*THIRD PERSON'S POV*
Maghapon na nagkulong ng kwarto si Shane. Ayaw niya sanang lumabas ng kwarto niya. Paninindigan niya ang emotera mode niya.
Masyado siyang nasasaktan. Ano ba siya talaga sa buhay ni Kevin? Noong nakaraang araw sinabi nitong mahal siya nito pero kaninang ipinakilala sa special friend daw, ay best friend lang ang sinabi.
Naglolokohan lang yata sila. Tama yata ang naging desisyon niyang huwag tumugon sa hinuhulog nitong pag-ibig 'kuno' sa kanya.
Bandang alas-sais ng kumalam ang sikmura niya. Bakit ba hindi marunong makisama ang tiyan niya?
Tumayo siya ng kama at dahan-dahan lumabas ng pinto. Nadaanan niya ang pinto ng kwarto ni Kevin. Medyo naka-awang ang pinto at nang sumilip siya ay nakita niyang magkatapat na naka-upo sa kama si Kevin at Mariz.
Masin-sinang nag-uusap ang dalawa. Ayaw man niyang mag-eavesdrop ngunit 'di niya mapigilan ang sarili.
"Hindi ko alam na sineryoso mo ang biro kong pumanta ka rito sa Island." natatawang wika ni Kevin
"Of course, anything for you my dear. Alam mong malakas ka sa puso ko,Kevin." sinundan ito ni Mariz ng malakas na tawa.
Parang pinipiga ang puso ni Shane. Daig pa ang pinana ng isang daang kutsilyo ang sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Gusto niya ng umalis sa pinto pero hindi niya magawang ihakbang ang mga paa.
"Seriously, bakit mo ba ako tinawagan ng dis-oras ng gabi to make me come here? Sabi mo'y dito mo na ipapaliwanag. So now, Kevin would you kindly explain!" ma-awtoridad na muling wika ni Mariz. Sumeryoso ang mukha ni Kevin.
"It's about the wedding. The wedding we've been planning for so long."
Sa narinig ay parang pinagsakluban ng langit at lupa si Shane. Dahan-dahan siyang umatras ng pinto at hindi na pinakinggan pa ang mga sumunod na usapan ng dalawa.
Naglandas ang luha
sa kanyang pisngi. Nakalimutan na ang gutom na nararamdaman kanina. Sobrang sakit. Ikakasal na ang dalawa."Bakit, Kevin? Bakit mo nagawa sakin ito?" luhaang himutok niya ng makapasok sa kwarto.
Hindi mapakali si Kevin. Kanina pa hindi lumalabas ng kwarto nito si Shane. Gusto sana niyang puntahan ang dalaga sa kwarto nito pero pinigil siya ni Mariz. Sinabi nitong hayaan muna ang dalaga dahil baka gusto nitong mapag-isa. Nagpa-ubaya siya sa gusto nito.
Tutal naman ay abala sila sa pag-uusap tungkol sa kasal. Perfectionist si Mariz at kapag gusto nitong magplano kailangan ay tuloy-tuloy with no interruptions kaya ipagpapabukas na muna niya ang pag-amo kay Shane.
Si Mariz na muna ang haharapin niya ngayon.
Patingin-tingin sa orasan si Shane. Humupa na ang kanyang emosyon. Namumugto ang kanyang mga mata sanhi ng halos walang patid din na pag-iyak. Pero ngayon ay tapos na
siyang maghimutok. Nakakapagod masaktan. Tanging galit ang tinira niya sa puso niya ng mga
sandaling iyon. Ang gusto niya'y maka-alis na sa Islang ito.Nang dumating sa Mariz sa Isla isang maliit na bangka ang namataan niya sa pampang.
Nang muli siyang sumilip sa bintana ay naroon pa rin iyon. Namataan pa niya ang isang matandang lalaking tila nagpatakbo ng bangka.
Ang hinihintay nalamang niya ay tamang timing kung paano makakatakas.
Ilang sandali pa'y pumatak ang kamay ng orasan ng ala-una. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa kama at tinungo ang pintuan.
Pa-tip toe siyang naglakad sa hallway. Nang tumapat siya sa kwarto ni Kevin ay patay na ang ilaw roon. Parang mapupugto ang hininga niya
sa isipang magkatabi ngayon sa kama si Kevin at Mariz.Who knows kung anong milagro ang ginagawa nila? Umiling siya sa sarili saka muling naglakad.
Malaya siyang nakalabas ng bahay ng walang sagabal. Simula ng hindi niya tangkaing tumakas ay naging maluwang na si Kevin sa kanya.
Nakalabas siya sa bakod ng villa na wala pa ring humaharang sa kanya. Ngayo'y palapit na siya sa bangka. Naroon ang matandang lalaking nakita niya kanina. Gising pa rin ito at nagbabasa ng libro habang nagkakape.
Nagulat ito ng makita siya. "Ineng, dis-oras na ng gabi ano pang ginagawa mo dito sa labas?" gulat na gulat na tanong nito
"Manong, pwede po bang ihatid niyo ako sa bayan?"
"Nakow, hindi pwede Ineng baka magalit sa akin si senyorita Mariz at senyorito Kevin" kakamot-kamot sa ulong turan nito.
"Hindi naman po nila malalaman. Babalik po tayo agad. May kailangan lang po akong tawagan. Importante lang po." muli niyang paki-usap rito. "babayaran ko na lang po kayo" dagdag pa niya. Baka sakaling kumagat ito.
"May telepono naman sa loob hindi ba?" maang na tanong nito. Tila nagdududa.
"Sira po kasi e. Importante po talaga itong tawag na ito."
Sandaling nag-isip ang matanda. Maya-maya pa'y pumayag na rin ito.
Halos kalahating oras silang bumiyahe. Sorry manong pero kailangan ko po talagang
maka-alis.Nang makarating sa pamapang ay dali-dali siyang bumaba ng bangka saka walang lingon likod na kumaripas ng takbo. Hindi niya pinansin ang sigaw ng matanda. Ni hindi na niya nagawang magpa-salamat dito. Ang tanging nasa isip niya ay makatakas.
Dahil matanda na ay hinihingal na hinabol na lamang siya nito ng tanaw.
Pagdating sa Hi-way ay may nakita siyang naka-park na mini van. Lakas loob na lumapit siya sa babaeng natayo malapit dito.
“Excuse me po” magalang niyang pukaw sa atensyon nito.
“Yes?” mukha naman itong mabait kaya okay lang sigurong maki sakay.
“Papunta ho ba kayo ng Maynila?” Tumaas ang kilay nito at hinagod siya ng tingin bago sumagot sa tanong niya.
“OO, makikisabay ka ba?” diretsahang tanong nito.
“Nakakahiya man po pero oho sana” ngumiti ito sa kanya saka tumango kaya napangiti na rin siya.
“Mukha ka namang mabait kaya okay lang,” sabi nito. “hintayin na lang natin ang asawa ko. May binili lang siya sandali. Ako nga pala si Laila” tinanggap niya ang nakalahad na kamay nito.
Magaan na ang loob niya. Makakahinga na siya ng maluwang kapag nakarating na sila ng Maynila. Sa ngayon ay kailangan niya munang magtiwala kay Laila.
Buo na ang plano niyang bumalik sa Europa. The moment na maka-uwi siya ng bahay ay magpapabook agad siya ng flight.
'Kailangan kong muling lumayo sayo, Steven' bulong niya sa utak.
Boses ni Laila ang nagpabalik sa himbing niyang utak. “Shane, this is my husband, Lloyd. Lloyd si Ava, makikisabay sana sa atin papuntang Maynila. Okay lang ba?” matamis itong ngumiti sa asawa.
“Sure. No problem about that. So, let’s go?” mukhang mabait din ito tulad ni Laila.
Bagay na bagay sila. Nakaramdam siya ng konting inggit pero dagli niya ring inalis sa utak niya.
“Shall we?” muling tanong ni Lloyd. Tumango nalamang siya at sumakay sa sasakyan.
BINABASA MO ANG
The Ugly Duckling's Revenge[Completed]
Short StoryPANGIT yan ang tawag kay Shane noon. Every time na naaalala niya ang mga matatalim at masasakit na salita na ibinibigay sa kanya ay nasasaktan siya--- well, sino ba naman ang hindi? Dahil sa pang- iinsultong natatanggap dahil lamang sa kanya hitsura...