Day 9: Tuesday, November 1
I knew it.
I freaking knew it.
He was really hiding something. And I never knew that that something could hurt so much.
Inilapag ko ang cellphone ko sa kama ko. Hindi ko namalayang may tumutulo na palang luha sa mga mata ko.
Luha na inipon ko sa loob ng ilang oras na nagkahiwalay kami.
Luha ng tuwa dahil alam kong nariyan pa siya, at sa kabilang banda, luha ng lungkot dahil alam ko nang hindi na siya magtatagal.
Natigilan lang ako nang may kumatok sa pintuan.
Si Dave.
"Ate?" Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. "'Di ka pa bumababa. Okay ka lang?"
Pinunasan ko ang luha ko gamit ang laylayan ng damit ko at sumagot ng, "Ayos lang ako. Kailangan ko lang mag-relax. At ikaw, ang aga mo naman magising."
Tumawa siya. "Ate naman. Nagbabagong buhay na 'ko, eh."
"Good. What's for breakfast?" I replied while following him downstairs, with forced enthusiasm.
***
Sigurado ako, hindi 'yon matutuwa sa'kin kasi iniyakan ko siya.
Nadatnan ko si Nanay na nagluluto ng longganisa.
"O, mga anak, buti bumaba na kayo. May sinangag diyan. Siya nga pala, mag-ayos kayo after breakfast kasi pupunta tayo sa Lolo niyo," bungad niya.
Gusto kong sabihing, "Pass muna po ako, may kailangan lang akong dalawin," pero pinili kong manahimik. Gustuhin ko man siyang puntahan, hindi ko kaya.
Hindi pa ako handa.
At sa kalagitnaan ng pagkain namin, naiyak na naman ako.
"O, Jules," sabi ni Nanay, "may problema ba?"
"W-wala po, 'Nay."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Nanginginig ka. Baka may gusto kang sabihin."
"Mamaya n-na lang p-po."
Umakyat ulit ako sa kwarto at umiyak. Mali, humagulgol. Hindi ko siya kaano-ano, si Arden, pero bakit ganito ko na lang siya pahalagahan? Kahit alam kong imposible na, there's something within me na gustong balikan siya, at yakapin kahit sa huling pagkakataon.
Pero mas pinili kong maghintay ng tamang oras.
Alas-dose na ng tanghali nang makarating kami sa puntod ni Lolo. Nang maupo na kami at nakasindi na ang kandilang iniwan namin sa kanya, napatingin ako sa paligid.
Nakita ko siya, nag-iisa at nakatanaw sa malayo. Kung hindi ako nagkakamali, pamilyar sa akin ang mukha niya. Hindi nga lang ako sigurado kung siya talaga 'yon. Baka nga nababaliw na ako. Kainis.
Tumingin siya sa mga mata ko at ngumiti. Hindi ako mapalagay, kaya umiwas ako. Paglingon ko muli sa direksyon niya, wala na siya.
Hanggang sa pag-uwi namin, naguguluhan pa rin ako. Imposible. Nagpaalam na siya sa akin, bakit pa siya babalik? Kung talagang ito na ang huling pagkakataon na magkita kami, ako na ang maghahanap sa kanya.
Hindi na ako nakapagpaalam kay Nanay paglabas ng bahay dahil sa pagmamadali. Tumakbo ako pabalik sa lahat ng lugar na napuntahan namin. Sa mall. Sa pansitan. Sa Saffron. Sa tapsilugan. Wala siya.
Alas-siete. Bumalik ako sa bahay nang may luha sa mga mata. Bumungad sa akin ang mukha ni Nanay na bakas ang pag-aalala. Nilapitan ko siya at niyakap nang mahigpit.
"May bisita ka, 'nak," Sabi niya sa akin.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at nakita ko siya kasama ng kanyang ina. Nakasakay siya sa wheelchair at may dextrose pang nakakabit, pero wala sa itsura niya ang nahihirapan. Sa katunayan, nakangiti siyang umabante papunta sa akin.
"Jules," bulong niya sa akin.
"Bastos ka, Arden," sagot ko. "Ang sabi mo sa akin, hindi ka pa madi-discharge!"
"Well, baka plano talaga ni Lord na balikan pa kita."
"Bumait ka ata."
"Grabe ka naman sa 'kin."
"Bakit ka nga pala pumunta dito?"
"Nandito ako para magpaalam pansamantala. Actually, kailangan namin ni Mom na pumunta ng States, para maoperahan na rin ako. Don't worry, uuwi rin kami dito. 'Wag kang iiyak habang wala ako, ah?"
"Bakit naman kita iiyakan? Alam ko namang magiging okay ka doon. Oh, siya, see you soon. Baka kailangan niyo nang maghanda or something."
Niyakap ko siya sa huling pagkakataon.
"Sorry din pala kung nainis ako sa'yo. Naintindihan ko naman na kung ano'ng pinagdadaanan mo, eh. Oh, siya. See you soon. Baka kailangan niyo nang mag-ready."
Paglabas nilang mag-ina, nag-iwan sila ng ngiti sa labi ko. Ngiti na hindi ko hahayaang mabura kailanman, kahit matapos pa ang lahat.
***
November 1, 2016, 10:01 PM
hindi pa huli ang lahat.
hindi pa tapos ang laban
hindi pa nagsasara ang kurtina
hindi ko hahayaang
mawala ito ng ganoon-ganoon na langhindi pa lumulubog ang araw
hindi pa namamatay ang ilaw
hindi maaaring
tangayin na lang ito ng hanginang bawat alaala natin
ang lahat ng awiting inalay
ang mga sulat
at mga akda
at mga tanawing nilakbayanipinapangako ko sa iyo
at sa lahat ng ating nakasama
hindi pa huli ang lahat
para sa iyo
at sa ating dalawa
BINABASA MO ANG
sembreak natin
Short Storyin which a girl tries to rekindle her past friendship with her first love during a nine-day break from school