Chapter Twenty-Five

3.8K 152 47
                                    

"Chapter Twenty-Five: Pustahan"

Present day.

[Seulgi's POV]

Ilang araw na rin ay naging okay na at naging normal na rin si Jimin.

Naglakad-lakad kami ngayon sa bakuran nila at infairness, ang ganda dito. May mini garden sila. Basta medyo malaki yung bakuran nila.

Ang bango ng mga bulaklak at ang simoy ng hangin mula sa karagatan ng Busan ay malalanghap mo rito sa bahay nila. Sadyang napakaganda ng pwesto ng tahanan nila dito sa Busan at ang sarap tumira dito.

"Nag-eenjoy ka ba?" biglaang tanong ni Jimin. Napalingon naman ako sa kanya at ngumiti ng bahagya.

"Oo naman." sagot ko at ibinaling muli ang atensyon ko sa mga halaman sa paligid. Narinig ko naman siyang napabuntong hininga.

"Sorry pala ha kung nadamay ka pa." sambit niya. Napalingon ulit ako sa kanya at tinignan ng nakakunot ang noo ko.

"Ha? Ba't ka nagsosorry? Wala ka namang kasalanan." sagot ko. Tumigil kami sa paglalakad at humarap siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong balikat.

"Hindi. Dahil sa'kin, naiipit ka sa sitwasyon ko." malungkot niyang sabi at yumuko. Hinawakan ko naman agad yung baba niya at iniangat ang kanyang ulo. Pinakitaan ko siya ng malapad na ngiti.

"No. Don't say that. Remember my promise? I will always be here for you no matter what. Kahit sa'n ka man pumunta ay andyan din ako." 

Pagkatapos kong sabihin iyon ay niyakap ko siya at niyakap niya rin ako. Napangiti naman ako at nifeel ko yung moment hehehe.

"Seulgi-yah..." sambit niya ulit

"Hmm?"

"I like you. No- I love you... and I meant it. Simula noong dumating ka sa buhay ko, natutunan kong magmahal at... tinanggap mo ko bilang ako."

Napakalas ako sa pagkayakap nang sabihin niya iyon. Di ko alam pero bumilis yung tibok ng puso ko. Di ko alam kung anong gagawin ko. Kung anong irereply ko. Di ko alam-

"I love you, too."

Wait- what?!

>>>Flashback<<<

[Jimin's POV]

2 years ago. Around February 2014.

"Since malapit na ang Valentine's, gumawa kayo ng decoration at dapat may Valentine's essence okay? Tapos syempre make letters for your loved ones especially your family, friends, crushes, at boyfriends or girlfriends..."

Ugh. Kakatamad at nakakahassle saka nakakapagod nuba. Daming requirements, mga gastusin, ganito, ganyan tas yung mga practices

Ugh. I hate school.

Pero sabagay, ilang buwan na rin magtatapos na ang school year hehehe.

"So yun! Happy Valentine's Day. Class dismissed. Spread love not legs~" dagdag pa ng teacher naman saka umalis na siya.

"Orayt! Hanap ka na ng chicks, Chim!"

Napalingon kami sa nagsalita.

T*ngina.

"Alis nga dyan, kabayo." sambit ni Yoongi hyung sabay tulak kay Hoseok hyung paalis sa doorway ng room namin.

"Yah. Dinner. Sa canteen. Sumunod na lang kayo." tipid na paalala ni Yoongi hyung saka umalis na siya habang hila-hila si Hoseok hyung sa tenga.

Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon