Chapter Forty-Two

2.6K 137 51
                                    

"Chapter Forty-Two: Bullet Cafe"

1 year ago.

[Jimin's POV]

Umaga na at puyat pa ako kakaisip kung saan ko makikita ulit yung matandang nagbigay sa 'kin nung box. Alam niya sigurong kakilala ko si Shinah. Siya kaya yung lola ni Shinah? Si Shinah ba yung tinutukoy nung matandang babae na apo niyang nagpakamatay?

Kung gayun, ano yung tinutukoy niya na isang bagay na nawala o ninakaw mula kay Shinah at ba't ba napakaimportante yun sa kanya?

Gulong-gulong na talaga ako. Ang hirap intindihin at sagutan 'tong mga katanungang kahapon pang takbo nang takbo sa isipan ko.

"ARGH!" inis kong sigaw sabay gulo ng buhok ko. Biglang bumukas yung pinto at iniluwa nito ay ang kapatid ko lang naman na si Jihyun.

"Hyung!" tawag niya sa akin at nahuli niya akong ginugulo yung buhok ko. "Anyare?"

"Ah wala, wala." pagsinungaling ko.

"Kakabalik mo lang, nabalik ka na?" biro niya. Hinagisan ko naman siya ng unan pero agad naman siyang umilag.

Lumapit siya sa akin at umupo sa dulo ng kama ko.

"Ano bang gumugulo sa isipan mo ha?" tanong niya. "Kahapon ka pang ganyan."

Bumuntong hininga na lang ako saka humarap sa kanya.

"Basta." ang tanging sagot ko lang. "Nga pala, aalis ako ngayon. May pupuntahan lang."

"Sa'n ka naman pupunta?" tanong ulit niya.

"Basta~ Importante lang. Pakisabi na lang kay halmeoni na aalis na muna ako." sagot ko.

Nga pala, wala pala sina eomma at appa dito since nagtatrabaho sila ngayong oras na 'to kaya si Jihyun at halmeoni lang ang naiwan.

Teka. May pasok pa 'tong si Jihyun ah? Hindi pa naman sabado.

"Hoy. May pasok ka pa ah? Ba't hindi ka pumasok?" tanong ko.

"Since umuwi ka ay aabsent muna ako ng isang araw para makapagbonding kasama sina eomma, appa, at halmeoni kaso may trabaho sina eomma at appa kaya tayo na lang tatlo at kaso rin lilisan ka, babantayan ko na lang si halmeoni dito." sagot niya.

Tumango na lang ako at nakipagkwentuhan pa nang konti sa kanya.

"Ah, maliligo na ko. Baho ko na eh hahaha." sabi ko.

"Sige hyung. Punta ka lang sa baba. May inihandang almusal na si halmeoni." sabi ni Jihyun. Tumango naman ako bilang sagot at pumasok na sa banyo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Biglang nagvibrate yung phone ko kaya lumapit ako sa study table ko. Pagkakuha ko nung cellphone ko ay natabig ko yung box na katabi ng phone kaya nahulog ito. Pinulot ko ito at napansin kong may nakasulat sa ilalim ng takip ng box.

Ngayon ko lang 'to napansin ah?

Magkita tayo ngayong 10 AM sa Bullet Cafe

Pagkabasa ko nun ay tinignan ko agad yung oras sa phone ko. 9:45 AM. 15 minuto na lang.

Kinuha ko na ito at agad na lumisan.

"Minmin, 'di ka ba kakain ng almusal? Baka magutom ka?" tanong ni halmeoni na ngayong kumakain kasama si Jihyun.

Nilingon ko naman sila at nginitian.

"I need to go, halmeoni, Jihyunnie. May urgent meeting lang ako." sagot ko.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon