CHAPTER 9: Cloak Man

2.4K 85 3
                                    

Trisha's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa isang section na iniutos sakin ng teacher ko.

Habang tumitingin tingin ako sa paligid napansin kong tumigil yung mga naglalakad yung pakiramdam na to.

"May Evil Tarot card" bulong ko
hinanda yung wand ko.

"Trish may evil tarot card sa paligid" dumating na rin sila Ivan.

Naka paikot kami ngayon nakikiramdam sa evil tarot card kasi kahit anong oras pwede na siyang sumugod samin.

"Aww" napaupo ako dahil may napakabilis na dumaplis sakin.

"Di lang isang Evil Tarot Card ang nagising dalawa sila" sabi ko. Nararamdaman ko kasi kung ilan sila.

Itinayo ako ni Ivan at pinagaling ko kagad yung daplis sa braso ko.

Biglang lumabas ang matandang may hawak na hour-glass at isang cheata.

Akmang susugod na yung cheata sakin pero nagcast agad ako ng spell. "Frozectulum" at nagyelo yung cheata pumikit ako at nagulat ako nang pagdilat ko nababalutan na ng tubig ung cheata at naging tarot card na ito.

"S-saan galing yung tubig?" tanong ko

"Trisha sa wand mo galing ying tubig nakita ko" sabi ni Kyle

"P-pero yelo lang naman yung kapangyarihan ko ah?" nagtatakang tanong ko

"Mamaya na yan tulungan niyo muna kami dito!!" napalingon ako kanila Ivan malakas yung matanda

Nagpalabas si Nee-chan ng Poison Vines at pimalibot sa Matandang may hawak ng hour-glass.

Pinayelo ko yung matanda. ito na naman pumikit ulit ako naramdaman ko na naman yung kakaibang lakas kanina at pagdilat ko nasa isang water ball yung matandang may hawak nang hour-glass at naging tarot card na ito.

Lumipad papalapit sakin yung card at tiningnan ko yung unti-unting umuukit sa baba ng cheata THE DASH. Pagtingin ko sa kabila sa ilalim naman ng matandang may hawak ng hour-glass THE TIME.

Bago bumalik sa dati binalik na namin yung dati naming anyo at gumalaw na ulit ang lahat sa dati.

Inilagay ko na sa bag yung cards.

Lima na tarot cards na ang nakokolekta namin lima pa makukumpleto na namin lahat.

"Red tara na sa library balik na tayo" pag-aaya ni Kyle kay Red

Oohhh I smell something fishy. May nabubuo na dito hart hart <3

"Ivan may practice pa tayo sa basketball tara na" aya ni JM kay Ivan. Oy! Bromance.. nuuuh

"Alis na muna ko ahh may modeling class pa kami ehh" pagpapaalam ni Kyla

"Trish ikaw saan ka?" tanong ni Ivan

"Ahh ehh, maglalakad-lakad na lang ako." Di ko naman talaga alam kung saan ako pupunta kaya lilibot na lang muna ako dito.

"Mag-ingat ka ah" bilin niya sakin at tumngo naman ako at naglakad na ko papalayo sa kanila.

"Princess" biglang lumitaw si Yuki

Nasanay narin ako diyan -.-

"Ohh kailangan mo?" tanong ko

Magical Mysteries at Ace AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon