day three

9 0 0
                                    

Day 3: Wednesday, October 26

Medyo ine-enjoy ko pa ang pagtulog ko nang biglang naramdaman kong tumabi sa akin ang aso ko. A few seconds later, pumatong naman siya sa akin. Napamulat ako at napangiti nang bahagya.

"Good morning, Marx," bulong ko. Halata sa tono ng boses ko ang antok. Hindi pa talaga ako kuntento sa tulog ko kagabi. Idagdag mo pa yung nakakalokang moment namin ni Arden kahapon. Tsk. Paano ba naman ako makakatulog kung katulad niya ang makakasama ko maghapon?

Ugh, forget it.

Nang makita niyang hindi pa ako bumabangon, dinilaan niya nang dinilaan ang pisngi ko. Hay, wala nang mas magandang panggising kaysa rito.

"Okay, Marx, stop," sabi ko at tumigil naman siya. "Gutom ka na ba? Oh, sige, sabay na tayong mag-breakfast, ha?" Bumangon ako, tiniklop ang kumot ko, at nagmadaling sundan si Marx pababa sa kusina.

Naunang bumaba sa akin si Dave, at pagkasalubong niya sa akin, sinabihan niya agad ako, "Ate Jules, buti bumaba ka na! May pancakes pa dito, oh!" sabay turo sa isang pinggan na puno ng pancakes at - oh my gulay - strawberry syrup.

Nang marinig ko yun, agad kong tinakbuhan si Nanay para mag-'thank you.' Then I went back to the dining table para makakain na ako. Pagkatapos, nilagyan ko ng dog food yung dish ni Marx. Siyempre, para hindi siya magutom.

After breakfast, bumalik na naman ako sa dating gawi. Umakyat ako sa kwarto, umupo sa kama, at tumunganga-este, nag-reflect. Nanatili lang akong nakaupo nang ilang minuto habang iniisip ang mga pagkakamali ko.

Kailan ko ba matututunang makalimutan ang nakaraan? Gaano ba kahirap mag-move on? Bakit naman ako magmo-move on, eh hindi naman naging kami? Ano ba 'tong pinasok ko? Uggggghhhhh.

Tinatanong ko lahat ng yun nang paulit-ulit nang ma-distract ako sa pag-ring ng phone ko. Sinagot ko agad ang tawag.

"Hello!!!" bungad ng boses sa kabilang linya. Si Melanie pala.

"Hoy, Mel! Long time no call, ah!" sagot ko. "Mang-iintriga ka na naman ba?"

"Hindi, 'no? Kakamustahin lang sana kita. How's your sembreak, by the way?"

"Heto, lonely pa rin."

"Tungkol na naman ba 'yan kay--"

"Hoy, sabi mo, hindi ka mang-iintriga! Malungkot ako kasi miss na kita. Ano ka ba? Siya nga pala... Ikaw? Kamusta naman sa ADMU?"

"Alam mo, Jules, mas mahirap pala doon kaysa sa school natin! Ang daming research, projects, presentations and all that... Basta. Pamatay ang mga gawain namin doon, bes!"

"Pero sembreak niyo na rin, 'di ba?"

"Yup. So... tuloy na ang bonding natin?"

"Ay, oo nga! Hinding-hindi ko makakalimutan yun, 'no! Ang dami mong plano para sa'tin, puro drawing lang pala! Porke't magaling kang artist--"

"Uy, sorry na, Jules! Babawi ako, promise. Kita tayo bukas. Saan mo gusto?"

"Ah, alam ko na, Mel. Familiar ka ba doon sa pansitan malapit sa subdivision niyo? Yung kabubukas lang two weeks ago? Balita ko, may videoke daw doon. G?"

"Tsk. Ayokong kumanta, 'no?"

"Eh 'di ako na lang. Joke! Basta, see you tomorrow! Puntahan kita diyan sa inyo. Pero hanggang 6:30 lang ako pwede, ha? Alam mo naman yung tatay ko..."

sembreak natinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon