day four

15 0 0
                                    

Day 4: Thursday, October 27

WED, 9:07 PM
ily, beshie

Binasa ko nang paulit-ulit ang huling message niya sa akin. Kakatapos ko lang magtanghalian, at naupo lang ako sa sala habang nakatitig sa phone ko. Pero wala akong ibang ginawa kundi titigan at namnamin ang bawat letra ng message na yun.

Did he really mean to send me that message before I sleep? Ginawa niya na naman ba yun para paasahin ako? Baka naman nagbibiro lang siya. O baka seryoso siya. Hay, kalokohan.

Ibinaba ko ang phone ko sa sofa at naghanda na para maligo.

Pero sadyang mapagbiro ang tadhana (or is it my overthinking?) at hanggang sa shower ay hindi ako nilulubayan ng mokong na yun.

I love you ba talaga yung ibig niyang sabihin? Bakit parang ang bilis naman ata? At isa pa, hindi naman kami. And in the first place, hindi naman niya kagustuhan yun. Hanggang friends lang kami. Tapos. Tanggap ko na yun. Pero kung totoo ang intensyon niya... Ugh, erase, erase!

Bahala na.

I went out of the shower at sinuot ko ang aking usual na pambahay: gray na T-shirt at floral na shorts. Tapos, nagwalis muna ako sa sala bago bumalik sa inupuan kong sofa at tumunganga. Na naman.

Ang kaso, may naalala ako. May lakad pala ako ngayon.

"'Nay!" Pinuntahan ko siya sa kusina. "Pwedeng magpaalam?"

"Sige, ano?" Hindi ako nilingon ni Nanay kasi, obviously, nagluluto siya.

"Kasi, um... Niyaya ko yung best friend ko, si Melanie, doon na kami magdi-dinner sa bagong kainan malapit sa kanila. Okay lang ba?"

"SIge lang, anak, basta 'wag ka lang umuwi ng late. Before 6:30, nandito ka na, okay?"

"Opo!"

***

"Jules, buti na lang talaga, natuloy tayo dito," sabi sa akin ni Melanie habang papasok kami sa pansitang napag-usapan namin kahapon.

"Kasi naman Mel, kaya ko lang naman naisip na dito tayo, you know, mag-hang out, kasi malapit lang sa atin," sagot ko. "Kung pwede lang sana, hindi lang ito yung first and last time natin dito."

Nang makaupo na kami sa isang maliit na lamesa, napansin kong may dalawa pang tao na pumasok. Dalawang lalaki, yung height ng isa, halos three-fourths ng sa isa. At parang kilala ko sila.

Inalis ko agad ang tingin ko sa kanila para maka-order na kami. Habang hinihintay ang pagkain, napalingon ulit ako sa dalawang lalaki, na pumuwesto sa katabi namin lamesa.

Siya na naman?

"Hi." Kumaway siya sa akin. Natulala ako. Parang iba ang pakiramdam ko kapag tumitingin siya sa akin. Kahit ngayon.

"Hi," sabi ko. "First time mo rin dito?"

He smirked. "Kung hindi ako hinatak ni Jared dito, eh hindi na kita nakita."

"Baliw ka talaga," sagot ko habang pinipigil ang pagtawa. "Nandito ba kayo para kumain o para sundan ako?"

"Kakain talaga kami. Next step na yung isa."

"Tsk."

Umiwas na lang ulit ako. Tamang-tama dahil dumating na ang pagkain namin.

"'Yan ba yung sinasabi mong naging crush mo since last September?" tanong sa akin ni Mel.

Napailing ako bago sumagot ng, "Quiet ka lang, bes! Lakas mong mang-intriga, kalapit lang natin yung tao, oh!"

"Sorry naman. Pero based on my observations, you kinda get along, ano?"

"Close naman talaga kami ever since nag-transfer siya."

"Oh. So how's it going naman?"

"We're... um... fine. We're perfectly okay."

"Yes, we are," singit ni Arden. Hay naku talaga. "Kanta tayo?"

Tama ba ang narinig ko? Niyaya niya akong... mag-videoke? Nice.

"Um... sure," I answered, slightly stuttering.

Hinatak niya ako sa videoke machine na nakapuwesto sa gilid, kahilera ng cashier. Pumindot siya ng number at tinignan ako nang may nakakalokong ngiti.

"You know this song?" tanong niya sa akin, pero bago pa man ako sumagot, nagsimula na siya.

Oh I'm sorry, girl, for causing you much pain
Didn't mean to make you cry, make your efforts all in vain
And I apologize for all the things I've done
You were loving me so much but all I did was let you down

"Ikaw naman," he said through the microphone. I may not see it from where we are standing, pero pakiramdam ko, pinapanood na kami ng lahat. I took a deep breath and sang the next few lines.

Oh, I really don't know just what to say
All I know is that I want you to stay

Nawala nang bahagya ang kaba ko dahil alam kong kasama ko naman si Arden. It is actually my first time to sing in public at walang gaanong nakakakilala sa akin, pero maski ako, nagulat sa sarili ko kasi hindi man lang ako na-tense.

This time, I'm not gonna let you slip away
This time, I'm not gonna let another day go by
Without holding you so tight
Without treating you so right

This time, I'm not gonna let go of your love
This time, I promise you that we'll rise above it all
And I will never let you fall
I'm gonna give you my all, this time

Nagsalita siya ulit, pero inilayo na niya ang bibig sa mic, "Ang galing mo rin palang kumanta."

Sumagot ako, "Ikaw rin naman, eh. As always."

And we continued singing.

Oh, I never thought that I was hurting you
Now I know that I was wrong, now I know just what to do
Gonna try to be the best that I could be
All I need is one more chance to make it up to you, you'll see

And there's one more thing that you oughta know
All I know is that I don't want you to go

Ito ang first time kong kumanta sa harap ng ibang tao maliban sa pamilya ko, but I'm definitely sure this won't be the last time. Kung hindi dahil kay Arden, hindi mangyayari ang lahat ng ito.

***

Oct 27, 2016, 9:23 PM

Untitled #12

who would have thought
that a simple melody
would speak for our hearts
and let us fall completely?

who would have thought
that there would be one song
to make us realize that
we need each other all along?

two voices, one harmony;
two souls, one story.
this is our song,
this is our journey;
and it all begins tonight.

sembreak natinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon