day five

25 0 0
                                    

Day 5: Friday, October 28  

It was a boring Friday afternoon. The past few days were kinda good, pero wala na yatang mas boring pa dito. Nakatayo lang ako sa balcony namin at nakatingin sa mga batang naghahabulan sa labas, sa mga nanay sa katapat naming bahay na nagsasampay, sa mga kotseng ipinaparada sa mga bahay-bahay. At habang pinapanood ko sila, nag-iisip din ako ng ibang paraan para maglibang, maliban sa pagbabad sa laptop at pagre-relax kuno sa kama ko.

After a minute of reflecting, I came up with a very bright idea.

Bumalik ako sa kwarto ko at naghalungkat, hanggang sa makita ko yung medyo luma kong electric guitar na matagal ko nang hindi tinutugtog. Ganoon pa rin yung itsura niya. All black, walang gasgas, kumikinang pa.

Lumabas ulit ako sa balcony, isinaksak ang gitara sa amplifier, at nagsimulang tumugtog. Medyo nawala nga lang siya sa tono kasi mahigit dalawang taon na mula noong huli ko siyang nagamit. But, after a little bit of tuning and a little more practice, good as new na siya ulit.

Nang makaisip na ako ng tutugtugin, kinapa ko na yung intro. Hindi ko alam kung naistorbo yung mga tao sa labas o kung narinig man lang nila, pero may mga ibang napapalingon sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paggigitara.

Napatigil lang ako sa pagtugtog nang mag-ring ang phone ko na nasa loob lang ng kwarto ko. I put away everything immediately and rushed to pick up the phone.

"Hello?"

"Julie?"

"Oh, Arden, napatawag ka. How's your day?"

"Doing good, narinig ko lang naman kasi yung boses mo. Kidding aside, may open mic night daw sa cafe malapit sa school. Wanna go with me?"

"Ah, yung Saffron Cafe? Nagagawi rin ako doon minsan. Nakapag-spoken word na nga ako doon once, eh."

"Wow, cool."

"Bakit mo pala ako ini-invite?"

"Kakanta kasi ako doon mamaya. Papakiusapan ko na rin sana yung manager doon kung pwedeng isama ka na sa line-up. You know, para mabigyan ka ulit ng chance na maipakita yung talents mo. Sayang naman yung mga tulang nababasa ko sa journal mo."

"Stalker ka talaga."

"No, I'm not. Basta, see you later at 5. I'll pick you up."

"Wait, alam mo rin bahay ko?"

"Mahabang kwento. Get ready na, ha? See you. Again. Bye."

"Bye."

Tinignan ko ang digital clock sa bedside table ko. 4:31 na pala.

Nagmadali na akong maligo, magbihis, magsepilyo, mag-ayos, lahat-lahat. Tapos, maya-maya lang, tumawag ulit siya.

"Hey, Julie! Ready ka na?" tanong niya.

I checked myself in front of the mirror for the last time. "Oo, ready na. Nasaan ka?"

"Nasa labas na ng gate niyo."

WHAT?!

"T-teka, ang b-bilis mo naman ata! A-akala ko b-ba, 5 pm?" Kinuha ko ang journal ko at nagmadaling bumaba para buksan ang gate... pero huli na ang lahat. Nandoon na ang buong pamilya ko.

Joke lang. Sina Nanay at Dave lang pala.

"Anak, boyfriend mo?" tanong sa akin ni Nanay.

"Ah, h-hindi p-po," I stuttered. Anak ng pating.

"Actually, best friend po ako ni Julie," paliwanag ni Arden. "Yayayain ko po sana siyang lumabas, doon lang po kami sa Saffron, yung coffee shop na malapit lang sa school namin. Medyo gagabihin nga lang po kami, pero I'll make sure your daughter's safe."

sembreak natinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon