Chapter Twenty-One

4K 201 1
                                    

"Chapter Twenty-One: Officially Bangtaned"

[Jimin's POV]

"Class dismissed."

Pagkarinig namin niyan ay agad naman kaming nagsitayuan at kanya-kanyang nililigpit yung mga gamit namin. Class dismissal na so...

"Park Jimin," tawag sakin ni Yoongi hyung na nasa sa pintuan ng classroom namin, nakatayo. Nasa 3rd year high school na kasi 'to si hyung. Si Jin hyung lang yung college sa 'min.

"Meeting. Studio."

Tumango lang ako at ipinagpatuloy yung pagliligpit ng mga gamit ko. Pagkatapos ay dumeretso na kami ni Taehyung sa studio at nakita namin 'ron sina hyung at yung producer namin.

"Come in." sambit ng producer nang makita kaming pumasok sa loob. Pumasok naman agad kami at umupo na katabi nina hyung.

"So, since kumpleto na kayo, gusto ko lang iannounce yung magiging position ng bagong recruited members." panimula ng producer. Shet, excited na ko pero kinakabahan ako kasi magiging busy na ko at baka di na ako masyadong makapagfocus sa pag-aaral.

"Since may bagong members na tayo, mag-iiba na ang mga positions niyo."

Naririnig ko namang nagbulungan ang ibang members. Nanatiling tahimik lang kami ni Taehyung.

"Magsisimula ako kay Seokjin." dagdag pa nito. "Magiging sub-vocal ka na pero mananatili kang visual o asset ng grupo."

Nilingon ko si Seokjin hyung. Halatang disappointed siya pero tumango na lang siya at tinanggap ang bagong position niya.

"Yoongi, mananatili ka sa position mo as well as Kim Namjoon and Jung Hoseok."

"Jungkook, ikaw pa rin ang main vocalist at sub-rapper pero sub-dancer ka na."

"Jimin," huminto muna siya saglit bago niya binanggit ang pangalan ko. Ano kaya ang magiging position ko ano?

"Ikaw ang magiging lead vocalist at lead dancer."

Napa-woah silang lahat at nagulat naman ako. Wow. Lead vocalist and dancer real quick.

"Ikaw naman Taehyung. Magiging sub-vocalist ka, actor, at pangalawang asset ng grupo."

After inannounce ng producer ang mga pagbabago ng mga positions namin ay nagpalakpakan sila.

"So, Mr. Kim and Mr. Park---" pinutol ni Seokjin hyung ang pagsasalita ng producer.

"Sino po bang Mr. Kim?" inosenteng tanong nito. Napafacepalm naman 'tong si producer. Binatukan naman siya ni Namjoon hyung. Yie, NamJin.

"Aba't-- BA'T MO KO BINATUKAN?!" galit na tanong ni Seokjin hyung. Nagpeace sign naman 'tong si Namjoon hyung.

"Eh sa obvious na tinutukoy niya si Taehyung at Jimin." napapoker face naman 'tong si Namjoon hyung

"Humanda ka sa 'kin!" banta ni Seokjin hyung at inirapan siya. Magpakasal na nga kayo mga hyung. Basta ako yung tagakain hehe.

"Tumahimik nga kayong dalawa diyan." saway ni producer sa dalawa. "So guys, balak ko sanang idebut kayo ulit as seven members ngayong June 13."

"And Mr. Park and Mr. Kim, welcome to the group of Bangtan Sonyeondan. Sana magtagal kayo." dagdag pa nito at nginitian kami. Nagpalakpakan naman ang ibang members. Ang saya palang maging parte ka ng isang banda lalo na kapag lahat ng mga ka-members mo ay di lahat against sa inyo. Yung tipong magkabarkada at parang pamilya na yung turing nila sa'yo kahit na bago ka pa lang diba? Tas ang saya saya pa nilang kasama. Parang mga takas mental lang hehehe.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon