Chapter 3

1.1K 30 0
                                    

A/N:Hello nga po pala kay Darkkenn basahin nyo po yung stories nya maganda promise :*

*KEVIN'S POV*

Nakatingin si Kevin sa kausap pero ang isip naman niya ay hindi nakatuon sa mga sinsabi nito. Iniisip niya ang babaeng nakabangga kanina.

There was something about that girl
that reminds him of someone, even though the looks and the body physiques were so different.

Her voice and eyes are so much alike of Shane---his first love na kahit pangit ay nahulog pa rin ang kanyang puso dahil sa taglay nitong kabaitan.

Kevin your imagining things again! You’re paranoid and obsessed with your first love.

Ilang beses mo na bang napagkamalan ang mga ibang babae na si Shane huh? litanya ng isip niya.

Naalala pa rin niya ang mga pagkakataong magkasama silang dalawa noon at ang una nilang pakikita…

*FLASHBACK*

Nagmamadali ang labing-limang taong gulang na si Kevin noon dahil late na siya sa kanilang praktis. Nang may makita siyang isang babae na may ginagamot na isang pusa na sa tingin niya ay nasagasaan marahil ng bike.

Simula noon ay ilang beses niya ng nakita ito. Sa tuwing nakikita niya ito ay tinutukso ito ng mga kapwa estudyante tungkol sa hitsura nito, pero kahit ganoon ay hindi pa rin ito lumalaban, nananatili itong tahimik.

Humanga siya sa taglay nitong katatagan. Until one day, nakita niya itong inaapi muli ng mga kamag-aral.

"Do you think we'll stop after what happened the other day huh?" boses ito ni Aaliyah.
"Yeah and because of you we got into trouble! And you'll pay for it" segunda ni Camille at pagkatapos sinugod ang kawawang babae- si Shane Dela Cruz.

Tinulungan naman ito ng
nakakabatang kapatid. Walang nagawa si Shane kundi yakapin ang sarili.

"Camille, Aaliyah, please stop," hindi nito sinasadyang maitulak si Aaliyah na dahilan upang matumba ito.

Nangangalaiti sa galit si Camille sa nangyari sa kapatid, itinaas nito ang
kamay para sampalin ito.

"Stop already Camille and Aaliyah!" maawtoridad na utos niya. Tumingin ang tatlong babae sa kanya. Sina Camille at Aaliyah ay tinakasan ng kulay ang mukha. Kinuha ni Camille ang kamay mula sa kanya at tumakbo papunta sa kapatid upang tulungan itong tumayo.

Tumakbo na ang dalawa palayo doon.
"Hey, you two come back here!" akmang hahabulin niya ang dalawa ngunit hindi nangyari dahil pinigilan siya ni Shane.

"Let them pass."
"But-" hindi na siya nakatapos ng unahan na siya nito ng mahinang 'please'. "Are you alright?"

"Yeah, thanks to you," ngumiti ito.
Mula noon ay naging magkaibigan silang dalawa. Bawat oras na magkasama sila ay masaya, mas nakilala niya ang pagkatao nito. Hanggang sa ma inlove siya dito, hindi niya alam kung paano, kung kailan nangyari 'yon. Basta nagising nalang siya isang araw na mahal niya na ito.

He fell in love with her, like no beautiful girls did.

*END OF FLASHBACK*

"Kevin, are you with me? Aba'y kanina pa ako nagsasalita dito ah." wika ng kanyang nakakatandang kapatid na si Simon. Dalawa lang silang magkakapatid, si Simon na dalawang taon ang agwat sa kanya at siya. Ito ang tagapagmana ng mga negosyo ng ina nila at siya naman
sa mga negosyo ng kanilang ama.

"Sorry kuya Simon. May naalala lang kasi ako" hinging paumanhin niya rito.

"Kevin, It’s not good to think of other things, when you’re in a middle of a meeting. Kung ibang tao lang ako at importanteng kliyente pa, you won't close the deal and it might put your company at edge." litanya nito. Hay, kahit kailan talaga napakadictador ng kanyang kuya Simon bukod sa pagiging perfectionist nito. Hindi na siya nagtataka kung bakit hinihiwalayan ito ng mga nagiging girlfriends dahil kahit ang pananamit, pagsasalita at pagkilos ng mga ito ay
pinupuna ng kanyang kapatid.

The Ugly Duckling's Revenge[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon