05
✍
k e t a n a"Nathan?" I whispered.
I gasped. Parang binuhusan ako ng ice bucket, hindi ako makagalaw. Laglag panga akong nakatingin sa kanya habang siya'y nakangisi; kung iisipin ay parang may masamang balak ito sa akin.
I didn't know. Why this man could make me crazy? Nawawalan ako ng salita at sasabihin sa tuwing kaharap ko siya.
I couldn't handle my emotions, I become irresponsible!
My hands were shaking due to his sharp stares I beheld. On the other hand, my mind cursed him for not able to level with his intensity.
Damn, his imperfections were perfection!
"Tumutulo ang laway mo, babae!" napakurap ako nang muli kong narinig ang boses niya.
Bakit nanginginig ang tuhod ko sa tuwing naririnig ko ang kalmado niyang tinig? He got the looks yet his attitude stained him. Ano pa bang mapapala mo?
"Hindi 'to laway! At bakit naman tutulo ang laway ko sa isang masungit at pangit na katulad mo?" I shouted back.
He brushed his hair and glared. Goodness, parang tinutunaw na naman ako dahil sa mga titig niya.
"'Wag mo ngang hawakan ang sasakyan ko," masungit niyang sabi na siya namang kinainis ko.
Gusto ko sana siyang paulanan ng mga putik subalit hindi pa nga ako nakakayuko nang bigla siyang nagsara ng pinto at pinataas ang windshield.
"Walang hiya kang lalaki ka, mamamatay ka sana!" halos pumutok ang mga ugat sa leeg nang sumigaw ako, wala akong natamo. Hindi niya ako naririnig sa loob. Or he might act like he couldn't hear my shouts and screams outside?
Maya-maya lang ay tumunog ang engine nito. Mas lalong nangibabaw ang inis ko. Sino bang hindi magagalit na natalsikan ka na nga ng putik tapos may balak pang banggain ka? 'Di ba nakakahighblood?
"Gusto mo talaga makipagtuos sa akin ano?" bumubuhos pa rin ang ulan, wala akong pakialam kung nababasa na ako.
He started to drive, again. Mabagal ang pagtakbo ng sasakyan kaya nagagawa kong humabol. O baka naman binabagalan niya ang pagmaneho para inisin ako, hindi ba? Nag-isip ako kung paano ko siya ulit makakaharap. Mahirap ang gumalaw at tumakbo ng mabilis gayong makapal ang tubig na pumapatak galing sa itaas.
Kahit madulas ang tinatahak na daan, tumakbo ako at sinabayan ang pagmaneho niya; hingal nang hingal ako habang ang mga palad at talampakan ko ay nangangatog dahil sa lamig. Tiningnan ko siya sa loob, hindi na niya sinuot ulit ang kanyang sunglass. Sino bang baliw ang gagamit gayong wala namang init na lumalabas?
"'Wag kang magtago sa loob diyan, Nathan. Harapin mo ako at magsuntukan tayo!" I invited him wherein my voice was growling in anger. The wrath in me was the reason why I hated every single detail about him. He made me snarl like - I wanted him to die!
Hindi pa rin ito tumigil, lalong tumaas ang ala presyon ko.
"Siguro natatakot kang mabasa kaya ayaw mong lumabas? Pwes, papasukin mo ako sa loob at diyan tayo magpapatayan!" bigla na lang bumukas ang bintana sa driver sit. Tila bang nabuhayan ako ng loob nang muli kong nakita ang mukhang talampakan niyang itsura este ang gwapo niyang itsura. Ano ba 'yan, ba't parang nalilito ako?
"Ano ba kamo? Magpapatayan sa sarap? Gusto ko 'yan!" nakangisi ang gunggong nang binalingan niya ako ng tingin.
Aba, iba rin pala ang trip nito!
"Hindi mo na ako madadala sa mga ganyang titig, Nathan. Hinding-hindi na!" kinuyom ko ang aking kamao at kahit anong sandali ay handa akong paulanan siya ng mga suntok.
BINABASA MO ANG
One More Drink
General FictionKetana Anduanne Virchow was abandoned by her biological father. Iniwan at hindi na binalikan pa. Dahil sa galit sa kanyang ama, kinamuhian niya ang buhay na mayroon siya. She had to live for her own without the help of others. Nagsimula ang kanyang...