Chapter Thirty

3.1K 141 16
                                    

"Chapter Thirty: Beauty in Pink"

2 years ago. 

[Jimin's POV]

Andito ako ngayon sa loob ng gym namin hinihintay si Shinah. Nauna na akong pumunta dito kasi pinauna niya ako at susunod lang daw siya. Eh yun ang gusto niya eh, bahala siya dyan. Tss.

Kasama ko ngayon ang tropa at nakaupo kami sa iisang table. Sinadya kong maglagay ng isang bakanteng upuan sa gitna namin ni Taehyung para kay Shinah. 

Speaking of Taehyung, parang may itinatago 'to sa 'kin. Nagiging suspicious na 'ko. 'Di kaya, may gusto 'to kay Shinah? Pero paano? At bakit?

Teka.

Ano bang pake ko? Edi magkagusto siya do'n! Wala naman akong pake. Wala naman talagang kami ni Shinah.

Walang wala. Laro lang at bunga lang ng pustahan namin ni Hoseok hyung.

T*ngina mo, hyung. Hmmf.

"Woah!"

"Sino yan?"

"Di ba gf yan ni Jimin?"

"Pangit pa rin as usual."

"Naging tao na siya hahaha."

"Akala ko ba books lang inaatupag niyan? Pati pala paglalandi."

"I still wonder bakit siya nagustuhan ni Jimin eh hindi naman ganyan ang taste ni Jimin diba?"

"I don't know basta mas maganda tayo."

May naririnig na kong bulung-bulungan sa likod namin. Agad naman kaming napalingon do'n at...

"Si Shinah ba yan?" tanong ni Seokjin hyung.

Napatayo ako sa nakita ko. Ang... ganda niya. Saka yung dibdib ko, sobrang lakas ng kabog. Parang may nagaganap na racing sa dibdib ko. Horse racing kumbaga. Parang si Hoseok hyung lang.

Lumapit sa 'kin si Shinah at hinalikan ang pisngi ko.

"Good evening." bati niya sa 'kin saka ngumiti. Ngumiti naman ako pabalik sa kanya at niyakap siya ng ilang segundo bago kumalas.

"Good evening din. Have a seat." bati ko saka nagpakagentleman at pinaupo siya.

"Wow! Gentle dog na pala si Park Jimin ngayon? Congrats!" sabat ni Hoseok hyung. Kahit kailan talaga ang epal at ingay nitong kabayong 'to. Bwesit.

"Saksakin kaya kita gamit yang baba mo?" banta ko sa kanya saka pinandilatan ng mata. Akmang babatuhin niya ko ng goblet pero pinigilan siya ni Seokjin hyung.

"Inaano ka ng baba ko?!" inis na tanong niya saka niya ko inirapan. Pangit talaga nitong kabayong 'to.

Nilingon ko si Shinah at nakita kong tumatawa siya sa mga pinaggagawa namin. Imbis na mainis ako sa kanya, napangiti lang ako.

Jusko, Jimin. Anong nangyayari sa'yo?

'Di yan maaari!

"Ang ganda mo sa suot mo ngayon." bigla kong nabitawan yung mga salitang palaging nasasagi sa isip ko ngayong nakita ko siya. Peste naman nitong bibig kong 'to. Argh!

I mentally slapped myself for what I've just said to her.

"Thank you." sabi niya saka nginitian ako. "Ang gwapo mo rin ngayon, Jimin."

Gwapo naman talaga ako.

Kelan pa ako naging pangit? -_-

"Oo. Ngayon ka lang gwapo, Jimin. Bukas, pangit ka na ulit." sabat ni Jungkook. Aba't--

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon