*THIRD PERSON'S POV*
Nakatingin siya sa bintana... nakatunganga. Gulong-gulo ang buhok at nanlalalim ang mga mata, tanda ng ilang gabing pagkapuyat at pagod. Ang gwapong mukha nito ay hindi na nagawang ahitan ang maliliit na tumutubong balbas. At ang damit nito ay noong isang araw pa yata suot at hindi na nakuhang magpalit pa.
Sa may sahig ay nagkalat ang mga bote ng alak at mga pictures ni Shane.
Napakamiserable nito.
"Kevin?" untag ni Mariz dito, sanay ito na nakikita siyang malinis at hindi ganoong haggard na haggard ang anyo. Pero hindi siya sumagot. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa
bintana na parang may hinihintay."You know, Mariz. I was really hoping that she will be back," pumiyok siya, basag ang tinig. At kailangan niya ang ibayong pagpipigil sa sarili kung hindi ay baka umiyak siya sa harap nito.
Pero pasaway yata ang kanyang mga luha, kahit anong pagpipigil niya ay hindi niya pa rin mapigilan ang pagbuhos ng luha sa tuwing naaalala si Shane.
Kaya nga palagi siyang umiinom ng alak dahil akala niya makakalimutan niya ang sakit pero hindi pa rin, kahit anong gawin niya hindi niya ito malimot-limot.
"I was telling myself that this is just a nightmare... that Shane is still alive and one day, things will be back where it used to be, where me and her always laughing, playing and fighting.
Na magigising na lang ako isang araw, na kasama ko siya at naglalampungan kasama ang anak namin. But its all lies, she's no longer here and she will never come back!" sabi nito, itinukod ang mga kamay sa bintana at tumaas-baba ang mga balikat.Napapaiyak na rin ang babae, she can see how miserable he is.
"Everywhere I go, I always see her beautiful face and I always remember our memories when we're still together. I really, really love her," pumiyok siya.
Lumingon siya dito at parang
pinipiga ang puso niya sa nakita."Kahit ngayon nakikita ko ang mukha niya sa'yo."
"Kevin" usal nito.
"Kahit boses niya, naririnig ko rin," hysterical na sinabunutan niya ang sariling buhok.
Tila naiinis na ito sa kadramahan niya, para bang gusto siya nitong batukan ng pagkalakas-lakas.
"Kevin, ano ba! Si Shane ito!" naiinis na sigaw nito.
Nang mag-angat ng tingin si Kevin ay nakita pa rin niya ang mukha ni Shane sa katauhan ni Mariz. Pero hindi siya pwedeng magkamali, sigurado siyang ang tinig ni Mariz ang narinig niyang tumawag sa kanya kanina.
Napakunot-noo siya, hindi kaya minumulto siya nito?
Nabakasan ang kanyang mukha ng takot sa realisasyong ito, wag naman sana! Matatakutin pa naman siya sa multo. Nang ngumiti ito sa kanya ay agad siyang tumakbo sa kama at itinabon ang comforter sa buo niyang katawan.
Parang tanga na inulit-ulit niya ang pagbigkas sa Our Father. Nang mawala na ang takot
ay dahan-dahan niyang ibinaba ang comforter sa mukha para masilip kung nandoon pa rin ang
multo. At nandoon pa nga! Nakatayo ito sa paanan at nakasaklop ang dalawang braso!Nang makita ni Shane ang naging reaksiyon ni Kevin nang makita siya ay nagtaka siya sa kinilos nito.
Doon niya naalala na takot pala ito sa multo. At hindi niya ito masisisi kung
napagkamalan siya bilang isang multo...nakawhole white kasi siya.Naikwento nito sa kanya noon na ang puno't dulo ng pagiging matatakutin nito sa multo ay ang ina nito. Dahil noong bata ito ay sinasabihan ito ng ina na pag nagpasaway ay
mumultuhin ito ng namayapang lola upang turuan ng leksyon. Nang nagpasaway daw ito minsanay nakakita ito ng isang babae na nakaputi lahat sa bintana nito. Simula nun ay hindi na ito
umulit. Hindi na nito binigyan ng sakit sa ulo ang mga magulang at naging isang maamong tupa.
BINABASA MO ANG
The Ugly Duckling's Revenge[Completed]
Short StoryPANGIT yan ang tawag kay Shane noon. Every time na naaalala niya ang mga matatalim at masasakit na salita na ibinibigay sa kanya ay nasasaktan siya--- well, sino ba naman ang hindi? Dahil sa pang- iinsultong natatanggap dahil lamang sa kanya hitsura...