Epilogue

3K 154 70
                                    

Maraming nangyari sa loob ng dalawang taong pagsasama nina Seulgi at Jimin at mapayapang namumuhay pagkatapos mabunyag ang nakaraan ni Jimin at ang buong katotohanang inaasam asam ng lahat sa kabila ng pagdudurusa ni Patient 95.

At dahil natapos na ang lahat ay namayapa na rin ang mga kaluluwa ng mga kaibigan niya at maging ang kaluluwa ni Shinah. Walang gulo, walang masamang nangyayari.

Sa panahong kasama ni Seulgi si Jimin ay marami siyang natutunan mula kay Patient 95. Ang hindi agad manghusga sa isang tao o pangyayari na hindi mo naman alam ang nakatagong istorya nito. Maging si Jimin rin, natutunan niya ang totoong pagmamahal at totoong halaga ng buhay.

Hindi natin masisisi ang mga masasamang tao kung bakit nila nagawa ang mga kamalian at kasalanan nila sa iba o sa kanilang sarili man.

Dapat natin sila ginagabayan at binibigyang payo para magbago at magsimula muli.

Matuto din tayong magpatawad gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa atin na siyang ibinigay ang kaisa-isang anak na si Hesus para mailigtas tayo.

Pagmamahal, pagpapatawad, pagsuporta, pag-unawa, at pakikinig sa mga taong makasalanan ay isa sa mga pwedeng daan upang mapabago natin ang mundong tinitirhan natin.

Matuto ka ring mahalin, patawarin, unawain, at pakinggan ang iyong sarili sapagka't sa sarili mo nagsisimula ang pagbabago at pag-unlad.

Let go of your regrets from your past and do better for the present to be successful in the future.

That's what makes you happy.

---

Dalawang taon na ang nakaraan simula nung matapos na ang lahat ng paghihirap ni Jimin. Masaya siya dahil nakilala niya si Seulgi at siya ang naging tulay upang mabigyang diin ang misteryong bumabalot sa nakaraan niya.

Dalawang taon na ring nagkakasama si Jimin at Seulgi.

Oo nga pala, mag-iisang taon na rin pala simula nung nag-abroad si Seulgi. Sa wakas ay natupad na rin ang pinapangarap niya at suportado naman ang kanyang kasintahang si Jimin.

Palagi silang nag-uusap sa Skype through video calls. Habang tumatagal sila ay tumitibay ang kanilang relasyon dahil sa matibay na tiwala at pagmamahal sa isa't isa.

October 13, 2019.

Kaarawan ni Jimin ngayon at mag-isa lang siya ngayon sa apartment na tinitirhan nila ni Seulgi na dating tinitirhan din ni Yoongi.

Masiglang bumangon si Jimin mula sa kanyang kama at tinignan ang phone niya.

1 message received.

Sino kaya 'to?

From: Sseulbear :* <3

I have a surprise for you! Just wait~

Hindi mapigilan ni Jimin na ngumiti dahil sa nabasa niya. Alam niyo yung ngiti hanggang tenga? Ganun ang ngiti ni Jimin. 

Agad namang tumayo at tumungo sa banyo si Jimin upang maligo. Nahulaan niya agad ang sorpresa ni Seulgi. Alam niyang magvivideo call ulit sila at maghaharutan sa harap ng screen.

Pero mas higit pa do'n. Di lang alam ni Jimin.

Pagkatapos maligo ni Jimin ay kumain na siya. Pagkatapos pa nun ay ginawa niya ang lahat lahat para makapaghanda sa sorpresa ni Seulgi.

To: Sseulbear :* <3

I'm done babe. Excited na ko hehe ;) :*

Message sent!

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon