FIRST

236 12 1
                                    

Choi Seung Cheol

Isang napakagandang view ang nadatnan ko dito sa tuktok ng bundok na trip kong akyatin.

I took the picture of it, para may souvenir.

By the way, I'm Choi Seung Cheol. S.coups nalang ang itawag niyo sakin, bahala na kayo kung anong gusto niyo.

I'm a certified adventurer. This is my ultimate hobby, aside from rapping. At marami na akong napuntahan, such as Jeju-do, Seoul, Yeosodo, atbp.

Dahil tapos na ako sa adventure na ito, kailangan ko na ulit umuwi at magplano para sa susunod na paglalakbay.

Magsisimula na dapat akong bumaba nang bigla kong nakita ang isang parang teplo sa may silangang bahagi nitong bundok.

Huh? Parang kakaiba ang pakiramdam ko rito ah. Jusko, malapit na pala ang halloween. Ang aga nitong manakot.

Hindi ko na namalayan na nakapasok na ako sa loob.

Puro mga lumang paintings ang nasa loob. Parang tungkol ito sa isang mitolohiya ng 13 Diyos na siyang magliligtas sa mundong ito.

Iba talaga ang pakiramdam ko rito.

Biglang may nagsalita.

"Maligayang pagdating sa templong ito."

"Ay gilagid!"gulat kong sabi. Yan tuloy, pati sarili ko, niloloko ko na.

Bigla akong kinilabutan sa matandang nasa harapan ko.

Nagsalita ang matanda na siyang ikinagulat ko.




"Sa wakas at dumating ka na,
Diyos ng apat na elemento."

Meet the Dauntless Aces • SVTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon