Chapter 46: Sacrifice (Last CHAPTER)

1.2K 31 2
                                    

Trisha's POV

"Mga kawal kunin na siya" utos ni Draco sa mga kawal

Medyo nakabawi na ako ng lakas pero di na ako pumapalag para di masayang yung lakas ko

Nilagyan nila ng kadena yung kamay ko at dinala sa isang Arena?

"BOOOOOO!!" pagkalabas na pagkalabas ko yun agad yung salubong ng mga taga Dark Kingdom

Nilibot ko yung paningin ko halos lahat ng mga taga Dark Fairy kingdom nandito

"Malugod na pagbati sa iyo mahal na Prinsesa at sa mamamayan ng Dark Fairy Kingdom!" sigaw ni Lucious at tumayo

"ALL HAIL KING LUCIOUS!! ALL HAIL DAK FAIRY KINGDOM!!" sabay sabay na sigaw ng mga tao

"Nandito tayo ngayon tulad ng nabalitaan niyo na ang Prinsesa ay magbibigay aliw sa inyo" sabi ni Lucious at tumingin siya sakin at nagsmirk

"WOOOO!!!" sigaw nilang lahat

"Mahal kong anak..." nagulat ako kasi paglabas ni Ivan pinapalibutan siya ng sobrang itim na aura nakakatakot siya pati narin yung tingin niya parang mangangain siya ng tao

"At ang pinakamamahal na prinsesa ng Fairy Kingdom" inilahad ni Lucious yung kamay niya sa tapat ko at itinulak ako ng mga kawal papalapit sa gitna

"Mahal na prinsesa para sa iyong kaalaman makikipaglaban ka sa aking anak pagnanalo ka hahayaan na naming makatakas ka at ang iyong mga nasasakupan" sa kabilang dako may isang malaking kulangan tatlo at nakita ko sila Onee chan na nasa loob nun sa isa yung mga kawal at yung isa pa

"Kung matatalo ka naman kamatayan mo at nila ang kabayaran" nakangiting saad ni Lucious at nagkaroon ng harang sa paligid ng mga manonood na tama lang para makita nila yung nasa gitna pati narin kay Lucious tinanggal narin yung posas na kadena ko at tinulak papunta sa gitna

Tinitigan ko si Ivan parang ibang iba na siya kesa nung nakaraan mas maitim na yung mata niya at yung aura niya nakakatakot siya

"Pagbilang ko ng tatlo mag-uumpisa ang laban" sabi ni Lucious

"Isa..." grabe na yung kaba ng dibdib ko di ko kayang labanan si Ivan

"Dalawa" ayaw ko siyang masaktan pero pagnagpatalo ako mamatay naman ang marami

"Tatlo!" bahala na

Sumugod na siya pagkatapos ng tatlo may hawak siyang espada yun yata yung fire sword niya pero nababalutan na yun ng itim na apoy

"Ahh" natamaan ako ang sakit napahawak ako sa natamaan ng espada niya nakakapanghina yung kung anong itim na nasa espada niya

Tanging pag-iwas na lang yung kaya kong gawin di ko talaga siya kaya

"Ano Prinsesa? Tanging pag-iwas na lang ba yung kaya mo? Asan na yung pinagmamalaking prinsesa na napakalakas?" sigaw ni Lucious at ginatungan naman ng mga tawanan ng mga manonood

Marami na akong natamong sugat pero pag iwas lang talaga yung ginagawa ko

"Lumaban ka Prinsesa!" sigaw ni Lucious

Napatingin ako sa kanya at natamaan ako ni Ivan sa pisngi

May naalala ako yung orsopian power ko magagamit ko na siya ngayon.... marami pa akong maliligtas di lang si Ivan kundi ang lahat....

Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid at naglabas ng magic circle

"I summon the element of water"

Mahina kong pagtawag sa elemento ng tubig

"I summon the element of Ice"

"I summon the element of Wind"

"I summon the element of Lightning"

Habang umiiwas ako iniisa isa ko na yung pagtawag sa mga elements

"I summon the element of earth"

"I summon the element of fire"

Pumikit ako

"And lastly... I summon the element of ORSOPIA"

Naalala ko ang pinakamalakas na pang seal ng orsopia ay ang paghalik sa labi ng pinakamamahal mo

Tumingin ako kay Ivan at hinila siya papalapit sakin bago ko siya halikan nagbigkas muna ako ng ilang incantation

"I may now seal this with a kiss" unti-unti nang tumulo yung luha ko hinalikan ko siya at unti-unting nawawala yung lakas ko.... alam ko yung pinaalala sakin ni lola evergreen na wag kong aabusuhin yung kapangyarihan ko pero alam ko na ang kahihinatnan ng lahat ng ginawa ko

I sacrifice myself to save not only Ivan but all the living things in this world

Author's POV

(paki play na lang kung gusto niyo  para feels ^_^)

Nang mahalikan ni Trisha si Ivan nagsabog ito ng napakalakas na kapangyarihan na ikinagulat ng lahat

Nang mawala ang usok nawala na ang kasamaan at kasakiman sa mga puso ng lahat ng nabubuhay sa Magical World

Alam na ni Trisha na ikamamatay niya ang ginawa niya pero ginawa niya parin ito para matigil na ang lahat ng alitan sa buong Magical World

Nang magmulat siya ng mata nasaksak nap ala siya ni Ivan

Unti-unting tumulo ang mga luha sa mata ni Ivan nang marealize nito na siya ang may kasalanan nginitian siya ni Trisha na unti-unti nang naglalaho nagiging transparent na ang balat niya

Inihiga ni Ivan si Trisha sa lap niya

"Trisha... sorry... hindi ka pwedeng mawala" sambit ni Ivan habang patuloy sa pag-iyak

Unti-unting lumapit at pinaikutan ng mga nandun sa lugar na iyon si Trisha at Ivan

Si Mildred umiiyak sa balikat ni Kyle at si Kyla naman ay yakap ni Jm at umiiyak padin si Crystal ay nakaluhod sa lupa at umiiyak habang pinapataha ni Kherby

"Masaya ako na ok na ang lahat.. pati ikaw" isang ngiti na naman ang kumurot sa dibdib ni Ivan

Nasa isip niya na kahit na nahihirapan na si Trisha nagagawa parin nitong ngumiti lalo siyang nasasaktan sa mga iyon

"Trisha di ka pwedeng mawala.. di ka pa mawawala diba?" pininasan ni Trisha yung mga luha sa mata ni Ivan

"Wag ka nang umiyak.... masaya ako na nagawa ko kayong iligtas" unti unti nang naglalaho si Trisha at mas lalong lumalakas ang pag-iyak ng mga tao sa paligid nila

Pati narin ang pag-iyak ni Ivan

"Trisha... Trisha! HINDI!" wala nang mahawakan si Ivan dahil naglaho na si Trisha may nahulog na isang box at naalala niya kung ano yun... yun yung regalo niya kay Trisha nung birthday nito binuksan niya iyon at may laman itong kwintas na may snowflakes at sa gilid nun may maliit na butterfly na nakadapo

Mas lalong naiyak si Ivan nilapitan na lang siya nila Mildred at niyakap sabay sabay silang umiyak



A/N: Hi guys sorry ahhhh super late update super busy kasi ehh T_T lab yow guys XD saranghae <3 

May Epilogue pa po ^____^ antay lang wala namang pasok thursday and friday antay lang po ^_______________^

Magical Mysteries at Ace AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon