Prologue

513 16 7
                                    

Ilang dantaon na ang lumipas, may 13 Diyos ang nagkatawang-tao upang iligtas ang mundo ng mga tao. Sila ngayo'y nagtipon-tipon dahil sa nakalap na balita ng Diyos ng Katalinuhan (Telekinesis).

"Ano ang nakalap mong balita?"tanong ng Diyos ng 4 na elemento.

"Lulusob na ang mga taga- Galaxia Lauratiano dito sa darating na ika-dalawampu't-isang siglo."sagot ng Diyos ng Katalinuhan (Telekinesis).

"Kailangan natin iyang paghandaan."sabi ng Diyos ng mga mahika.

"Pero sa ngayon, pwede muna tayong magplano para sa siglo ng modernisasyon."suhestiyon ng Diyos ng Yelo.

"Diyos ng Mahika, maaari ka bang gumawa ng inumin na siyang magpapabalik ng ating ala-ala?"biglang tanong ng Diyos ng emosyon.

"Bakit naman?"

"Naniniwala ba kayo sa renkarnasyon? Kung sakaling mamatay tayo, ang renkarnasyon ang maging susi upang mabuhay muli tayo sa ika-dakawampu't-isang siglo. Ang pag-inom ng inumin na gagawin mo ang magpapaalala ng ating tungkulin bilang mga Diyos."paliwanag ng Diyos ng emosyon.

Nanahimik sandali ang 13.

Biglang umimik ang Diyos ng 4 na panahon.

"Isang magandang ideya iyan."

"Maaari ka nang gumawa ng inumin, Diyos ng Mahika."sabi ng Diyos ng boses.

Gumawa na ang Diyos ng mahika ng inumin. Isang mala-rosas na kulay ang likido na nabuo nito.

Itinago nila ito sa isang sagradong templo.

------------------------------------------

Kahit na yumao na sila, iniintay naman nila ang tamang panahon nila para sa tinatawag na REINCARNATION.

And the 21st century started to arrive.

Meet the Dauntless Aces • SVTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon