CHAPTER 5: Secret Headquarter

3.6K 107 2
                                    

Trisha's POV

"Ate mamamalengke lang kami ni mama ahh. Ikaw na lang maglinis diyan, unti na lang naman yan ehh!" rinig kong sigaw ni Dan.

"Okay!" sigaw ko nasa sala kasi siya ako naman andito sa garahe. Lumipat na kasi kami sa dating bahay nila mama nung bata pa siya.

Nilinis na namin tong bahay. Itong garahe na lang yung hindi pa nalilinisan.

Sabado ngayon at umuwi muna ako para tulungan sila mama maglipat at maglinis nitong lumang bahay.

Paglingon ko may nakita akong picture ang ganda. Isa siyang palasyo na maraming fairies. Wow *o*

Pagtingin ko sa sahig bakit umiilaw tapos may bilog na kung ano ang umilaw sa paahan ko kulay blue at pink siya ano to?

"WAAHHHH" nalaglag ako.

"OUCCCHHH ang sakit lagi na lang akong nahuhulog." habang hinihimas himas ko yung likuran ko. Tumingin ako sa paligid ang ganda *o* parang palasyo pagtingala ko nakita ko isang chandelier ang ganda.. teka asan ba ako? Nalaglag lang naman ako ahhh nasa garahe lang ako kanina ?__?

Tumayo ako at naglakad.

"Mahal na Prinsesa"

"WAAAAHHHH" nagulat ako nang may biglang lumitaw sa harap ko na isang maliit na nilalang.

"Ouch! ang sakit parang mabibingi ako. Grabe ka naman mahal na prinsesa halimaw ba ako?" sabi nung maliit na nilalang.

"A-anong klaseng nilalang ka?" tinusok tusok ko siya

"Ahahaha mahal na prinsesa nakikiliti ako." itinigil ko yung pagpindot sa kanya at tiningnan ng seryoso.

"Ano ka ba?" tanong ko

"Mahal na Prinsesa ako si Yuki, ang iyong tagapangalaga." sabi nung maliit na lumilipad na Yuki ang pangalan nag bow siya.

"Isa po akong fairy. Ako po ang tagapangalaga ng iyong ina noong kasing edad mo pa lamang siya" dugtong niya.

"Fairy? Nananaginip ba ako?" kinurot ko yung pisngi ko.

"Ouch! ibig sabihin hindi ako nananaginip."

"Mahal na prinsesa, hindi ka naniniwala? Hindi ito isang panaginip halika."

Sa isang iglap lang nasa isang kwarto na kami ang ganda *o*

"Mahal na prinsesa ito ang secret headquarter ng iyong mga magulang."

May inabot siyang kwintas, yung design niya sa gitna may snowflake ang cute *o*

"Para saan 'to?" tanong ko.

"Nakikita mo ba yung mga symbol ng snowflake? Yan pa lang ang natutuklasan mong kapangyarihan" sabay turo dun sa snowflake.

"Kapangyarihan?" tanong ko di kasi ako naniniwala na nag-eexist ang magic ehh.

"Oo, naalala mo yung winasiwas mo yung wand mo at nagyelo yung bintana sa kwarto niyo?" pano niya nalaman yun?

"Pano mo nalaman yun?" takang tanong ko.

"Sinusubaybayan ka naming mga fairy pati narin ang iba pang elemental holders." sabi niya.

"Ehh? Elemental holders?" tanong ko ang dami kasing sinasabi nito ehh 'di ko naman maintindihan.

"Ang mga Elemental Holders, sila yung mga wizard na may elemental powers. Sila ang poprotekta sayo." sabi niya

"Bakit kailangan akong protektahan?" napafacepalm si Yuki wahaha makulit talaga ako pagpasensyahan niyo na.

"Kasi ikaw ang nakatakda. Ikaw ang prinsesa na tatalo sa kasamaan sa Dark Fairy Lord"

Dark Fairy Lord? bigla kong naalala yung panaginip ko, si lola.

"D-dark Fairy Lord? Totoo bang kinuha niya si Lola?" gusto kong malaman kung totoo yung panaginip ko.

Biglang lumungkot yung mukha ni Yuki.

"Oo, pero hindi niya kayang patayin ang lola mo dahil malakas parin ang kapangyarihan nito. Kaso sa oras na mawala na ang lakas ng mahal na reyna magagawa na siyang patayin ni Lucious." malungkot na sabi ni Yuki.

"Lucious?" tanong ko ulit curious talaga ako .

"Si Lucious ang Dark Fairy King-sandali lang mahal na prinsesa ituturo ko muna sayo kung pano mo gagamitin yang cards at yung wand mo na binigay ng Head Fairy."

"You mean, yung fairy na nagpanggap na matanda siya? Yun ba yung sinasabi mong head fairy?" tanong ko.

"Oo" sabi niya.

"Sabihin mo ang mga sasabihin ko ahh" Yuki.

"I, Trisha Yvonne Miyanagi. The Successor of Miyanagi family will make a contract with you. Please give me your power to protect the others and to loosen the power of evil." Yuki

"I, Trisha Yvonne Miyanagi the Successor of Miyanagi family will make a contract with you. Please give me your power to protect the others and to loosen the power of evil." inulit ko yung sinabi niya

"Ahhhh" ang sakit may biglang lumitaw na snowflake na parang tattoo sya sa kamay ko ang sakit >__<

"Tiisin mo" Yuki.

Sobrang lakas ng hangin na nakapalibot sakin pabilog pumikit ako at parang may kakaibang kuryente ang dumadaloy sa katawan ko.

"Uyy, Trisha sa bag na 'to dito mo ilalagay yung mga mahuhuli niyong tarot cards ilagay mo na yung nahuli mo nung nakaraang linggo yung The Illusion." kinuha ko yung inabot sa akin ni Yuki at kinuha ko ung The Illusion na tarot card at inilagay sa pocket bag na binigay sakin ni Yuki.

"Sabi mo may kasama pa akong iba diba? Pano ko malalaman na kasamahan ko sila saan ko sila makikita?" sunod sunod kong tanong wahahah.

"Kailangan sunod-sunod? Makikita mo sila tingnan mo yang tatak na nasayo, meron din sila niyan depende sa element powers na hawak nila. May mga fairy din sila na tagapagalaga at nasa school mo sila nag-aaral kaya madali mo lang silang mahahanap." haayyss ang laki kaya ng school T^T

"Ehh pano-"

Naputol na yung sasabihin ko magrereklamo sana ako kaso.

"ATE!! ANDITO NA KAMI ASAN KA NA MAY PASALUBONG KAMI SAYO!!" Rinig kong sigaw ni Daniel sa taas ayyy patay andiyan na sila >_<

"Yuki andiyan na sila ibalik mo na ko dun sa taas" sabi ko.

Sa isang iglap lang nakabalik na kami kasama ko si Yuki.

"Oh, ate may donut dun. Uy malinis na dito." sabi ni Daniel

Nakita ko si Yuki bigla ko siyang tinago baka makita siya ni Dan.

Umalis na si Dan pinakawalan ko na si Yuki.

"Haayyss grabe ka 'di ako makahinga dun ahh. 'Di naman ako makikita ng ordinaryong tao lang ehhh." sabi niya at hinihingal pa .

"Hehe Sowwy ^__^v" sabi ko with pa cute voice.

Magical Mysteries at Ace AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon