Last Chapter

876 17 1
                                    

Ginanap ang kanilang engrandeng kasal sa Isla Steva Hersan. Ang isla na puno ng kanilang mga masasayang alaala, sa lugar na kung saan sila muling naging magkaibigan at nabuo
ang kanilang magiging supling.

Sa may baybayin sila... naroon ang kanilang mga kaibigan, kapamilya, at kapuso... lahat nakaputi.

Ang saya-saya niya habang naglalakad sa kulay puti na de-carpeted na buhanginan.

Kitang-kita niya si Kevin, ang kanyang groom na naghihintay sa may altar.

Gwapong-gwapo ito sa suot na kulay puti na polo, nakabukas ang dalawang butones dahilan upang malantad ang
dibdib nito. Hunk na hunk, yummy!

'Mag hunos dili ka Shane! Hindi pa nga natatapos ang kasal, honeymoon na agad ang iniisip mo." sita ng isip niya.

Narinig sa paligid ang malamyos na mga tinig ng mga singer na sina Nicole at Mariz...

dinuduet ang kantang Sayo Lamang ng MYMP. Nang malapit na siya sa altar ay di-sinasadyang natapilok siya na sanhi ng pagkatumba niya, syempre came to the rescue naman ang kanyang prince charming.

Patakbong nilapitan siya nito at inalayan patayo. Imbes na mahiya dahil sa nangyari ay kinilig pa ang loka. Sabay silang dalawa na nagpunta sa altar.

From there, hindi na niya matandaan ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari. Namalayan na lang niya na nagpapalakpakan ang mga tao at nagsisigawan ng: "Kiss! Kiss!"

"Well, I just pronounced you man and wife. You may now kiss your beautiful bride, Kevin. What are you waiting for?" nakangiting wika ng paring nagkasal sa kanila.

Binulungan muna siya nito. "You look very beautiful, my dear wife. I LOVE YOU." wika nito, sinabi din niya ang three magical words at hinalikan na siya nito.

----------------------

Limang taon na ang nakalipas pagkatapos ng naging kasal nila. Masayang-masaya siya habang binabaliktanaw ang nangyari sa kanilang dalawa ni Kevin. Ngayon nga ay nasa isla sila ni Kevin kasama ang kanyang kambal na babae at lalaki na pinangalanan nilang Steva Laurice at
Hersan James na alinsunod nila sa pangalan ng isla.

"Mommy! Mommy! Aunt Nicole and Uncle Simon are fighting again," sabay na sumbong ng kambal.

Napailing na lang siya, simula ng magkita ang dalawang iyon ay palagi na lang nagbabangayan. Parang aso't pusa, kahit maliliit na bagay pinag-aawayan.

"Just let them be, babies. Don't mind them, you know naman that they're like dog and cat," nakatawang sabi niya sa mga anak.

"Where's your daddy?" dugtong niya.

"Uy, mommy... She's missing daddy," tukso sa kanya ni Steva, mukhang namana yata ang pagiging pala-tukso ng kaibigang si Sophia. Malaking problema kung ganoon.

"I'm here, sorry pinaghiwalay ko lang yong dalawa. Baka magkapatayan na," bungad sa kanya ng butihing asawa habang patawa-tawa.

Napabuntong-hininga siya.

"Hay naku, yang dalawa talaga ang sarap pag-untugin ang ulo. Aba'y malapit ng magkaanak nag-aaway pa rin," litanya niya.

"Pabayaan mo na, ganun lang talaga magmahalan ang dalawang ‘yon," pagbara nito sa kanya.

"Oh! Who wants to hop in on the chopper? The weather is nice and we can easily see the whole island above the sky," sabi nito.

Nagsabay na nagsabi ang dalawang makukulit ng: "Me!"

Nakisali siya sa kakulitan ng mga anak at nagsabi rin ng me habang pinalilibutan ang nakangiting si Kevin.

"Okay, lets go." anito at masaya silang apat na pinuntahan ang kinaroroonan ng chopper at sumakay dito.

At katulad ng nasa mga fairytale...

They Live happily ever after.

THE END

-------------------------------------
A/N:Sorry napaka-lame nung kwento pasensya na huhuhuhu T_T

Thank you sa pagbabasa ^_^ bye mwah!mwah! ^____^

The Ugly Duckling's Revenge[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon