Trisha's POV
"Hi my dear Princess" may lalaking nakacloak ang nasa harapan ko ngayon siya rin yung lalaking nakacloak na may itim na pakpak sa isang panaginip ko
"Gusto mo bang masagip ang Lola mo?" pagtingin ko sa kamay ko nakatali ako.
Hinawakan niya yung baba ko at itinaas papalapit sa mukha niya.
Bakit ganun? May pagkakahawig siya kay Ivan kaso mas matandang version lang to nang Ivan.
"Ohh Princess Trisha, alam mo ba kung gano ka kalakas at 'di ko na intensiyon na kunin ang kapangyarihan ng lola mo
Nalaman kong mas malakas ka pa sa kanya at sa mama mo." binitawan na niya ang mukha koMay pinakita siyang imahe sakin ang lola ko.
"Prinsesa panaginip to pero ako ang kumukontrol sa utak mo. Ngayon gusto mo ba siyang maligtas ang lola mo?" sabi niya.
"A-ano bang gusto??" tanong ko at yumuko.
Di ko alam ang gusto niya pero nakakasigurado akong mas makakasama yun sa lahat.
"Ang kapangyarihan mo" nagulat ako sa sinabi niya napaangat ang ulo ko at tiningnan siya ng galit at may halong pagtataka.
"Hindi ko pwedeng ibigay to dahil mas maraming inosenteng tao ang madadamay pati narin ang mga nasa kabilang mundo alam ko ang binabalak mo!" madiin kong sabi sa kanya at tiningnan ko siya ng matalim sa mata.
May pinakita siyang pangyayari sakin ang lola kong unti-unting nawawalan ng hininga.
"Gusto mo bang mangyari yan? ang lola mo alam ko na kung pano ko siya malalagutan ng hininga... bibigyan kita ng palugit hanggang sa kabilugan ng buwan kung hindi mo isusuko ang kapangyarihan mo mapipilitan akong gawin ang ipinakita ko sayo kanina...." lumapit siya sa mukha ko
"Mahal na Prinsesa"
Nagising ako sa malamig na madaling araw pagtingin ko sa orasan 4:00 AM pa lang mamayang 8:00 pa ang pasok namin.. tumingin ako kay Nee chan na mahimbing na natutulog. Naalala ko ang panaginip na yun. Kung hindi ko isusuko ang kapangyarihan ko mapapahamak si lola pero mas maraming mapapahamak pag isinuko ko to... ahhh di ko na talaga maintindihan >__< ang full moon next month na yun katapusan anong gagawin ko di ako makapagdecide.
Pumunta ako sa gitna nitong school may maliit na shed dun na napapalibutan ng tubig umupo ako at tinitigan ang kumikinang na tubig sa paligid ko.
"Ako ang prinsesa kaya kailangan kong mamili ng mas makakabuti sa nakararami at hindi dapat ako magpadala sa kahinaan ko" bulong ko sa sarili ko.
"Makikipaglaban ako kailangan ko nang mahanap ang huling elemental holder"
"Uyy, baka sipunin ka diyan" nagulat ako si Ivan pala sinuotan niya ako ng jacket at tumabi siya sakin.
"Nakita kita sa bintana ko na nag-iisa dito. Naku baka sipunin ka kung nakaganyan ka lang pag lumabas dito" nag-aalalang sabi niya sakin nang nakatingin sa mga kumikinang na tubig.
May naisip ako wala namang iba dito ehh kaya magagamit ko ang kapangyarihan ko.
Iwawasiwas ko na sana yung wand ko nang biglang lumakas ang hangin nilipad ito.
Niyakap ako ni Ivan para hindi ako madala ng malakas na tornado.
"Trisha ok ka lang?" tanong niya sakin.
"Yung wand ko nilipad!"
May lalaking lumabas nakasakay siya sa isang malaphoenix na shape pero gawa lang ito sa hangin. May dala siyang wand at nalaman kong.
"Siya ang Elemental Holder ng Wind" nakangiti kong sabi.
"Ohh JM ikaw pala salamat at lumabas ka na rin" ayy oo nga pala kilala pala siya ni Ivan.
"Nakita ko kasi na kailangan niyo ng tulong ehh" hinagis niya sakin yung wand ko.
Winasiwas ko yung wand ko at nagcast ng spell "Frozectulum" at nagyelo at huminto yung tornado.
"Good" at sabay na nagthumbs-up si Ivan at yung JM.
Nagpalabas ng apoy si Ivan sa tip nang wand niya na ikinagunaw ng yelo at nagpalabas naman ng hugis ibon si JM at pinalibutan yung lalaking hugis hangin na may umiikot na tornado sa kamay.
Maya-maya lang ay may lumilipad na tarot card sakin at sinalo ko naman ito gamit ang palad ko.
"THE TORNADO" binasa ko yung unti-unting umuukit sa ilalim ng imahe ng lalaki na may tornado sa kamay.
Naglabasan sila Yuki at ang iba pang fairies alam ko kanina pa sila nanonood samin pati rin sila Kyle Kyla at Nee-chan lumabas na sa likod ng mga puno.
"ANG GALING!" sabay-sabay nilang sabi at pumapalakpak pa.
"At ngayon dahil kumpleto na kayo. Isa na kayong TEAM!" sabay-sabay na sigaw ng mga fairies namin.
"Tsubasa labas na diyan" rinig kong sanabi ni JM sa likod niya.
"Hi! Ako nga pala si JM ang Elemental Holder ng Wind at ito naman ang Fairy ko si—" naputol yung sinasabi ni JM kasi bigla ba namang lumipad ng mabilis si Yuki .
"TSUBASA NAMISS KITA WAAHHH T^T" and so ayun sumigaw nga siya at niyakap si Tsubasa haha ang cute.
Pagtapos ng madramang kwentuhan ni Yuki at Tsubasa. Lumipad kami papunta sa rooftop ng school at pinanuod ang Sunrise.
"WE ARE THE ELEMENTAL TEAM!!!!" sabay-sabay naming sigaw nagkatinginan at nagtawanan dahil parepareho pala ang nasa utak namin .
A/S: ito po meaning ng mga name ng Fairies nila
Yuki- Snow
Honoka- Land
Arashi- Storm
Raikou-Lightning
Hikari- Light
Tsubasa- Wings
BINABASA MO ANG
Magical Mysteries at Ace Academy
FantasyPrologue Ace Academy isang sikat na eskwelahan... halos lahat ng estudyante ninanais na mag-aral dito pero di nila alam na may mga kakaibang misteryo pala ang eskwelahan na ito. Sa likod ng magandang pamamahala at ganda ng eskwelahan na ito may mga...