Chapter Twenty-Nine

3.4K 140 29
                                    

"Chapter Twenty-Nine: Christmas"

Present day.

[Seulgi's POV]

Naghahanda kami ngayon para ipagdiriwang ang araw ng Pasko. Mga pagkain, mga regalo para mamaya, at iba pa. Kasalukuyan kong tinutulungan ang pamilyang Park na ngayo'y busy na busy sa paghahanda.

Nahagilap sa mga mata ko si Jimin na nakaupo lang sa sofa at tulala. Tinitigan ko lang ng ilang minuto nang biglang nagsalita si Mrs. Park.

"Hija, kami na ang bahala rito. Kausapin mo na lang si Jimin."

Tumango na lang ako at pinuntahan si Jimin. Umupo ako sa tabi niya at napansin niya yatang tumabi ako kaya nilingon niya ako.

"Lalim yata ng iniisip mo." sambit ko sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya.

"Wala. Naalala ko lang mga kaibigan ko." mahinang sabi niya at yumuko.

Nakakalungkot kasi Christmas na Christmas malungkot siya. Gusto ko siyang icheer up. Pa'no kaya?

"Andito naman kami Jimin. Sige ka. Pag hindi ka sasaya ngayong Pasko, malulungkot kami pati na mga kaibigan mo." sabi ko. "Alam mo namang ayaw na ayaw nila na maging malungkot ka."

Tinignan niya ko at nagtitigan kami ng ilang segundo saka siya ngumiti.

Ayan Park Jimin.

Sana ganyan ka na lang lagi. Ayokong maging malungkot ka.

Napangiti naman ako. "Tulungan mo na lang kaya kami dito sa kusina?"

Tumawa kami at masaya siyang tumango. Tumungo na kami sa kusina at tinulungan ang pamilya ni Jimin.

---

[Jimin's POV]

Ilang taon na ring hindi ko nakasamang magcelebrate ng Pasko kasama ang pamilya ko. Ngayon lang at masaya naman ako lalo na't kasama ko ang taong mahal ko, si Seulgi.

To be very honest, mas namiss kong magcelebrate kasama ang Bangtan. Kasi sa kanila ko naramdaman ang tunay na kaligayahan at pareho naming nakamit ang mga pangarap namin. Tawanan, kulitan, asaran, at iba pa, sa kanila ko naramdaman yun.

Madalang lang kami nagsasama-sama nila eomma at appa kaya hindi masyado ganun kasaya ang buhay ko rito pwera na lang kina halmeoni at Jihyun na palagi kong nakakasama. 'Di ko rin naman masisisi sila eomma kasi dahil sa kanila, nakapag-aral ako ng maayos, well, except dun na palagi akong naglalaro ng computer games hehehe.

Natapos na rin ang handaan. Ang maririnig mo ngayon sa paligid ay Christmas songs na nagsabay-sabay sa pagtugtog na halos 'di mo na maintindihan.

"Jimin~" masayang bungad sa 'kin ni Seulgi. Niyakap niya ko at niyakap ko rin siya pabalik.

"Malapit na mag-alas dose."

"Oo nga." tipid kong sagot. Tinignan niya ko.

"Masaya ka ba ngayong Pasko?" tanong niya.

Masaya ba talaga ako?

'Di ko alam pero siguro masaya ako dahil kasama ko siya ngayon

At ang pamilya ko.

Hahaha ang gulo ko.

"Oo naman. Andyan ka eh." banat ko. Tinignan niya ko ng masama at kinurot pa ko sa gilid.

Aba iba ka rin kiligin ano? Hehehe.

Kyeopta.

"Nambobola ka na naman." sabi niya tas nagpout. Kinurot ko ng mahina yung magkabilang pisngi niya.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon