day two

30 0 0
                                    

Day 2: Tuesday, October 25

"Ate Jules," tanong sa akin ni Dave habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko, "may lakad ka? Saan?"

I put on my sweater before answering, "Um, yeah. Pero diyan lang ako sa SM."

"Teka, parang kahapon lang, tinatamad ka," sagot niya na parang nagdududa.

"Medyo nag-reflect ako kagabi bago matulog," paliwanag ko. "Nanay was right, I should go out more. Pero saglit lang, wala naman akong masyadong gagawin sa labas."

"Pwedeng sumama?"

Tumingin ako sa ubod ng luma kong full-body mirror at pinagmasdan ang outfit ko: white polo na pinatungan ng black-and-white-striped sweater, ripped jeans at ang paborito kong blue sneakers. Lumabas ako ng kwarto para sagutin siya ng, "Hindi. Walang kasama si Nanay dito, walang magbabantay kay Marx. Maiwan ka dito, 'kay?" I kissed him on the cheek at nagpaalam na ako sa kanila ni Nanay.

***

Pagpasok na pagpasok ko sa mall, hinanap ko agad ang National Bookstore. Sa lahat ng mall na napupuntahan namin tuwing nagyayaya si Tatay ng galaan, doon lang ako palaging tumatambay. 

And like I always do in every bookstore I enter, nag-hoarding agad ako ng writing materials. Kinuha ko na rin yung pinakamurang journal na nakita ko. Just when I thought nabili ko na lahat ng kailangan-este, gusto ko, biglang may pumasok sa isip ko.

I need a new book to read.

I searched through the shelves in the fiction section until I found the book I've been saving up for.

The Girl on the Train. Yes, yun na yunThank You, Lord.

Pero nang kukunin ko na, bigla namang may humawak na isa pa doon sa libro. The thing is, he also touched my hand.

Woah there, Kuya.

And when I turned to his direction, I finally lost it.

"Arden?!" I whispered a bit loudly.

Both of us fell silent for a few seconds.

"Oh, bakit parang gulat na gulat ka na nandito ako?" he asked.

Inalis ko ang kamay ko sa libro. "Are you here for the book?" tanong ko pabalik.

"Yup. Pero nauna ka na, eh."

"But, you--"

"Kunin mo na. Ako na magbabayad."

What?

"Huh?"

"It's okay, Julie. Marami ka pa naman atang bibilhin sa savings mo. Sagot ko na 'yang libro. You know, para makabawi ako sa'yo."

Talaga lang, ha?

"Okay?" I said hesitantly. "Makabawi saan?"

Walang sagot.

Nagbayad na kami sa counter at lumabas. After a while, nagtanong siya, "Nag-lunch ka na ba?" My heart skipped a beat. He hasn't asked that question for days, maybe weeks. Parang bumalik kami sa getting-to-know stage.

The next thing I new, napadpad kami sa Jollibee, sa isang table na katabi mismo ng glass panel. Kaming dalawa lang.

"Oh, heto," sabi niya habang inaabot ang libro. "Wala bang 'thank you' diyan?"

"Oo na, salamat," sagot ko. "Alam mo ba, matagal ko nang pinag-iipunan 'tong libro na 'to? Thank you talaga."

"Wanna know the truth?"

"Hm?"

"Kaya ko talaga hinanap 'yang The Girl on the Train  kasi you've been wanting it noon pa. Nababasa ko lagi sa notebook mo kung magkano ang iniipon mo para diyan. Kaya nga I offered to pay for it para hindi ka na mag-effort."

"Wow, thanks. Does this mean..." I stopped. Ano ba 'tong naiisip ko?

"Does this have to mean something?" tanong niya.

"Ah, ang ibig kong sabihin, matagal mo nang binabasa 'yong journal ko? Inii-stalk mo ba ako?" I can't even believe what I just said.

"I'm not stalking you, Ju--"

"Huli ka na, 'Den. Aminin mo na."

"Oo na, oo na. Pero hindi kita inii-stalk, okay? Napasilip lang ako sa journal mo tapos nakita ko 'yon. Sus, mage-effort ba ako nang ganito kung hindi ko aalamin kung ano'ng gusto mo? What are friends for?"

Friends. Iyon lang. Iyon lang talaga kami. Friends lang. Pero okay na ''yong friends lang, kaysa naman wala.

Wala na akong ibang masabi kundi, "Sa bagay."

***

Oct 25, 2016, 4:41 PM

Untitled #11

this is probably our fate:
to fall apart
and become one again.

our eyes meet for the second time,
and it was just as magical
as the first

you left me without a single 'farewell'
and returned, not even saying 'hello again'

and this time, I know
today might be 
our second chance

a second chance
to change ourselves
and who we ought to be

another chance to live
and to love once again

sembreak natinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon