epilogue • two years later

3 0 0
                                    

October 26, 2018, 1530H

Dalawang taon na mula noong huli kong nakita si Arden. Sa dalawang taon na 'yon, parang nakakalimutan ko na nga siya, hindi sahil gusto ko, kundi dahil kinakain na ako ng sistema. Ang hirap ng college. Wala na akong oras para sa sarili ko, sa pamilya ko, at sa mga gusto ko pang gawin sa buhay ko. Lahat ng oras at panahon ko, nakatuon na lang sa pag-aaral. Requirements dito, exams doon. Constant ranting dito, iyakan sa cubicle doon. Parang sa kolehiyo na lang umiikot ang mundo ko, mundo naming lahat.

Ngayon nga ay naghahapit ako ng final requirements sa Calculus. Hindi ako mapalagay sa bawat computation na sinusulat ko; nagugulo na ang handwriting ko buhat na rin ng panginginig ng kamay ko. Must be the two bottles of ready-to-drink coffee.

"Julie, pakopya!" "Ako rin!" "Oh, kailangan mo ng solution sa number 38? Kopyahin mo na 'yan para 'di ka na mahirapan, oh." "Uy, paano yung 20?" Tila nalulunod ako sa ingay naming magbabarkada na sama-samang nagka-cram.

Makalipas ng ilang minuto ng tulungan, sigawan, sagutan, kopyahan, hiraman ng ganito't ganyan, at iba pa, naging senyales ng ginhawa para sa amin ang pagpapatong-patong ng test papers, pagligpit ng mga gamit, at sabay-sabay naming pag-akyat papunta sa library.

"Yes, sembreak na!" sigaw naming lahat pagkalabas ng library. Nakatanggap kami ng mapanghusgang tingin mula sa ibang mga gurong dumadaan sa hallway, pero napangiti na lang kami at humingi ng tawad. Dali-dali kaming tumakbo pababa hanggang sa makalabas na kami.

Habang naglalakad kami at nag-uusap tungkol sa mga plano namin sa darating na break, napatigil ako dahil nagkasalubong kami ni Gil, isa sa mga guy friends ko.

"Gil."

"Jules."

"Babalik ka ba sa school?"

"Hindi naman. May nakalimutan lang akong bilhin."

"Ah. Pauwi ka na ba?"

"Ikaw ba?"

"Oo."

"Hatid na kita?"

Napatigil ako, hindi dahil sa nasabi ni Gil, kundi sa mga bulungan ng mga kabarkada ko. I shrugged it off and replied sternly, "Nope, no need. I can manage."

Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at umalis.

Why can't I give myself another chance at love? I already know that the first one will never work out like I expected, kahit bali-baliktarin pa ang mundo. I deserve someone new. Bakit hindi ko pa mabuksan ang puso ko para kay Gil? Dahil ba si Arden pa rin ang hinahanap ko kahit wala nang pag-asang balikan pa niya ako?

Umiling na lang ako at nagpatuloy sa paglakad.

•·················•·················•  

October 26, 2018 ; 1900H

Inayos ko ang kwarto ko dahil wala akong magawa sa bahay. Habang naghahanap ako ng mga pwede nang itapon, napatigil ako nang may nahanap akong isang bagay na matagal ko nang nakalimutan.

The Girl on the Train by Paula Hawkins.

Iyon ang libro na nagsimula ng lahat para sa amin.

I flipped through the book and I noticed that the bookmark was already rested on the very last page. Nakakagulat isipin na sa tagal ng panahon na ginugol ko sa pagbabasa, mapagtatanto ko na lang na tapos na ang lahat.

At kahit ano pa ang humadlang sa pagpapatuloy at pagtatapos ng kuwento, hindi ko mapigilang balik-balikan ito.

In other words, I felt proud of myself dahil natapos ko siyang basahin kahit halos wala na akong time. Huli kong nahawakan itong librong ito, grade 12 pa. Ngayon ko lang siya ulit nahanap.

sembreak natinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon