*SHANE'S POV*
Huminga muna ako ng malalim upang humugot ng sapat na lakas ng loob upang masabi sa kanya ang sakit na naramdaman ko noon. Ang dahilan kung bakit galit na galit ako sa kanya.
"March 25, two days before graduation at exactly 5:15 pm. I heard everything you and your friends were talking about..."
Bigla’y parang rolyo ng isang lumang pelikula ang pag-flash back ng alaala sa utak ko.
Mga ala-alang pilit ko na sanang kinakalimutan.FLASHBACK
Ten Years Ago…
Naglalakad kami nila Sophia at Joana papuntang tambayan namin nang biglang may marinig kaming boses ng mga lalaki na nag-uusap. Plano sana naming balewalain ito pero may
sinambit na isa sa kanila ang isang lalaki."Si Shane? What's wrong about her?" sabi ng boses ng lalaki na kilalang-kilala ko.
Huminto kami sa paglalakad. Nagtago kami sa isang sulok at nakinig sa usapan. Alam naming mali ang makinig sa usapan ng ibang tao ngunit hindi namin maiwasang ma-intriga sa kung ano ang mga pinag-uusapan ng mga ito.
"We just notice lang kasi Kevin that your, maybe..." huminto sa pagsasalita ang isa pang lalaking halatang binibitin ang usapan.
"Maybe what?" nagtatakang tanong ni Kevin sa kaibigan.
"…that maybe your developing some feelings for that ugly girl" natatawang wika nito.
*Third Person's POV*
Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Lex. Imagine si Kevin Mendoza ang napaka-guwapo, napaka-talented, isa sa pinakamatalino sa kanilang school, ang captain ng basketball team nila
at ang tagapagmana ng isang kilalang kompanya ay may gusto sa isang pangit na si Shane Dela Cruz?Oo nga't magkasingyaman lang ang pamilyang Dela Cruz at Mendoza pero napakapangit ni Shane at hindi ito bagay kay Kevin. Isang napakalaking kalokohan!
Nasaktan si Shane sa narinig, alam niyang siya ang tinutukoy at iniinsulto ni Lex. Gusto niyang tumakbo para makalayo doon pero hindi niya magawa dahil hinihintay niya ang sasabihin ni Kevin.
Ilang minuto ring hindi nakasagot si Kevin. Nag-iisip muna ito ng isasagot sa kaibigan.
Nang may maisip marahan itong tumawa.
"My God pare, what made you think that I like her? Sa'yo na nga nanggaling na pangit siya, even in my dreams hindi ako magkakagusto sa kanya, sa gwapo kong to? Itatambal niyo ako sa isang ugly duckling? woah! woah! woah! Nasisiraan ka na ba ng ulo Lex?" pagtangi
nito."OO nga pala,” tumawa ng malakas si Lex habang kinakamot ang ulo at nagtawanan din ang mga kaibigan niya pati siya.
"Ano ba pareng Lex, we're talking about Kevin Mendoza here!" sabi ng isa niyang kaibigan.
"Yeah, I totatally agree about that.. But I object about the nasisiraan thingy, I can assure you all I'm mentally fit!" pahabol pa nito…
END OF FLASHBACK
Naiintindihan na ni Kevin kung bakit galit na galit si Shane sa kanya. Masakit sa loob niya noon ang mga sinabi tungkol sa dalaga, pero kailangan niyang gawin upang maprotektahan ang reputasyon niya, makasarili mang maituturing.
"Shane, I can-" sinubukan niyang magpaliwanag rito pero agad nitong pinutol ang anumang sasabihin niya.
"Don't try to explain dahil hindi naman kita papakinggan at paniniwalaan," sabat nito.
Nakita niyang tumulo ang mga luha mula sa mga abuhing mata nito.
"Alam mo ba kung ano ang
nangyari nang pumunta ako sa Europe, huh? I was caught in a tremendous traumatic state,
Kevin! Halos isang buwan rin akong nagkulong sa kwarto... laging umiiyak at takot lumabas.
![](https://img.wattpad.com/cover/88408893-288-k559668.jpg)
BINABASA MO ANG
The Ugly Duckling's Revenge[Completed]
Cerita PendekPANGIT yan ang tawag kay Shane noon. Every time na naaalala niya ang mga matatalim at masasakit na salita na ibinibigay sa kanya ay nasasaktan siya--- well, sino ba naman ang hindi? Dahil sa pang- iinsultong natatanggap dahil lamang sa kanya hitsura...