaan ko syang umiiyak ng dahil sakin lahat ng pag patak ng luha nya ay dahilan ay ako..
Kring
Kring
Kring
Tumayo na ako sa at lumabas hindi ko na hinintay ang prof. na palabasin kami Ano kami elementary? Tss.. nag lakad na ako patungong elevator alam ko na nakasunod na ang mga kaibigan ko sakin. Pag bukas ng elevator agad akong sumakay hindi ko na hinayaan na makapasok sila sa loob. Kukulitin nanaman nila ako kung kilala ko ba yung dalawang babaeng yon. Papunta pa lang akong cafeteria nakita ko na ang mga studyante na parang my pinapanood napakunot ang noo ko kaya lumapit ako.
BINABASA MO ANG
I'm More Broken Than You Think (The Revenge)
Short StoryNag mahal kana ba? Yung tipong lahat ibinigay mo, lahat ginawa mo, lahat ng pag mamahal binigay mo pero kulang pa rin, kasi hindi sya nag nanatili sayo. Minahal mo ng totoo, minahal mo ng todo, minahal mo ng tama pero hindi ka parin talaga sapat. Na...