Chapter Thirty-Four

3K 151 29
                                    

Annyeong~ Sorry kung ngayon lang ulit ako makakapag-update. Busy lang sa school saka daming gagawin huhuhuhu.

Anyways, sana mag-enjoy kayo sa chapter na ito hihihi~

~Author Angel-nim

P.S. Please give me strength by voting my story's chapters and commenting~ I need an inspiration hohoho~ Tinatamad na rin kasi akong mag-update T^T

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Chapter Thirty-Four: After One Year"

1 year ago.

[Jimin's POV]

Sa isang taong nakalipas ay maraming achievements ang narating ng grupo namin. Inimbitahan nga kami nung isang agency na magtrain dun pero syempre kailangan muna naming tapusin ang college bago kami pumasok dun.

Simula nung summer last year at ngayong school year ay hindi na kami nag-usap muli ni Shinah. Gusto kong lumapit sa kanya at kamustahin siya pero hindi eh. Wala akong lakas-loob na lumapit sa kanya kung 'di siya na rin yung umiiwas. Madalas naman kaming nagkikita at magkaklase pa rin naman kami pero hanggang tinginan na lang kami. Halatang ayaw niya pa rin sa 'kin.

Yaan mo na. Para na rin yan sa amin at nagpapasalamat akong andyan si Taehyung para kay Shinah. Buti na lang at nagkaayos na kami.

"Hoy! Park Jimin." 

Lumingon ako sa tumawag sa akin.

"Oh Yoongi hyung?" tanong ko habang patuloy na nililigpit yung gamit ko. Uwian na rin kasi.

"Dumiretso na kayo sa practice room pagkatapos. May meeting daw." sagot niya. Tumango na lang ako saka tumingin kay Taehyung.

"Hoy, Tae! Kain muna tayo." yaya ko kay Taehyung na kasalukuyang kinakalikot yung phone niya, iniintay ako. Naks, sweet din naman 'tong kaibigan kong isang ubo na lang.

"Wait! Malapit ko nang malagpasan yung high score ko." sagot niya. Tinignan ko siya ng masama at kinuha na yung bag ko. As usual, nilalaro pa rin niya yung larong PPAP. Basta yun.

Tinapon ko sa ulo niya yung dalang ballpen ko na nakita ko lang sa sahig.

"Aray!" sigaw niya at napahawak siya sa ulo niya sa sakit saka tinignan niya kong masama. Tumawa ako nang malakas at tumakbo palabas. Hinabol naman ako ng gunggong na yun.

Habang tumatakbo ako palayo kay Taetae na habol-habol ako ngayon ay may nabunggo ako.

"Ahh!"

Pareho kaming natumba at nakapatong na ako ngayon sa kanya. Nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko.

"S-Shinah?"

"Jimin?"

Ilang minuto kaming nagtitigan sa isa't isa at narealize namin na ang sobrang lapit ng mga mukha namin kaya agad naman akong umalis sa ibabaw niya at tumayo na kami.

"S-sorry." sabi ko pero umiwas lang siya ng tingin at nagsimula nang lumakad. Napansin kong nakatayo lang si Taehyung sa gilid at tinignan ang mga kilos namin. Halata sa mukha niya yung selos.

Sa'yong sa'yo na siya, Tae.

"Hyungie." tawag ni Shinah kay Taetae. Agad naman itong lumingon sa kanya at pilit na ngumiti.

"Available ka ba bukas?" tanong nito.

"Ah, baka. Bakit Shin?" sagot ni Taehyung.

"Gusto ko sanang samahan mo ko sa train station. Uuwi kasi muna ako saglit do'n sa Busan." sagot ni Shinah sa tanong niya.

Ha? Bakit? Aabsent siya bukas gano'n?

"Aabsent ka?" tanong ni Taehyung.

"Oo. Mga tatlong araw tas sa Lunes ako babalik." sagot niya.

"Sige. Tatry ko, Shin." sabi ni Taehyung tas nginitian siya at ganun din siya.

'Di ko alam kung bakit nakaramdam ako ng lungkot. Dapat 'di ako malungkot. Tinatry ko namang magmove on kay Shinah pero ba't ang hirap? Dati ayaw na ayaw ko sa kanya at nandidiri pa 'ko pero ngayon parang patay na patay na 'ko sa kanya. Naks. Ang lakas na talaga ng tama ko sa'yo, ano, Shinah?

Pa'no ko ba papatawarin yung sarili ko kung ikaw nga hindi ako mapatawad?

Tinignan niya 'ko saglit at ibinaling na ulit yung tingin niya kay Taehyung. Nagpaalam na siya sa 'kin at umalis na. Kahit sa 'kin man lang, hindi siya nagpaalam. Kahit kailan ba, hindi pa rin mapapawi yung galit mo sa 'kin?

Nagsimula na kaming maglakad ni Taehyung papuntang studio. Tahimik lang kami at medyo awkward. Ni isa man sa amin ay ayaw magsalita. Gusto kong kausapin siya pero parang wala na siya sa mood.

"Jimin."

"Taetae."

Magkasabay naming tawag sa isa't isa. Nagtinginan kami tas umiwas agad ng tingin.

"Oh, ikaw na mauna." sabi ko. Lumingon siya sa 'kin tas yumuko.

"Kahit ngayon, mahal mo pa rin si Shinah?" tanong niya na siyang ikinagulat ko pero agad naman akong bumalik sa senses ko.

"A-ah... Hindi na... siguro." pautal-utal kong sagot. Napatawa naman siya nang mahina.

"Siguro? So meaning hindi ka sigurado kung may feelings ka pa rin ba sa kanya?" tanong niya.

"Eh, ikaw? May feelings ka pa rin ba sa kanya?" tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita ng ilang segundo.

"Siguro, meron pa talaga. Halata naman siguro." sagot niya. Nilingon ko siya at napaisip.

Gusto kong sila yung magkatuluyan ni Shinah. Ayokong mapunta si Shinah sa ibang lalake dahil wala akong tiwala sa kanila. Gusto ko kay Taehyung lang siya. Best friend ko si Taehyung at mapagkakatiwalaan. Mabait din 'tong unggoy na 'to. May saltik nga lang.

In short, abnormal.

"Ba't ayaw mong ligawan siya?" tanong ko at napansin ko namang nagulat siya sa tanong ko.

"Ha?"

"Bingi ka ba? Baka madami na yang tutuli yang tenga mo ah. Hindi ka pa naman naglilinis." sabi ko tas sinuntok niya nang mahina yung braso ko at tumawa nang mahina.

"Bwesit 'to." sabi niya. "Ayokong ligawan siya baka mafriendzoned lang ako."

"Ayan kasi ang mali sa'yo. Naggigive up ka na." sabi ko. Tinignan niya ko tas ngumiti.

"Pa'no ko siya liligawan kung ikaw pa rin yung nasa puso niya at siya pa rin ang nasa puso mo?" tanong niya.

Ba't ba big deal nitong unggoy na 'to yung nabubulok na feelings namin para sa isa't isa? -_-

Binatukan ko siya. "Eh sa mas gusto kong maging kayo."

"Alam mo, Tae. Kahit may feelings pa rin ako sa kanya, tinatry ko namang lumayo at iwasan yung nararamdaman ko para na rin makalimutan niya 'ko. Kapag mahal mo ang isang tao, kaya mong magsakripisyo, masaktan, maging panakip butas, at magpakatanga sa kanya."

Nakarating na kami sa tapat ng studio.

"Court her, Tae and don't ever give up on her kahit ilang beses ka na niyang babustedin." sabi ko.

"'Di ba 'ko masasaktan niyan?" tanong niya.

"Natatakot ka ba?" tanong ko. Dahan-dahang tumango siya.

"Eh duwag ka pala eh. 'Wag na nga lang baka hindi mo siya maprotektahan."

Pipihitin ko na sana yung doorknob kaso pinigilan niya 'ko at tinignan ko naman siya.

"Sigurado ka bang... okay lang sa'yo?" tanong niya. Nginitian ko siya at tumango.

Sana hindi ka mabigo, Tae. Sana mapasaya mo siya at mapasaya ka rin niya. Masaya na 'ko 'aog masaya rin kayo sa isa't isa.

"Oo. Liligawan ko siya sa pagkabalik niya." sagot ni Taehyung. Napangiti ako sa naging sagot niya at pumasok na kami sa studio.

Pinaparaya na kita, Kwon Shinah.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon