09 | ketana

152 10 0
                                        

09


k e t a n a

Matapos kong buksan lahat ng mga pinamiling damit ni Nathan para sa akin, niligpit ko ito at nilagay sa loob ng cabinet. Hindi naman ako nahirapan sa bawat araw dahil kasama ko naman si Nathan. Hindi pa rin namin maiiwasan ang kaunting bangayan at ilang sigawan. Mukhang nakasanayan na namin ito simula nang kami ay nagkakilala.

Ngayon ay nakasuot ako ng jeans at simpleng floral shirt sa itaas. Hindi nasanay ang sarili ko na sumuot ng mga besteda. Maybe next time I'll have to try wearing one of those. Baka tuluyan nang mahulog ang loob ni Nathan sa akin kung makikita niyang nakasuot ako ng dress. Charot!

"Miss Ketana, hinihintay ka na po ni Sir Nathan sa ibaba," narinig ko ang sinabi ni Nanay Carling. I recognized her voice even though I was here inside.

"I'll be there, sabihin mo sa kanya." sagot ko naman.

Nabigla ako nang sumigaw ito sa labas. "I'll be there, sabi niya Sir Nathan!"

Napatawa ako ng lihim dahil kay Nay Carling. Ewan ko ba kung maririnig ba iyon ni Nathan gayong minsan ay bingi ito?

"Nay, sure ka ba na maririnig ka riyan ni Nathan?" nagtatakang tanong ko.

Hindi ko narinig na sumagot siya sa'kin, marahil nga'y nakababa na.

I reached for the comb and fixed my hair in front of the life-sized mirror. There I saw my reflection vividly, I smiled and let my teeth showed up. Tiningnan ko ang aking suot na damit. Kasyang kasya ang size nito sa akin. I barely buy dresses or any clothes for my self. Nagtitipid kasi ako lalo nang may umaasa sa akin dito sa Manila.

"Miss Ketana, mukhang nagagalit na ngayon si Sir Nathan. Lumabas ka na raw," dinig na dinig ko siya dahil sa lakas ng kanyang boses.

Napabuntong-hininga ako; minsan kasi ang bilis nitong mainis. Akala mo naman tatakbuhan ng oras. Nathan doesn't know how to wait patiently, he always demands for a rush and immediate responses.

"Sabihin mo, manigas siya," gusto kong tumawa dahil sa sinabi ko.

Agad din namang sinunod ni 'Nay Carling ang sinabi ko.

"Manigas ka na lang muna riyan, Sir Nathan!" muli niyang sigaw.

Lihim naman akong napatawa rito sa harapan ng salamin. Siguro okay na 'tong outfit ko, hindi naman aakit sa akin ang ibang lalaki. Hindi na man ako gaano ka sexy; mukha pa ring mahirap at 'di mapagkamalang mayaman.

I started to withdraw from showing up in the mirror. Niligpit ko na lahat ng gamit ko, ready na rin ako para lumabas.

Dali-dali akong bumaba baka naman mapaparusahan ako ulit ng Nathan na 'yun. Iba pa naman ang mga parusa niya. Bet, you didn't knew that I enjoyed those sufferings. Mukhang mas gustuhin ko pang galitin siya.

Pagkababa ko ay agad niya akong sinalubong. Walang pasabing hinatak niya ang kaliwang braso ko. Nagpatianod na lang ako sa kanyang mabilisang pagkilos. Why he seems so quick for this instance? Saan ba talaga kami pupunta?

"Open the gate, we'll be driving out."

Nakatuon lamang ang paningin ko sa kanya. Binalingan ko ang mga nakabantay, nakakapagtaka dahil hindi man lang sila sumunod sa utos ni Nathan.

He stops gripping my arm, I let my mouth explode a sigh. Lumayo ako ng kaunti sa kanya.

"Anong tinatayo mo riyan? Hindi mo ba agad na gets ang mga tingin na 'to?" siya.

Kinabahan ako sa mga sandaling ito.

Nakakaamoy ako ng hindi magandang pangyayari. Gosh, help me how can I escape from here?

One More DrinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon