Day 7: Sunday, October 30
Nakaupo lang ako sa sala habang umiinom ng kape at nakatitig sa TV kahit hindi naman ito nakabukas. Nakikita ko ang sarili kong repleksyon sa screen, at bakas sa mukha ko ang pagdududa.
Hay, Julie, humo-hopia ka na naman. Hindi porke't alam niya 'yong gusto mo at komportable kayo sa isa't isa eh siya na 'yong hinahanap mo. 'Wag kang masyadong umasa, ikaw din ang masasaktan.
Oo na, hopia na ako. Pero may posibilidad pa rin naman siguro na mauwi 'to sa seryosohan, 'di ba?
Never mind.
Humiga na lang ako sa sofa at natulog ulit. Baka sakaling malinawan ako paggising.
***
"Holy sh-"
Hindi ko namalayang 7 PM na ako nagising. Napahaba pala ang tulog ko, leche.
Ang tanong, naliwanagan ba ako?
Malamang, hindi. Sinubukan ko pa nga mag-message sa kanya, eh.
7:03 PM
beshie?7:04 PM
beshieeeeeebeshiewapz
bhosxz arden map4gmah4aaaal
7:05
y u no replytf boi
Hindi siya sumagot. Ano bang trip niya? Pagkatapos niyang magpa-fall diyan, biglang hindi na magpaparamdam? Aba, bastos to ah.
Tatlo lang ang pagpipilian diyan, eh. Una, baka nag-ibang bansa. Pangalawa, baka may malubhang sakit na hindi na magagamot. Pangatlo, at pinakamasakit, baka naman may iba nang nilalandi.
Yuck, puro cliché.
Kung wala man sa tatlo, eh ano naman? Bakit ba kasi ang labo niya? Bakit ba napaka-paasa niya, ha?
7:17 PM
ano? sagot.bakit ka ba ganyan?
gaano ba kahirap magtype???
beshie hellooo
7:21 PM
leche kapa-fall ka masyado
mas mabuti siguro kung hindi muna tayo mag-usap
I took a deep breath and stared at the screen for a minute before sending one last message:
7:22 PM
byea/n: ganyan lang siya kaikli kasi sobrang unmotivated ko rn huhu pray 4 mah soul
BINABASA MO ANG
sembreak natin
Short Storyin which a girl tries to rekindle her past friendship with her first love during a nine-day break from school