08 | ketana

141 11 0
                                    

08


k e t a n a

Nagpapahangin ako sa labas dahil hindi ko na kaya ang humarap pa sa Nathan na 'yun. Akalain mong pinapahirapan na niya pala ako?

Umupo ako sa damuhan at pinagmasdan ang buong lawak ng kanilang pag-aari. Ang laki ng bahay nila, hindi kinaya ng bahay naming kaunting kembot na lang ay matutumba na.

Hay, kailan ko pa ba maaabot ang mga pagnanais ko? Siyempre sino bang hindi mangangarap na magkaroon ng maganda't malaking bahay? Ang may dadamputin na pera? At may negosyong lumalago?

Mabuti na lang wala rito ang mga magulang niya at ibang kapatid. Siguro kung narito sila, hindi ako lalabas ng kwarto ni Nathan dahil alam ko naman na ayaw na ayaw ng ama niyang may dinadala siyang babae.

Ferdinand Theodore Abueldo was his father's name. Ang sabi ng iba, despotic daw ang taong ito lalong lalo na kung tumataliwas ka sa kanyang gusto. May mga ilang negosyo ito ayon sa aking nakalap na impormasyon, halos alam nga ng lahat dito sa kanilang lugar. Baguhan lang ako rito, hindi ko pa rin lubusang nakilala kung ano nga ba ang dahilan ng pagkalago ng apelyidong Abueldo.

"Why you're here?" muntikan na akong mapatalon nang marinig ko ang boses ni Nathan-the-great mula sa aking likuran.

Bumangon ako mula sa pagkakaupo at saka humarap sa kanya.

"Simply because I don't want to see your face," sabi ko.

Gusto ko siyang lusubin at susuntukin ang ilalim niya. Hindi lang suntok, kung makakabuwelo ako ay sisipain ko na rin. Para tuluyan nang maglaho ang lahi niya at hindi na sisibol pa!

"Sa tingin mo maiiwasan mo ako?" nakangisi pa ito. Argh, ang galing niya talaga sa pagpapainis sa akin. Palaging tansiyado kung paano ako iinisin.

"Alam mo kahapon ko pa iniisip na gusto kitang patayin! So pwede ba tatantanan mo na ako?" nangagalait kong sabi at saka tinalikuran siya. But it wasn't a success. Nahawakan niya ang braso ko bago pa ako makalayo sa kanya.

Gusto ko sana itong itapik palayo subalit naramdaman kong humigpit ang kanyang pagkakahawak. Tiningnan ko siya sa gilid ng aking mga mata, he's not looking at me.

"Nasasaktan ako, Nathan," iyon ang naging tugon ko sa kanya.

Hindi siya umimik, kaya ako na mismo ang humarap sa kanya. "Bakit mo ko sinasakal na kung tutuusin hindi pa tayo lubusang magkakilala?"

Hindi pa rin umaalis ang mga kamay niya. Tinitingnan ko siya but he just looking away from me. May mali ba sa mukha ko? Baka dinadalaw lang siya ng pagkasuplado niya?

"Uuwi ako," sabi ko at umakmang aalis. But still, hindi niya pa rin binibitawan ako. Talagang gusto ko na siyang sapakin dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.

Seriously? Ganito ba dapat kahigpit kung humawak?

Halos lumipad ako sa ere nang tuluyan niyang binitawan ako. Nakahinga ako ng maluwag at saka nabawasan ang kaba sa aking dibdib.

"You won't," tipid pa nitong sabi.

Tinapunan ko siya ng what-the-hell look at pinakunutan ng kilay. Wala e, hindi pa rin tatabla dahil mukhang ako pa rin ang talo sa aming dalawa.

Paano ba naman, mas makapal pa ang kilay niya sa akin; mas matalim ang mga mata niya kung tumingin sa akin. Para bang pati kaluluwa ko ay nakikita niya.

"Hindi kita nanay para higpitan ako. You're a total stranger, Abueldo," may diin kong sabi.

Kailangan kong mag-english para mapantayan ang mga pag-susungit niya sa akin. Okay, may rason naman siya dahil siya ang nagdala sa akin dito. Pero hindi na tama itong ginagawa niya ngayon. It was totally wrong and inappropriate!

One More DrinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon