Chapter Fifteen

5.1K 233 123
                                    

"Chapter Fifteen: Doc and Bae"

[Seulgi's POV]

Nakakasilaw yung araw na dahilan para magising ako. Ewan ko pero parang ang bigat ng katawan ko. Pagkamulat ko, nakita ko sa tabi ko si Jimin at yakap-yakap niya ako. Nanlaki naman ang mga mata ko nung makita yung position namin.

Nagyakapan kami. Shiz.

Ayokong magising si Jimin kaya hinayaan kong ganun na lang yung position namin. Inobserbahan ko yung mukha niya. I admit na kahit tulog siya ang cute slash gwapo pa rin niya. Sino bang hindi magkagusto sa kanya?

Ako nga nagkagusto na sa kanya.

Oo, inamin ko na rin sa sarili ko na gusto ko na siya, may nararamdaman na ko sa kanya.

Bumaba yung tingin ko sa lips niya. Ang kissable naman ng lips ng lalakeng 'to. Nakababa ng self-esteem hahaha. Bumaba pa ng bumaba yung tingin ko hanggang sa makita ko yung katawan niya...

Wait.

Shirtless siya!!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Shirtless siya!!

Mas lumaki pa yung mga mata ko nung makita ko yung katawan niya.

"Tapos ka na bang pagnasaan ang katawan ko?"

Nagtugma yung mga tingin namin.

Hindi ko maiwasang magblush at...

"KYAH!" tumalikod ako at nagtalukbong sa kumot. Nakakahiya!!!

Narinig kong tumawa siya ng mahina at naramdaman kong umalis na siya sa pagkahiga.

"Nga pala, sinabihan ko na yung dalawa mong kaibigan na dito ka muna mamahinga at bumili na ko ng pagkain kagabi kaso di ko na niluto kasi tulog ka na." sambit niya habang may kinakalkal siya sa sa kusina.

"Hindi ka kumain kagabi?" tanong ko.

"Oo."

Bumangon ako sa pagkahiga. "Dapat nagluto ka na lang ng sarili mong makain kagabi."

"Wag na. Tulog ka na kasi. Wala akong kasalo." sagot niya tas lumingon siya sa 'kin at nginitian nung sabihin niya yung huli. Di ko na naman maiwasang mamula sa sinabi niya.

Pinagmasdan ko lang siyang magluto at sa bawat kilos niya, napapangiti na lang ako bigla.

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" bigla niyang sabi at ngayo'y nakatingin na siya sa akin yung parang innocent look. "Tulungan mo nga ako dito."

"Sige." tumayo na ako at lumapit sa kanya para tulungan siya. Siya yung nagluluto ng ulam namin at ako naman yung nagsasaing ng kanin sa rice cooker

Mas nauna siyang natapos kaya hinanda na niya yung ulam sa mesa at ako naman ay naghihintay na maluto yung kanin. Nang maluto na, hinain ko na yung kanin at inilagay ko na ito sa mesa. Pagkalingon ko ay saktong andyan siya sa likod ko at ang lapit namin sa isa't isa. Dahil sa sobrang lapit namin ay napasandal ako sa mesa.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon