Chapter 45: SHE'S BACK

930 29 4
                                    

Trisha's POV

Nagising ako dahil sa malamig na dampi ng hangin sa balat ko at pagtingin ko nasa isang kulungan ako... bakit nanghihina parin ako? Ano bang nangyari?

Nakatali din yung kamay at paa ko... nasan ako?

"Ahhh" bigla na lang sumakit yung ulo ko

Naalala ko na yung Blue and Red Moon's Ball... yung mask guy ay si Ivan..

"Gising ka na pala Sleeping Beauty" napatingin ako sa labas ng kulungan nandun si Ivan nakasmirk siya sakin

"Anong gagawin niyo sakin?" tanong ko

"Ahmmm malalaman mo mamaya.. kumain ka muna" sabi niya at pumasok sa loob ng kulungan ko may hawak siyang plato na may pagkain

Pinaupo niya ako at akmang susubuan pero pinigil ko siya

"Ivan may naaalala ka ba about sakin" tiningnan ko siya sa mata

"Ahmm naalala ko sayo? Ilang beses na kitang sinubukang patayin pero hindi nagtatagumpay" sagot niya

"Di mo talaga naalala yung mga nangyari dati... bago ka mapunta sa Dark Kingdom... yung mama mo si Lola Amane si Ashley? Di mo ba sila natatandaan?" tanong ko sa kanya

"Mama ko? Haha matagal ko na siyang kinalimutan dahil mas pinili niyang makipaghiwalay kay ama kesa maging buo ang pamilya namin" sagot niya na may halong galit sa mukha niya

"Saan mo naman nakuha yan? Sure ka ban a yun talaga yun?" tanong ko ulit

Nag-isip siya nang mabuti at bigla na lang siyang napahawak sa ulo niya "Ahh"

"Ok ka lang?" nag-aalalang tanong ko sa kanya

"Ano bang problema mo ha? Bakit ba ang dami mong tanong? Kung ayaw mong kumain bahala kang magutom tutal mamatay ka naman na" sabi niya at ihinulog sa sahig yung plato

Tiningnan ko lang siya habang papalabas ng kulungan

"Ivan kailan kaya kita mababalik... kailan kaya babalik yung ala-ala mo.... kahit nandito ka lang sa malapit namimiss parin kita ng sobra" pabulong kong sabi di ko namalayan umiiyak nap ala ako kaya yumuko na lang ako

Mildred's POV

Nagkagulo na dito sa palasyo since nung nakuha ni Ivan si Trisha kagabi... di alam kung pano siya nakapasok sa party

Nagpaplano na kami para sa paglusob sa Dark Kingdom... si Imouto kamusta na kaya siya... I had a bad feeling na may mangyayaring masama.. sana wala naman kinakabahan talaga ako

"Hay Red nahihilo na ako sayo kanina ka pa lakad ng lakad diyan pwede umupo ka muna" Kyle

"Ehh kasi si Imouto ehh kinakabahan ako para sa kanya.. feeling ko may masamang mangyayari" sabi ko at napakagat labi na lang

Lumapit sakin si Kyle at niyakap ako

"Everythings gonna be alright Ok? Don't worry makukuha at mababalik natin ng ligtas si Trisha" Kyle

Medyo gumaan na yung loob ko sa sinabi niya niyakap ko na lang din siya pabalik

"Ok na ba kayo?" tanong ni JM

"Oo tara na sa Oerse natin" aya ni Crystal

"Ate ingat kayo ahh... promise niyong ibabalik niyo si Ate Trisha" si Ashley with teary eye

Nilapitan siya ni JM at ginulo yung buhok

"Magiging ok ang lahat... just pray for us" sabi ni JM at tumango na lang si Ashley

Magical Mysteries at Ace AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon