Chapter 10

703 12 0
                                    


*THIRD PERSON'S POV*

"Anong sabi niyo po? N-nakatakas si Shane?" pag-uulit ni Kevin sa sinabi sa kanya ni Mang Agustin na nakatakas raw umano si Shane sa pamamagitan nito. Paano niya gagawin yung binabalak niya?

"Mang Agustin naman eh! Bakit naman po kayo pumayag? 'Di niyo man lang ba naisip na may balak na tumakas si Shane?" may halong inis na sumbat ni Mariz sa matanda.

"Pasensiya na po, senyorita, senyorito. Ang sabi kasi niya may importante raw siyang tatawagan kaya pumayag po ako. Hindi ko naman po inakala na tatakas siya," nakayukong sabi
ng matanda.

"At nagpauto ka naman!"

"Mariz, stop it. Wala na naman tayong magagawa eh, nangyari na. Hindi makakatulong sa atin iyang init ng ulo mo at kakasermon kay Mang Agustin," sabat niya.

"Ay ewan!" inis na itinaas ng babae ang dalawang kamay bilang pagsuko.

"Bahala kayo diyan basta ako matutulog na ulit!" pagkasabi nito ay nagwalk-out na ito at bumalik sa kwarto nito. Pailing-iling lamang siya habang hinahatid ng tingin ang papalayong dalaga.

"Sorry po talaga senyorito Kevin."

Binalingan niya ang matanda at nginitian. "Okay na po iyon. Nangyari na eh, wala ng magagawa kung papagalitan ko pa po kayo. Matulog na po kayo, maaga pa tayo aalis bukas.
Pagpasensiyahan niyo na lang po si Mariz, may dalaw siguro kaya ganoon ka taray at kainit ang ulo."

Samantala, si Shane naman ay masayang nakikipagkwentuhan sa mag-asawang Laila at Lloyd.

"Talaga? Since bata pa kayo magkakilala? Ilang taon kayong naging mag-on at saka ilang
taon na kayong kasal?" manghang tanong ni Shane.

"Ang dami mong tanong ah" sabay na wika ng mag-asawa habang patawa-tawa.

"Isa-isa lang," sabay na namang sabi ng dalawa. Nagkatinginan ang mga ito at sabay ding tumawa. Nakakahawa ang tawa ng dalawa kaya natawa na din siya.

"Oo, magkababata kami. Mga 4 years rin kaming mag-on at 6 years ng kasal," sagot ni Lloyd sa mga tanong niya.

"10 years na kaming nagsasama. My 10 years of torture and suffering," natatawang sabat ni Laila.

"Ah ganun pala ah. Mamaya ka lang, makikita mo kung ano talaga ang torture," tugon ng lalaki na may nakaplaster pang nakakalokong ngiti.

Tumahimik naman ang katabi nito at
namumula ang mga pisngi na ibinaling ang tingin sa bintana.

----------------------------------------

Nakatulog si Shane sa sobrang kapaguran. Ngayon niya naramdaman ang pagod sa kakaiyak kanina at doon sa ginawa niyang pagtakas.

Kinabukasan...

"Shane, wake up! We're here already at Manila. Saan ang bahay niyo ? Ihahatid ka na namin doon," bungad sa kanya ni Laila. Sinabi niya dito ang address ng kanilang tirahan sa Quezon city.

"Maraming salamat sa paghatid ninyo sa akin, Lloyd at Laila. Sigurado ba kayong ayaw niyong pumasok sa loob ng bahay para mag-agahan?" tanong niya nang makababa mula sa mini-
van ng mga to. Ngayon nga ay nasa harapan na siya sa main door ng kanilang bahay.

"Oo, Shane. Doon na lang kami mag-aagahan sa bahay. Baka hinahanap na kasi kami ng mga anak namin. Salamat nalang sa paanyaya," nakangiting sagot ni Lloyd.

Nagpaalam na sila sa isa't isa, pagkatapos ay pumasok na sa loob.
"O, Shane. Napaaga ka yata ng balik? Di'ba next week pa raw ang balik mo sabi ni Sophia at Joana?" agad na bungad sa kanya ni Aling Mary pagkapasok pa lang sa loob ng bahay.

The Ugly Duckling's Revenge[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon