Day 1: Monday, October 24
Hindi ko alam kung bakit hindi ako tinanghali ng gising ngayon. Nasanay pa naman akong gumigising every 10 to 11 in the morning kapag ganitong walang pasok. Pero ngayon... Tsk. 5:45 am pa lang. I sat on my bed for a few minutes only to realize na hindi ko pala pinatay yung Monday-to-Friday alarm ko. Ang tanga ko talaga.
At tumutugtog pa rin ang alarm tone ko habang wala akong ginagawa tungkol doon. Dobleng katangahan.
I quickly picked up my phone and turned off the alarm, tapos humiga ulit ako. Oh, well. Hindi naman siguro masama kung matutulog lang ako buong araw. Or hanggang magising na lang ako at ma-realize ko na wala akong ginawa ngayon at wala talaga akong balak gawin ngayong sembreak.
***
"Julie! Anak! Tanghali na, hindi ka pa bumabangon diyan! Bumaba ka na at mag-almusal!" sigaw ni Nanay mula sa kusina.
"Mmhmm, inaantok pa ako, 'Nay," sagot ko na mukhang hindi niya narinig. Whew.
Sumigaw ulit siya, "Jules! Bangon na diyan! Gisingin mo na rin si Dave at nang makapag-agahan na kayo!"
Hindi na ako sumagot at bumangon na ako nang dahan-dahan. Time check: 8:34 am.
Hinang-hina akong bumaba ng hagdan. Ang kapatid ko namang si Dave, nagmamadaling tumakbo na parang sobrang excited sa pagkain. Nalalangahap na namin ang amoy ng bacon at sinangag na may chorizo mula sa dining area namin, kung kaya nabuhayan akong muli.
Habang kumakain kami, tinanong ako ni Nanay, "Jules, ano'ng plano mo ngayong sembreak? May mga lakad ka ba?"
"Um, wala po. Dito lang po siguro sa bahay," sagot ko. "Ngayon na nga lang po ako makakapagpahinga, eh. You know, academics and all."
Natahimik kaming lahat for a few seconds, hanggang sa sinabihan ako ni Nanay, "Alam mo, anak, you should go out more often. Pero huwag naman masyadong gala, ha, baka may masamang mangyari sa'yo. Mahirap na."
Kinain ko na yung natitirang bacon at sinangag sa pinggan ko habang nakikinig dahil inunahan na naman ako ni Dave. Lokong bata, ang bilis kumain, hindi naman tumataba!
"Hindi naman masama kung lalabas ka paminsan-minsan. Saka hindi rin naman makakatulong 'yang pagbabad mo sa laptop mo bago matulog. Kaya ka nagkakasakit, eh."
Noted, 'Nay. But not today.
Hindi naman sa sinusuway ko yung nanay ko, pero I don't feel like going out today. Lunes na Lunes, gagala ako? Jeez, nakakatamad. Isa pa, marami pang importanteng pwedeng gawin tulad ng manood ng thriller movies, magbasa ng chemistry and geology books, at siyempre, i-update ang blog ko.
***
Naisipan kong mag-shower kahit hindi naman ako gagala. I just love the feeling of showers. Nalalamigan ako, nare-refresh, nalilinis ang katawan, at siyempre, nawa-wash away ang tension. Bonus pa yung nakakapag-isip ako nang malalim at nakakakanta ako sa shower nang walang pumipigil sa akin.
Pagkatapos kong magbihis, bumaba ulit ako para buksan ang TV. 5:15 pm na, at wala pa rin talaga akong balak lumabas ng bahay. Ang gusto ko lang namang gawin buong sembreak ay magmukmok dito sa sala, o kaya sa kwarto ko. Magmukmok habang nakikinig sa Exploraion No.5 at nagtatanong sa sarili kung bakit hindi niya ako magawang gustuhin.
Hindi ako hahayaan ang sarili kong lumabas ng bahay hangga't hindi ko pa kaya, hangga't natatakot pa akong makasalubong siya sa mga random places. Oo, may feelings pa rin ako para sa kanya, pero mas mabuti na sigurong iwasan ko muna siya. Ayoko nang masaktan ulit.
Hay naku, bakit ko na naman ba iniisip yung Arden na yun? Ano naman ba ang significance niya sa buhay ko? Sino ba siya para alalahanin ko sa mga panahong ganito? Tsk, tsk, tsk. Bahala na nga.
Dahil hindi pa naman naghahanda ng hapunan si Tatay before 7, I decided to write another blog post.
***
Oct 24, 2016, 6:27 PM
Randomness ni Jules #17: PKPH
Alam niyo ba yung feeling na "parang kayo, pero hindi"? Eh yung sa paningin nila, parang kayo na, pero sa mga point of view ninyo, hindi naman talaga? Yung ikaw mismo, hindi alam kung ano kayo, o kung talagang may 'kayo'?
You have been through so much together - so many conversations, so many memories made, so many times you've worn almost the same pair of jeans on a Friday - and it feels like there's something going on between you.
Pero wala naman talaga. Sakit, 'no?
All those phone calls, all those times you sang the same old song together, all those conversations you had over milk tea and chocolate mug cakes might matter to you, but do they matter to him? Hindi natin alam. Baka naman pinapaasa ka lang. One-sided love lang pala. Sa'yo, parang kayo na, sa kanya, hindi naman pala.
Pero, girl, 'wag kang mag-alala. You may have forgotten him at the moment, pero hindi naman masamang umasa at maghintay. Malay mo, magbago isip niya.
Malay mo, i-push na niya na maging kayo. Legit.
BINABASA MO ANG
sembreak natin
Short Storyin which a girl tries to rekindle her past friendship with her first love during a nine-day break from school