Chapter 4

995 25 0
                                    

*SHANE'S POV*

"Tapos na po ma'am" wika ng nag-aayos kay Shane.

"Ang ganda-ganda niyo po talaga,
sigurado akong maraming lalaki sa party mamaya ang maiinlove sa inyo," hindi maiwasang komento nito.

Light make-up lang ang ginawa sa kanya pero gayunman ay mas ikinalitaw pa ito ng likas niyang ganda. Ang kanyang buhok ay ini-french twist na nilugayan pa ng ilang
hibla ng buhok at pinakulot kaya mas lalo siyang naging sophistikadang tignan.

"Thanks" tugon ni Shane dito at ngumiti.

"Your welcome po ma'am. O sige po, alis na po ako." paalam nito.

Tinanguan lang niya ito bilang sagot.
Nang tuluyan ng umalis ang nagmake-up sa kanya ay pinasadahan niya ng tingin ang kanyang sarili sa malaking salamin sa kanyang kwarto. Ibang-iba na talaga ang kanyang hitsura
kaysa noon. Sino ba ang mag-aakala na ang dating mataba at puno ng pimples ang mukha ay isa
na ngayong napakaseksi at napakakinis na ang mukha.

Biglang naalala niya ang eksena nila ni Kevin doon sa SOAVAL hotel and restaurant, hindi talaga siya nakilala nito. May sumilay na ngiti sa kanyang likas na mga mapupulang labi. Naisip niya na panahon na para sa paghihiganti niya dito. Paiibigin niya ito at sa huli ay iiwan ng luhaan.

'Weh? Hindi kaya maging palpak yang plano mo at imbis na sa kanya mangyari yon ay maging kabaliktaran pa?' tudyo ng utak niya.

Napahinto siya sa pagmumuni-muni nang kumatok si Aling Mary sa pinto.

"Hija, nandun na sa baba sina Sophia at Joana. Lumabas ka na diyan para makaalis na kayo." aniya.

"Opo." sagot niya at lumabas na ng kanyang kwarto.

Pagkababa niya ay nakita niya ang kanyang mga kapwa naggagandahang kaibigan na matiyagang naghihintay sa kanya. Si Sophia ay tinitignan ang sarili sa salamin samantalang si
Joana naman ay nagbabasa ng magazine. Tumikhim siya upang maagaw ang atensiyon ng mga
ito. Tumigil naman agad ang dalawa sa mga ginagawa.

"Wow, ang ganda natin ah... siguradong maraming lalaki ang maglalaway mamaya." nakakalokang biro ni Sophia na ikinatawa nilang tatlo.

"Oo, lalong-lalo na si Lex" mas lalo pang lumakas ang pagtawa niya sa pagkasabi nito.

"Ano ka ba Shane, ginagawa mo namang aso ang boyfriend ko" nakangusong angal ni Sophia.

"Totoo naman eh, ginagawa mong aso ang boyfriend mo-- noon at sa hanggang ngayon. Mas hinigitan pa nga ang aso sa kabubuntot sa'yo e," birong totoo ni Joana sa kababata.

Noong high school pa kasi sila ay lage na lang nakabuntot si Lex kahit noong nanliligaw pa ito kay Sophia, mas lumala pa nga ng maging magkasintahan ang dalawa noong 1st year college sila.

Tagabuhat ng mga gamit ni Sophia, tagalibre ng meryenda at kung anu-ano pa.

"Well, kung ganyan kasi kaganda ang girlfriend dapat binubuntutan talaga." sabi ni Shane at pinisil pa ang baba ni Sophia.

"Tayo na nga, baka abutin pa tayo ng umaga eh"

Sumakay na sila sa Mercedes Benz ng pamilya ni Shane. Pagkatapos ng ilang minuto ay narating na rin nila ang destinasyon ng kanilang school reunion.

"Ready Shane?" tanong ng dalawa sa kanya.

"Ready," kabadong sagot niya. Pero kahit ganun, ay excited pa rin siya sa mga magiging reaksiyon ng mga tao kapag nalaman ng mga ito na ang Shane na kilala ng mga ito noon ay
nagbago na ng tuluyan.

Unang pumasok muna sina Sophia at Joana at huminto sa may pinto.

Inalahad ang mga kamay sa kanya, na kanya namang tinanggap at tuluyan ng pumasok sa loob. Pagkapasok pa lang niya ay narinig niya na ang mga bulung-bulungan ng mga tao sa paligid.

The Ugly Duckling's Revenge[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon