A/N: Hi guys!! haha long time no update ulit XD sorry po kung late ako laging mag-UD nitatamad talaga ako need ko inspiration XD very short update muna hehe
KawaiiPinkie TRISH OUT!!!
Trisha's POV
*Ting* *Ting* *Ting*
"Mahal na Prinsesa gising na!!!!!!!" napabalikwas ako dahil sa nakakabinging ingay ang sakit sa tenga pagtingin ko si Lola Evergreen pala may hawak na kaldero at sandok pinapatunog niya yun... gandang alarm clock ahhh =_____=
Tumingin ako sa bintana ang dilim pa
"Lola Evergreen gabi pa kaya matutulog muna ako" at humiga ako
"OUCH!" ang sakit bumaliktad yung higaan at nahalikan ko yung sahig ang sakit T^T
Pagtingin ko nakalutang yung higaan ko na nakabaliktad grabe si Lola Evergreen T^T
"Tayo na diyan magjogging ka dun sa gubat bilis!" at binatingting na naman niya yung kalderong hawak niya.. ang childish ni Lola Evergreen -.-
Nagjogging na ako at pagtapos ay nagalmusal pumunta kami ni Lola Green na nga lang XD sa isang part nitong gubat kung saan malawak at puro damo lang
Pumunta kami sa pinakagitna nun at nilabas ni Lola Green yung wand niya
"Prinsesa ilabas mo rin ang sayo" sabi niya at nilabas ko naman yung wand ko
"Ija dito ka lang muna sa gilid ahh" at pumunta na si Lola Green sa gitna ng damuhan
Itinapat niya yung wand niya sa pinakagitna at bigla na lang umilaw yung tip ng wand ni Lola Green at nawala yung damo sa gitna at napalitan ng isang malaking magic circle na may iba't ibang element symbol at yung nasa gitna ay symbol ng puting puno na umaapoy?
"Yang nasa gitna ang symbol ng orsopia" sabi ni Lola Green
Ahh ok so ayan pala yung symbol ng Orsopia first time ko lang siyang nakita ehh
"Ipapakita ko sayo kung paano tatawagin ang lahat ng elements at ang orsopian power" nakangiting sabi ni Lola Evergreen
Pinanood ko lang siya.... pumikit siya at itinaas ang wand niya
"Element of Wind" nakapikit niyang sabi at humangin ng malakas at maya maya may nakita na akong maliit na ipo ipo sa kamay niya itinapat niya yung kamay niya sa symbol ng Wind
"Element of Storm"biglang dumilim yung langit at may nagform naman na ulap sa kamay ni Lola Green at inilagay naman niya yun sa symbol ng storm
"Element of Lightning" at biglang may kidlat at kulog kaya napatakip ako ng tenga takot ako sa kidlat at kulog ehh T^T tapos nun may nagform na kuryente sa kamay ni Lola Green at inilagay naman niya yun sa symbol ng Lightning
"Element of Earth"biglang umayog yung lupa at may nagform na bato at dahon sa kamay ni lola Green nilagay naman niya yun sa symbol ng Earth
"Element of Fire" bigla na lang nagiba yung temperature uminit pinagpapawisan na ako hooo may nagform na apoy sa kamay ni Lola Green nilagay naman niya yun sa symbol ng fire
"Element of Water" bigla na lang parang naging tubig yung inaapakan namin at may nagform na bilog na tubig sa kamay ni Lola green at nilagay niya to sa symbol ng water
"Lesyutimundo" pagka banggit nun ni Lola Green inilahad niya yung kaliwang palad niya at yung wand niya at itinaas yun at itinapat sa langit kasabay ng pag-angat ng kamay niya ang paggalaw ng mga elements may lumabas sa uluhan ni Lola Green na kulay Puting Puno at pinag-isa niya lahat ng elements kasama yung puno lumaki yun at nagkaroon ng iba't ibang kulay yung mga dahon ayon sa kulay ng mga elements
"Kyuratnusde" pagkabanggit niya nun ay parang may sumabog sa paligid sobrang liwanag tumama yun hanggang sa force field lang ng gubat pagkatapos nun ay umulan ng mga dahon at pagkatama nun sa balat ko natunaw ang kulit hehe
"Di ko muna ipapagawa yun sayo dahil 5 taon mo ulit iyon magagamit" nagulat ako sa nagsalita sa likod ko masyado kasi akong naaliw ehh
"Ibig sabihin po mag-aantay ulit kayo ng 5 years bago magamit ulit iyon?" tanong ko nang makarating kami sa bahay ni Lola Green
"Hindi ko na ulit magagamit yun" sabi niya at inilapag sa harap ko yung tsaa na gawa niya
"Po? Bakit po?" gulat kong tanong sa kanya
"Sa oras na matamaan ka ng ilaw ng buwan mawawala na ang bisa ng kapangyarihan ko at ikaw na lamang ang matitirang may kapangyarihan ng Orsopia" nakangiting sabi ni Lola Green
Natahimik na lang ako
"Yung tungkol nga pala dun sa Prinsipe may nararamdaman ka sa kanya hindi ba? Yung di pangkaraniwang feelings" napatingin ako kay Lola Green at tumango
"Di mo na kailangan gamitin ang Orsopian Power mo para maibalik siya sa dati kung tunay yang nararamdaman mo sa kanya sundin mo yung nasa libro... halikan mo siya" pagkasabi nun ni Lola Green kinindatan niya ako
-
-
-
-
Isang linggo akong trinanain ni Lola Green katulad ng una niyang paggising sakin laging ganun yung ginagawa niya tanggal lahat ng tutuli ko -.-
"Ohh andyan na pala si Amane" nakangiting nakatingin si Lola Green sa papalapit na Oerse
"Hi Lola ^__^" kumaway ako kay Lola Amane nang makababa na siya
"Kamusta Prinsesa?" nakangiting bati sakin ni Lola Amane ng makarating siya samin
"Ok naman po ^_^" sabi ko
"Ohh ano tara na?" tanong niya sakin tumango na lang ako
"Bye po Lola Green ^__^" niyakap ako ni Lola Green at may binulong
"Kung gagamitin mo man ang Orsopian Power paalala ko lang huwag na huwag mo itong gagamitin kapag wala kang lakas dahil ikamamatay mo iyon" bigla akong kinabahan sa sinabi ni Lola Green
"Hoy Green tama na nga yan" at hinila ako ni Lola Amane
Kumaway ako kay Lola Green nung paalis na yung Oerse namin
"BYEPO MARAMING SALAMAT!" sigaw ko at nginitian lang ako ni Lola Green
BINABASA MO ANG
Magical Mysteries at Ace Academy
FantasyPrologue Ace Academy isang sikat na eskwelahan... halos lahat ng estudyante ninanais na mag-aral dito pero di nila alam na may mga kakaibang misteryo pala ang eskwelahan na ito. Sa likod ng magandang pamamahala at ganda ng eskwelahan na ito may mga...