Day 6: Saturday, October 29
Iminulat ko ang mga mata ko at tumitig sa kisame. Tanaw ko na ang mga sinag ng araw na tumatagos sa bintana. Nasilaw ako at bumalik sa pagkakapikit.
Pero hindi rin iyon nagtagal. Pinilit kong bumangon at nang makita ko ang orasan, napaupo ako sa gulat.
"Shet," bulong ko sa sarili ko.
Alas-onse na pala. Tinanghali na ako ng gising. Asar.
"Oh, anak, buti naman nagising ka na," sabi ni Nanay habang pababa na ako ng hagdan. "Napuyat ka ba galing sa date niyo kagabi--"
"'Nay, hindi po yun date," pagputol ko sa salita niya. "Porke't kaming dalawa lang ang magkasama sa cafe na yun, date agad? 'Nay naman!"
"Oh, siya, kumain ka muna kahit isang pandesal lang," sagot niya. Hindi na lang ako umimik, kumuha ng isang pirasong tinapay, at kinain ito. Kumuha ako ng isa pa, at isa pa, at isa pa, hanggang sa hindi ko na makayanan. Umupo ako sa sofa, hawak-hawak ang isang basong tubig, at nanood ng TV.
Tinabihan ako ni Dave at tinanong ako, "So, Ate, kumusta naman ang parang-date-pero-hindi niyo ni Kuya Arden?"
Tsk. Pati ba naman itong si David, tatanungin ako nang ganyan? Gosh.
"Okay naman. Masaya naman yung open mic night doon sa Saffron. Kaso, ayun nga, mga 10:30 na natapos. Napuyat tuloy kami. Hindi pa rin talaga ako naka-get over sa nangyari kaya hindi ako nakatulong for more than two hours," I answered with a laugh.
"Ang tibay mo naman, 'Te Jules!"
"Naku, Dave, 'wag mo 'kong tularan. I understand naman na nag-aaral ka nang mabuti, pero matulog ka naman ng maaga, ha? Hindi yung may ka-chat kang chikababes habang nagre-research kuno!"
"Ate, hindi chikababes yun, ka-group ko lang sa--"
"Sus! Sige, bahala ka, kung ano mang turing mo sa kanya, pero wag ka namang makikipag-usap kung hindi naman tungkol sa aca--"
"Eh bakit kayo nag-uusap ni Kuya Ar--"
"Kaya nga 'wag mo 'kong tularan, 'di ba? Saka dati lang yun, noong kalilipat lang niya sa school natin, okay? Ang bata-bata mo pa, gumagawa ka na ng issue!"
"Sorry naman."
I stood up, shrugging my shoulders and shaking my head. Pero sa kaloob-looban ko, natatawa ako na kinikilig na ewan. Pesteng yawa ka, Arden Sy. Kasalanan mo 'to.
Dahil sa'yo, tuluyan na akong nahibang.
***
4:52 PM
beshieee!Hindi ko na kinakaya 'to. Nag-message pa ang loko.
Nakatitig lang ako sa screen for two minutes. Dapat talaga, maghahanda na ako ng damit na susuutin ko pagkatapos maligo, pero heto ako ngayon, nakaupo sa kama ko at nagii-scroll sa Messenger ko.
4:54 PM
wowsaya mo ah
anong meron
wala lang
just wanna say hi
okay...
bakit sunud-sunod ka mag-type
na-excite ka siguro kasi ako yung
nag-message sayo
BINABASA MO ANG
sembreak natin
Short Storyin which a girl tries to rekindle her past friendship with her first love during a nine-day break from school