04
✍
k e t a n aBago pa ako makalabas mula sa aking tinatrabahuhan, naramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone sa bulsa.
"Ma, kamusta!" masigla kong sabi.
Naririnig ko ang ingay ng aking mga kapatid sa kabilang linya.
"Anong kamusta ka d'yan?! Higit isang buwan ka nang hindi nagpapadala sa amin. Wala na akong maibibigay na pera para tustusan ang pangangailangan ng mga kapatid mo!" nilayo ko ang speaker sa aking tainga. Kay ganda ng umaga ko tapos sisirain lang ng ganito? Hay, nakakainis na buhay 'to.
"Ma, alam mo namang delay ang pamimigay ng sweldo ko. Pagpasensyahan mo muna kung hindi pa ako makakapagpadala ng pera sa ngayon." I apologized.
"E, kung wala ka namang may ibibigay sa mga kapatid mo, mas mabuti pang tumigil na lang sila sa pag-aaral! Pareho lang kayo ng ama mo, aalis para makatakas sa impiyernong buhay na 'to!" hindi ko alam kung bakit napatulo ang luha ko.
Ang Papa ko ay hindi naninirahan dito sa Pilipinas. Nagkakilala sila ng Mama ko sa isang restaurant. Medyo matagal na rin iyon dahil nasa kapanahunan pa ito nila Mama at Papa nang sila'y mga binata't dalaga.
Please be strong my child, you will grow stronger if you do so.
Naalala ko ang mga sinabi noon ni Papa bago siya umalis. Nahihiya akong sabihin na half-blooded ako kasi nga'y palagi akong sinasabihan ni Mama na huwag ipagkalat na isang Russian ang tatay ko. Oo, maraming lalaki si Mama, minsan nga'y nagtataka na lang kami kung bakit paiba-iba ang mga lalake na dinadala niya sa bahay.
Truth be hurt, I was born poor. Pero hindi iyon ang humadlang sa akin na sumuko sa buhay. Sa totoo nga'y naaawa ako sa mga kapatid kong iniwan ko sa Iloilo.
Naghanap ako ng trabaho rito sa Manila para mapaaral sila. Pero kahit anong kayod ang ginagawa ko hindi pa rin sapat ang aking sweldo para tustusan silang lahat.
"Walang kwenta! Sayang lang ang load na ginagastos ko para makatawag lang sa'yo!" napaupo ako sa stairways. Kita ko ang biglaang pag-iba ng kulay ng kalangitan. . . marahil ay uulan na naman sa mga oras na 'to.
Is it true? You can feel the wonder from the eyes of a child? But I don't remember seeing anything magical when I was a child.
Nag-umpisa ang lahat nang nagkahiwalay sina Papa at Mama.
The pain started to dig deeper. . . and it become the devoid of my life. Ang dating matiwasay na buhay ay napalitan ng gulo. Ang dating maingay na bahay ay napalitan ng kalungkutan. Gusto kong makatulong subalit wala akong magagawa noon dahil musmos pa lamang ako.
That was the only time I had seen myself so powerless.
Nagdesisyon akong umalis nang walang paalam. Ang gusto ko lang naman ay tulungan ang aking mga kapatid.
Am I a bad child?
Mali bang iwan sila? Mali bang tumulong? Mali bang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga kapatid ko?
Is it my mistake that I left them?
No! Tama ang naging desisyon ko; tama na umalis ako; tama para matulungan ko ang mga kapatid ko. I couldn't help myself but wonder...
"Ketana? Okay ka lang ba?" I stood up and wiped my tears.
"Wala 'to, Ma'am. May pinagdadaanan lang," ngumiti ako kay Ma'am Jasmin, ang manager na sinasabi kong nakahuli sa akin nang gumapang ako sa ilalim ng mesa.
"Sumabay ka na lang sa akin. Mukhang uulan baka mahirapan kang makahanap ng masasakyan," she offered me to take a ride with her but I insisted to stay.
BINABASA MO ANG
One More Drink
General FictionKetana Anduanne Virchow was abandoned by her biological father. Iniwan at hindi na binalikan pa. Dahil sa galit sa kanyang ama, kinamuhian niya ang buhay na mayroon siya. She had to live for her own without the help of others. Nagsimula ang kanyang...