Chapter 2

1.3K 33 3
                                    

*Shane's POV*

Dalawang araw na ang nakakaraan simula nang makausap ni Shane ang mga kaibigan. Ngayon ay papauwi na siya sa bansang Pilipinas. Hindi alam ng mga kaibigan na ngayon ang kanyang balik dahil hindi niya naman sinabi, gusto niya kasing sopresahin ang mga ito sa malaking pagbabagong nangyari sa kanya.

Naalala niya ang dalawang araw na nakaraan, nakakatawa ang mga naging reaksyon ng dalawa nang hindi niya sinabi kung kailan siya babalik. Parang nakikita niya ang pagsimangot at pagnguso nila Sophia at Joana sa kabilang linya nang kausap niya ang mga ito.

Matapos ang ilang oras na biyahe sa himpapawid, nakalapag na rin ang eroplanong sinasakyan ni Shane. When she set her foot on the ground, wind gently touch her face.

Oh, how she miss this country! How long it has been since the last time she stepped on the Philippines? It has been almost 10 years.

Paglabas niya sa pinto ng airport ay nakita niya agad ang kanilang mayordoma na si Aling Maria. Ito lang ang sinabihan niya na darating siya ngayong araw sa Pilipinas.

Nang makita siya nito ay patakbong tinungo siya nito at mahigpit na niyakap. Close na close siya dito, simula pagkabata ay ito na ang nag-alaga sa kanya. Ito rin ang isa sa mga naging sandalan niya nung mga panahong iniinsulto siya ng mga taong kung makapaghusga ay animo'y walang kapintasan at mga perpekto.

Ilang minuto rin silang nagyakapan.

"Kamusta na ang alaga ko?" panimula nito.

"I'm doing good Aling Maria" aniya, pagkatapos ay ngumiti ng pagkatamis-tamis.

"Correction, Mary hindi Maria" pinameywangan pa siya nito nang sabihin ito.

Bahagyang natawa siya sa inasal ni Aling 'Mary'. Walang mintis talaga ang kanyang pag-tawa sa tuwing magkasama sila ng matanda.

Nang umalis siya papuntang Europa noon, nagkadramahan pa sila ngunit ilang minutong matapos ang pag-iiyakan nila ay natawa siya sa naging banat nito. Dapat daw pag-uwi niya may foreigner daw siyang pasalubong dito.

"O, bakit mag-isa ka lang yatang bumalik dito?"

"Uhmm, ako lang po talaga ang bumalik dito. Sina mama kasi at papa ay nagpaiwan doon dahil magsesecond honeymoon raw ho sila. Natuwa pa nga eh dahil sa wakas makakapagsolo na silang dalawa. Biniro pa nga ako na pagbalik ko raw doon sa Europa baka nasundan na ako." patawa-tawa niyang pahayag dito.

"Hindi naman sila senyor at senyora ang tinutukoy ko." napangunot ang noo ni Shane. Ano ang tinutukoy ni Aling Mary kung ganun?

"Nasaan na yung foreigner na pasalubong ko? ‘Di ba sabi ko dapat pag-uwi mo may kasama kang foreigner para sa akin?" turan nito.

Lihim siyang natawa, kung ganoon naalala pa rin nito ang naging banat sampung taon na ang nakalipas.

"Naku, pasensiya na po nakalimutan ko kasing ilagay sa box eh. Hayaan niyo po't ipapapackage ko yon agad bukas" pagsakay niya sa biro nito.

Sa puntong iyon ay humalagpak na sila ng tawa. "Siya, tayo na't magpapahinga ka pa. Matagal rin ang naging biyahe mo at siguradong may jet lag ka pa. Pedro, Juan kunin niyo na ang mga maleta ni senyorita Shane." utos nito sa mga kasama nito.

"Pasensya na po Aling Mary. Mauna na lang po kayo doon sa bahay. Pupuntahan ko pa po kasi sila Sophia at Joana eh. Dala niyo po ba yung kotse ko?"

"Oo, nadala ko tulad na rin ng bilin mo sa akin pero sigurado ka ba talagang kaya mong magmaneho? Baka kasi kung mapano ka, may jet lag ka pa naman."

"Opo, kaya ko po. Ako pa!"

"Ay sus, itong batang ire. O siya, kung yan ang gusto mo. Lumakad ka na bago magbago ang isip ko't hindi pa kita patuluyin sa pagpunta mo sa mga kaibigan."

The Ugly Duckling's Revenge[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon