Chapter 6

899 24 3
                                    

*KEVIN'S POV*

"Ang laki na ng pinagbago mo shane. Napakaganda mo na. Mahal pa rin kita hanggang ngayon.Namiss kita."

Hays. Magising na nga sya. Tinapiktapik ko si Shane sa braso nya.

"Hmm?"

"Good morning YAM," nakangising bati ko sa kanya. Nakapikit pa rin sya pero ngumiti sya. Nginitian nya ko. Ang ganda talaga ng honey, my loves, so sweet ko!

Sana palagi nalang siyang bagong gising para palagi niya akong ningingitian at hindi tinatarayan.

"Good morning din, yam!" humihikab na bati nya. Sabay nag-unat.

Nabitin sa ere ang kamay nyang itatakip sana sa bibig nang bigla magbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

“Y-YAM!” tanong nito na nakakunot ang noo.

Nakakatawa ang hitsura nya. Hahaha nakakainlove lalo.

"Yup! YAM... meaning YOU.ARE.MINE," ang sarap nyang asarin lalo syang gumaganda hahaha

Biglang tumaas ang kilay nito. Uh-oh, nandito na. Tatarayan na naman ako nito.

"You are mine? Who gave you the right to call me that stupid endearment? At kelan mo pa ako naging pagmamay-ari aber? Hoy, Mr. Kevin Mendoza, you don't own me okay? and you never will!" pagtataray nga nito.

Ouch! Ang sakit nun ah, parang sinagasaan yata ng isang libong dump truck ang puso ko

O ano Kevin, susuko ka na ba? Rinig na rinig mo
naman siguro yung sinabi nya sa'yo hindi ba? It will never happen... nangangahulugang hinding-hindi ka niya magugustuhan! pang-aasar ng isang bahagi ng utak ko.

Hindi ako susuko ng dahil lang doon noh! At saka natututuhan namang mahalin ang isang tao ah. Mamahalin niya ako, makikita mo. Habang may buhay, may pag-asa!

"Hey! May kausap ba ako? Tama bang tulugan ako ng gising. Wake up!"

Istorbo naman to si Shane ang lalim ng iniisip ko e.

Joke. Ano kaya maisagot sa sinabi nya? Hmmm

"I gave permission to myself. Since when you ask, since the day you were born in this world. We are meant for each other, YAM... tayo ang itinakda para sa isa't isa." Shet ang korni ng pinagsasabi ko.

"Abat talagang---"  sinubuan ko na sya ng pagkain sa bibig para matigil na sya sa pagtataray nya.

Mabuti naman at nginuya nya muna. Di na sya nagsalita pa.

"Who cook this? Ang sarap ah."

"Ako ang nagluto niyan tayong dalawa lang naman ang narito e. Salamat naman at nagustuhan mo. Di'ba paborito mo yan? If my memory serves me right,"  nginitian ko sya. Hindi ko pwede makalimutan yun. Nasabi nya sakin na paborito nyang ulam ang chicken curry.

"Oo paborito ko nga ang chicken curry. How did you know? Sinabi ba sa'yo ni Aling Mary o kaya naman nila Sophia at Joana? Marunong ka palang magluto? Dati rati hindi naman
ah." sunod-sunod na tanong nito.

"Okay ang sagot ko sa first question ay... ikaw mismo ang nagsabi nun. Sa ikalawang tanong naman, oo marunong akong magluto dahil noong pumunta ka sa Europe na-isip kong
magpaturo kung paano magluto sa kaibigan kong chef. Para pag naging mag-asawa na tayo, ako na lang ang magluluto. Nag-aral na rin akong mamalantsa, maglaba, magwalis, magsibak ng kahoy at kung anu-ano pang gawaing bahay para hindi ka mahirapan kapag naging Mrs. Shane Mendoza ka," mahabang paliwanag ko habang nakangiti pa.

*SHANE'S POV*

Nakakatouch naman si Kevin. Imagine! Pinag-aralan pa talaga nito ang lahat ng iyon, para lang sa sakin.? Ayieh! Kalurkey itech!

May magiging houseboy/husband na
ako. At ang gwapo-gwapo pa! 'Wag ka namang ganyan Kevin. Humahaba pa lalo hair ko eh, baka hindi ko na matali... ang init-init pa naman ng world ngayon. Wahaha, pwede ka na rin bang taga-gupit?

"Huh? Taga-gupit?" kunot-noong tanong ni Kevin. Oops! 'Nasabi ko pala yung nasa isip ko'. Ang tange mo talaga Shane.

"Wala. Ang sabi ko mag-gupit ka nalang dun ng papel o kaya ng mga halaman dun sa ibaba para may magawa ka naman. Hindi itong ako ang kinukulit mo," pagmamaang-maangan ko. Kumagat ka please.

"Ahh okay. Ui! Ano yon?" May itinuro sya sa bandang kaliwa.

Sinundan ko naman ito. Nagulat na lang ako nang may humalik sa pisngi ko.

'Aba, loko-loko to ah. Pwedeng makahirit ng isa pa? Hahaha!'

Baliw ka talaga Shane kung ano ano iniisip mo.

Nagulat na naman ako ng biglang may humalik sa kanang pisngi ko. Nabasa nya iniisip ko? May powers na pala sya ngayon

"Pwede sa lips?" Hirit ni kevin.

Hinampas ko sya ng unan dahil sa sinabi nya

"Tse! Umalis ka nga! Ang aga-aga bwenubwesit mo ako,"

"I've got to let you know I feel so weak without your touch... I never thought that I could ever love a man so much... I've gotta let you know I think that we are destiny... For you I'd
cross the world for you...I'd do anything."

Nagluluto ako ngayon dto sa kusina ng pangtanghalian namin.

Wala akong magawa e.

"Naks! Ang sweet-sweet naman ng kanta mo para sa akin yam. I feel the same way too,'” napapitlag ako ng marinig ko ang ang boses ni Kevin mula sa likuran ko at walang sabi-
sabing niyapos ako mula sa likod.

*DUGDUG*

At ayun na naman, nagiging etchuserang palaka at umeepal na naman ang walang hiyang puso ko. Kumakabog na naman ng bongga.

"Ang bango mo naman yam. Parang fried chicken ng Jollibee, ang sarap kagatin. Nakakagigil!"

"Kung ibuhos ko kaya tong mainit na tinola sa'yo?Bitawan mo nga ako, naaalibadbaran ako sa'yo. Ang baho-baho mo! Kadiri! Maligo ka nga, ang pawis-pawis mo," talak ko dito.

Nilukot ko ang ilong ko para maging kapani-paniwala. Para kaming mag-asawa haha.

Actually, i didn't really mind if he smells. Nagpapacute lang naman ako. You know na.Kahit maligo sya sa pawis, kailanman ay hindi ito nag-aamoy pawis. He always smelled nice.

"Anong ang baho? Oy, ang bango-bango kaya ng pawis ko, parang perfume," tumatawang binitawan ako ni Kevin.

Strange... dahil sa tuwing nakakarinig ako ng tawa na may halong pang-iinis na katulad nito ay naiinis na ko.

Pero iba ang kay Kevin dahil ang tawa nito ay tila isang napakagandang musika sa kanyang pandinig... isang musika na gusto niyang marinig ng paulit-ulit.

"Luto na ba ito, yam?" pang-iiba nito sa usapan. Tumango lamang siya bilang tugon.

"Tamang-tama gutom na ako. Kakapagod mag-ehersisyo. Pawis na pawis tuloy ako." Napatanga siya ng hubarin nito ang suot na T-shirt sa harapan niya mismo! Napalunok
siya, nakakapigil ng hininga ang dibdib nito na kay kisig, mga muscles na nasa mga tamang lugar, at ang six pack pandesal este abs nito ay parang kaysarap hawakan. Olala~ 'Ang swerte naman ng makaka-ano nito... makakayakap, yun! Pwede kayang mag-apply? Ako nalang, available ako, pati siya ay napapatawa sa nagiging takbo ng iniisip niya.

"Hey, what's with that wicked smile? May iniisip kang hindi maganda noh? Yay! Nakakahiya ka Shane"

"Ang laki mo talagang ewan!Baliktarin ba naman, ikaw nga tong may iniisip na hindi maganda eh. May pa hubad-hubad ka pang nalalaman diyan. Are you seducing me?" balik
bintang niya dito kahit na sa kaibuturan ng puso niya ay gustong-gusto na niya itong kainin.

The Ugly Duckling's Revenge[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon