06 | ketana

164 13 0
                                    

06


k e t a n a

Nagising ako na medyo masakit ang aking ulo; pero magagawa ko pa ring bumangon mula sa pagkakahiga. I began to uncover myself from the blanket. Makapal ang kumot na binalot sa akin kaya hindi ako tuluyang nilamon ng lamig.

Siyempre, iniisip ko pa rin ang kalokohang ginawa ko. I just used my talent to convince Nathan that I was really attacked by the cold. Nagtagumpay nga ako pero hindi pa rin iyon sapat.

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Nathan. Nag-aalala pa rin siya sa akin, halata naman sa guhit ng kanyang mukha.

"Siguro naman ay hindi pa rin humuhupa ang nararamdaman mo," pambungad niyang sabi habang ang kanyang mga mata'y nakatitig sa akin. Ibig kong takpan ang mga mata ko dahil sa mga tingin na pinapakawalan niya!

Sa tuwing tumatagpo ang aming mga mata, palagi akong napapahanga sa kanya. Matagal ko nang gusto si Nathan. Every single thing about him makes me alive. Ngayong tinatanong niya ako. . . kung okay nga ba ang nararamdaman ko, parang sasabog ako sa kilig!

"Drink this for you to dissolve the coldness inside your body, it will help you," nakangiti pa siya habang sinasabi iyon.

Hindi ko napansin na may dala-dala siyang tasa ng kape. Nakatuon lang kasi ang sarili ko sa kanya kaya hindi ko napansin ang kape na bitbit niya.

"Why you're doing these?" nagtataka lang kasi ako dahil sa mga kinikilos niya.

Ang pagkakakilala ko sa kanya, mahilig siyang makipaglaro lalo na kapag babae. Wala siyang sinasanto na kahit sino. Basta alam niyang wala nang kwenta ang isang dilag, basta niya na lang ito tatalikuran nang walang binibitawang salita.

Tumigil siya sa paglakad at muli niya namang pinakitaan ako ng nakakaakit na titig. Well, I'm going to get used of him exchanging glances like we're about to tear each other's skin. Nakakatuwa lang dahil nakayanan kong pantayan ang mga titig na pinapakawalan niya.

"You're here at my room and it's my responsibility to take care of you," napakagaling niya sa pagsasalita. He can manipulate his words, even though he didn't exert much effort.

"Hindi ko kailangan ng kape!"

Kailangan kong ipagpatuloy ang pag-arte ko. Tama, magpapa-demure pala ako sa kanya at sasagutin ko siya nang kasing lamig ng yelo.

"I insist. Please drink this, Keta---" I cut him off.

"Hindi mo ba ako naririnig? I don't need a coffee, Nathan!" tumigil ako at bumitaw ng isang napakalalim na buntong-hininga.

"Please, I need to go home now!" sigaw ko.

Gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko. But my mouth went quickly. I wasn't able to think straightly, I'm losing control!

"Walang uuwi hanggang sa hindi pa iniinom ang kape na 'to," matigas niyang sabi dahilan na umangat ang ulo ko para batuhin siya ng nakakamatay na tingin.

Kung iyon ang gusto niya, hindi ko na lang iinumin ang kape para makakasama ko siya rito nang matagal.

"You won't leave this place unless you will drink this, Ketana," he continued.

Eksaktong pagkasabi niya ay gumuhit ang isang ngisi sa aking mukha. Kung alam mo lang sana, Nathan.

Gustong-gusto ko rito mamalagi na kasama ka sa iisang bubong.

I could smell the caffeine; it gives me the need for a stimulant.

Bumalik ako sa pagkakahiga at tinakpan ang sarili ko ng makapal na kumot. Pumikit ako at nakiramdam sa kanya. I knew him too well, he wanted to curse me because of my response to him.

One More DrinkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon