Kyla's POV
"Uyy Kyla anong gusto mong kainin?" tanong ni Trisha Saturday ngayon at nandito kami para magtanghalian itong si Trisha inisa isa yung kwarto namin para lang kumain ang kulit talaga nito
"Tea na lang sakin" sabi ko
"Ayy diet na naman di purkit model ka dapat laging tea puro tea dapat kumain ka din ng masasarap" ayan na naman siya Idol ba talaga to? Hayyss oo model ako pero kakaumpisa ko lang naisipan ko kasi ehh mukhang Masaya at oo Masaya nga
"Hayyss oo na kakain ako nang parfait yun naman gusto mo diba?" alam ko na to si Trisha gusto niya akong kumain nang paburitong parfait niya -.-
"Wahaha Yehey" ayan parang bata na naman siya at patalon talon
Habang kumakain kami may nakita akong dalawang studyanteng bagong dating at namukhaan ko yung lalaki si—hindi pwede bakit siya nandito bakit nandito si Nick?
"Kyla ok ka lang" natauhan ako nang marinig ko yung boses ni Trisha
"O-oo ok lang ako" ngumiti ako nang... awkward -.-
Napansin kong su JM nakatulala din sa babae naman na kasama ni Nick maganda siya
"Excuse me nawalan ako nang gana babalik na lang ako sa kwarto" nagulat ako nang biglang nag-iba yung mood ni Jm at umalis
"Wait lang ahh naiihi ako" paalam ko.. pero susundan ko talaga si JM curious lang ako
Nakita kong papunta si JM sa direksyon ni Nick at nung babaeng nakasukbit sa braso ni Nick at ang sweet nilang dalawa
"Ohh JM ikaw pala" rinig kong sabi nung babae
"Nick siya yung sinasabi kong ex-boyfriend kong ahhmmm sabihin nating pinagsawaan ko na at JM siya naman si Nick current boyfriend ko Bhabe tara na ^__^" at tinalikuran nila si JM tama nga GF nga ni Nick yung babaeng yun
Nakita kong niyukom ni JM yung fist niya nung time na sinabi nung babae na pinagsawaan niya na si JM haayyss nakakinis yung babaeng yun ahhh sarap hambausin medyo nakaramdam ako nang kirot sa aking dibdib nang makita si JM na nasasaktan
What's wrong with me? Bakit ako nakakaramdam nang ganito?
Naglakad na ako palayo ang weird nang feelings ko ngayon ahh
"EHH?!?" nagulat ako nang may humila sa braso ko
"Kyla" paglingon ko si JM ang itim nang aura niya O__O nakaktakot
"B-bakit?" nauutal na tanong ko
"Pwede bang manghingi nang favor" mahinahon niyang sabi
Naglakad muna kami papunta sa Shed at nagpahangin
"Ano bang favor yun?" nang makaupo na kami sa shed tinanong ko siya kung anong favor yung hihingiin niya
"Ano.. pwede ka bang magpanggap na girlfriend ko?" ehh?!?!? Bakit ako?
"Huh? Ako magpapanggap na girlfriend mo para saan naman?" nagtatakang tanong ko sa kanya
"Gutso ko lang makita ni Sophie na nakamove-on na ako" malungkot niyang sabi
"Hmp ayoko.... ipakita? Ehh halata namang obsessed ka parin dun ehh" pagtanggi ko
"Wala na akong nararamdaman sa kanya gusto ko lang ipakita na hindi na ako yung dating JM na nakilala niya at nakapagmove-on na ako!" madiin niyang sabi at guys ang itim nang aura niya >__<
"Ayoko aalis na ako" ewan ko pero nang makita ko at mahalata na may feelings pa siya dun sa Sophie nay un may kirot na naman sa dibdib ko ano ba to? At gagawin niya lang akong panakip butas parang nadurog yung puso ko dun ahh pero di ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko >__<
*****
Nasa next classroom lang namin si Nick at Sophie at naiinis ako kasi naman yung Sophie na yun kung makangiti wagas at nagsmirk pa siya at tinarayan ako arrghhh masiyado kala mo kung sinong maganda mapanga naman hmp
Nandito ako ngayon sa garden bumili muna si Trisha at Red ng chips ewan ko dun sa dalawang yun si Crystal naman ayun nasa may sanga nagcecellphone
Nakita kong papalapit si Sophie dito sa kinalalagyan namin at nakasmirk siya
"Hey Kyla mukhang di ka pa nakakapagmove-on kay Nick ano? Kasi hanggang ngayon wala ka pang boyfriend pareho lang kayo ni JM ehhh wahaha" at nagsmirk siya
Naalala ko yung sinabi ni JM
"May boyfriend na ako and for your information boyfriend ko na si JM at nakapagmove-on na siya sayo" mukha siyang nagulat sa sinabi ko pero binawi niya yung reaksyon nay un para di siya mahalatang nagulat
"O-ooh bagay nga kayo mga pinagsawaan haha" at umalis na siya
"Yung babaeng yun" nagagalit na talaga ako sa babaeng yun humanda siya hmp
"Uyy Kyla wag ka papadala sa bugso ng damdamin mo" bumaba si Crystal sa puno
"Oo na nakakainis lang kasi" hayyss nakakinis talaga
*********
"Pumapayag na ako" sabi ko kay JM na kasalukuyang nakaupo sa fountain
"Ohh ano namang pumasok sa utak mo at bigla kang pumayag?" nakataas yung isa niyang kilay
"Edi wag hmp" tatalikuran ko na sana siya kaso hinawakan niya yung braso ko at parang may kuryente kaya tinabig ko agad yun ano yun? Di naman electric/lightning yung kapangyarihan ni JM ahh saan galing yun
"Ok girlfriend na kita ngayon" inakbayan niya ako at lumawak yung ngiti niya hindi yung ngiti nang may masamang binabalak pero iba yung ngiti niya puno siya nang saya sa mata ang weird nito
"Fake Girlfriend" paalala ko sa kanya na ikinataas na naman ng kilay niya
"Pero kailangan may rules tayo" dalawa na yung tumaas na kilay niya
"Rule number 1: no kissing" bubuka na sana yung bibig niya para umapila pero di ko siya pinansin at pinagpatuloy
"Rule number 2: akbay lang at holding hands ang pwede" sabi ko at kumunot yung noo niya
"Rule number 3: tayo lang muna nakakaalam na fake lang tong relationship natin kahit pa bestfriend natin di nila pwedeng malaman"
"Wala na akong maisip ehh" napakamot na ako nang ulo ko wala na akong maisip ehh >__<
"Ok nayan no kissing pero sa forehead pwede wala namang masama ehhh" at hinalikan niya ako sa noo ko umakyat lahat nang dugo ko sa buong mukha ko ano bang nangyayari sakin? Ano to inlove na ba ako kay JM? hindi pwede >___< isa siyang cassanova
"Ang cute mo pagnagbablush ka" sabi niya habang kinukurot yung pisngi ko tinabig ko yung kamay niya ang sakit na kasi ehh
Felix's POV
"Uyy Guys birthday na bukas ni Trisha at sakto sa foundation day nitong school kaya handa na kayo may nakita kami ni Kyle na isang hidden fountain dito sa school na sure akong magugustuhan ni Trisha" excited na sabi ni Red
Oo nga pala ilang beses na yan inuulit ni Red araw araw since nung November 1 pero may masama akong nararamdaman para bukas
Nakumpleto na rin yung tarot card nakaipit sa isang libro na nakita ni Trisha si THE LIGHT at THE ICE kaya naglevel up nadin sila mas lalong lumakas yung kapangyarihan nila at alam kong naghahanda din ang Dark Fairy Kingdom para bukas dahil bukas na ang nakatakdang araw na makukumpleto ang kapangyarihan ng Elemental/Fairy Princess at mas lalakas na si Trisha
Alam ko rin na fake relationship lang si Kyla at JM di ko sinasadyang nabasa yung iniisip nila ehh sa lakas ng aura nila ehh -.-
Sikreto lang tong pagkikita namin at nagpaplano na lahat para sa party bukas at sa Night Ball kaya lahat sila excited di ako mahilig sa mga ball kaya magmamatyag na lang ako suggest ko sa kanila at pumayag naman sila
BINABASA MO ANG
Magical Mysteries at Ace Academy
FantastikPrologue Ace Academy isang sikat na eskwelahan... halos lahat ng estudyante ninanais na mag-aral dito pero di nila alam na may mga kakaibang misteryo pala ang eskwelahan na ito. Sa likod ng magandang pamamahala at ganda ng eskwelahan na ito may mga...