One More Drink

1K 66 26
                                    

Wanted waitress. To inquire please refer inside if you're interested

Manila, Philippines — I began to travel my sight to the new place. Maingay at maraming mga tao ang nakikita ko. Ang daming mga private cars ang pagala-gala at nakikita ko ito kahit saan man mapadako ang aking mga mata. Mainit ngayon at dagdagan pa ng usok galing sa mga sasakyan, mas lalong naging impiyerno ang aking nararamdaman dahil sa kawalan ng sapat na hangin.

May namamasyal na masayang nagkukuwentuhan, mayroon ding tahimik lamang. Pero isang sampal ang dumampi sa akin nang makita ko ang isang pamilyang magkasama na kumakain sa isang mamahaling restaurant.

As if it was like a huge slap on my face. I can't blame myself because I was born from a broken family. My Papa left us and we have nothing to do but to watch him go and cry.

That's why I'm here to continue my messy life. Matagal na panahon na'ng nakalipas, yet memories were still there, it hadn't changed. I could still remember my Papa's face, his charming eyes, thick eyebrows, high-bridged nose — and — I couldn't continue to mention every part of him because.... I hate him a lot.

But what makes me strong? My Mama who did nothing but to yell and curse the kind of life we have. Palagi niya akong sinisigawan, akala niya mawawala lahat ng problema niya kung sisigawan niya ako; mas lalo pa ngang nadadagdagan.

"Miss, gusto mo bang maging waitress?" pagtatanong ng isang babae nang makasalubong ako sa labas ng restaurant.

Muli ko na namang naalala ang dahilan kung bakit ako narito. Lumayas ako kahit wala pa ako noon kamuwang-muwang sa mundo.

"Miss?" muli nitong sabi.

Nakatulala pa rin ako. Tatlong araw na akong naghahanap ng trabaho. Finally, God sent the newest hope for me. Kagaya nga ng sabi ko, wala akong permanent-ing tirahan.

This world provided a place for me, but no place I could consider as my home.

Tumango ako bilang pagtugon sa kanya. Inayos ko ang aking buhok at tinangay ang ilang hibla sa likod ng aking tainga. I also check myself if I do look neat or not. Okay din naman ang suot kung sapatos, kahit luma na'y mukha pa ring bago.

Humakbang na ako at sumunod sa likod ng babae na nag-alok sa akin. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. I remember the days when I was still a child. Noon kasi, wala akong pakialam kung may kakainin kami bukas o wala. Hindi naman napasok sa isipan ko noon ang mga bagay na ngayo'y pinuproblema ko na.

"Sandali lang, hintayin mo na lang muna ako rito," sabi pa nito bago umalis sa aking harapan.

Napakalaki ng restaurant na aking nasisilayan. Siguro masasarap ang mga menu nila dahil halata naman sa itsura ng mga nakaserve sa counter. Ang daming lumalabas na bisita, may dumadating din pagkatapos.

I began to look for a vacant. Without a minute, there I found one.

Pasimple kong inayos ang aking suot na pantalon bago pumunta sa bakanteng mesa na nakita ko. Pero napakunot noo ako. Bakit may numero roon na nakalagay sa ibabaw? Tiningnan ko ang ibang mesa, wala naman. Siguro nga'y para sa akin talaga iyon. Ewan, basta gusto ko nang umupo!

I started to move and walk towards the vacant table. Agad kong nilagay ang bag ko sa mesa at umupo. I felt heaven when I finally got the chair for a sit. Wala naman akong kasama kaya mag-isa ako ngayon dito.

"Why you're there?" napaangat ako ng tingin.

Tiningnan ko kaagad kung sino man ang nagsalita. Gusto ko na sanang ibuka ang mga bibig ko nang muli ko namang narinig ang tanong niya.

"How you got here? Please show off, woman," nakakatakot ang tono ng boses niya.

Nais ko na sanang magsalita para sagutin siya. Nabigo ako dahil hindi nakikiayon ang bibig ko.

"Get a life or else..." matatalim ang mga tingin niya ngayon.

Hindi naman sa malandi ako, ngayon lang ako nakakita ng ganito ka gwapong nilalang dito sa lupa. Ang ganda ng hugis ng mata niya habang nakatingin sa akin. Malaki ang hubog ng kanyang dibdib, hindi nakaligtas sa aking mga mata ang kanyang matipunong balikat at braso. This man got the looks and charms!

Nilasing ako ng kanyang presensiya. From now on, mag-we-waitress na talaga ako!

"Are you insane? Wake up, woman!" dagdag pa nito.

Hindi pa rin ako makagalaw. This day will be the most unforgettable day. There I found him! Gotcha!

"Who are you?" mahinahon na ngayon ang tono ng boses niya at siya namang ikinataka ko.

"Ketana Anduanne Virchow," sagot ko.

Kumumpas sa ere ang kanyang kamay at maya-maya lang ay may mga bodyguards nang dumating.

"Arrest her, she stole my table!" Nabigla ako nang hinawakan ang magkabila kong balikat. Nagpupumiglas ako sa kanilang pagkapit.

Bakit nangyayari ito sa akin? Kasalanan na ba ang umupo sa ngayon?

Pero bago pa ako tuluyang tinangay ng mga bodyguards ay nagawa niya pang bumulong sa akin.

"By the way, people call me the great Nathaniel Bretan Abueldo."

Napataas ako ng kilay sa kanyang sinabi. Who cares? Mas mahaba pa rin ang pangalan ko!

 Who cares? Mas mahaba pa rin ang pangalan ko!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, and events are the product of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, is purely coincidental.

No part of this story may be reproduced, stored in or introduced into a retrieval system, or transmitted, in any form or by means (electronic, mechanical, recording, or otherwise), without the prior written permission of the author. Any person who does any unauthorized act in relation to this story may be liable to criminal prosecution and civil claims for damages.

Copyright © Claw Marks
A l l  R i g h t s  R e s e r v e d

One More DrinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon