Choi Seung Cheol
"Kamusta si Jeonghan?"agad kong sabi nang makarating ako sa kwarto ni Han.
Nadatnan ko dun sina Dokyeom at Joshua na nagbabantay sa walang malay na lalaki.
"Hm.. Medyo bumaba na ang lagnat niya, hyung. Pero kahapon pa siya walang malay eh. Ewan ko kung ano pa ang dahilan ng pagkahimatay niya. Pansin ko rin ang mga eyebags niya."paliwanag ni Seokmin.
Lingid pa pala sa kaalaman nila maliban samin ni Jisoo ang tungkol kay Jeonghan bilang hinirang na Constelasion.
Malaking hirap pala ang pagdadaanan ni Han.
"Cheol."
Naalipungatan ako kay Jisoo na tumawag sakin.
Humarap ako bilang senyas na pansin ko siya.
"Mukhang... Kailangan na nating sabihin?"
"Ang alin mga hyung?"biglang singiy ni DK. Nandito pa pala si Kabs.
"Ahm... DK, pakitawag naman si Yoongi tapos tulungan mo nalang si Gyu na magluto ng lugaw ni Han, at pati na rin sa dinner natin."sabi ko kaya tumango na siya sabay baba.
Agad namang may nagbukas ng pinto, hudyat na pumasok na si Yoongi, na may kasamang lalaki.
"Yoongi? Sino siya?"taka kong tanong.
"Eto nga pala si Yixing, ang isa sa may pinakamataas na trono sa mga Diyos. He's the God of Healing."
"Oy teka Yoongi, saan ka nakatuto ng engrish aba?"singit ni Joshua.
Napahagikhik ako. Di bagay sa kanya ang pagsasalita ng engrish.
"Heh shatap. May swaeg yun kaya ginamit ko."
"Oo nalang. Btw, Hai Yixing. I'm Seungcheol."sabi ko sabay lahad ng kamay ko.
"Jisoo."sabi rin ni Josh sabay lahad rin ng kamay niya.
"Hello. Yixing is me. Seungcheol? Jisoo?"pagkatanggap niya ng mga kamay namin ay parang bata siya kung manghula kung sino kami.
Pero pffftt, baligtad. Ako daw si Jisoo at si Jisoo si Seungcheol.
"Baligtad, Lay"sabi ni Yoongi sabay batok rito.
"Sensya na. Sandali, siya na ba ang susunod na Constelasion?"sabi ni Lay sabay turo sa nakahigang si Jeonghan.
Tumango kami.
"Hmm... Yoongi, pagagalingin ko na ha?"sabi niya nang may inosenteng mukha.
Tumango nalang si Yoongi kaya lumapit nalang si Lay sa nakahigang kamiyembro namin.
Itinapat ni Lay ang dalawang kamay niya sa bandang ulo ni Han at biglang may lumabas na puting liwanag doon.
Matapos ang pagpapagaling rito, lumapit na siya samin.
"Magaling ba siya, pero bukas pa ng umaga pa siya magigising."sabi ni Lay na nagpagaan sa amin.
"Ahm, Yoongi. Maaari na ba naming sabihin ang tungkol rito?"deretsong tanong kaagad ni Joshua.
"May sinabi ba akong hindi?"
"Pilosopo. Tsk."puna ko.
"At sa tingin ko... Hindi na natin kailangang sabihin pa."
Nagtaka kami sa sinabi ni Yoongi.
Bigla siyang sumenyas na buksan ko daw ang pinto.
Napangisi ako. Hmm... Mga ogag.
Agad kong binuksan ang pinto. Bumungad samin ang sampung nagpatung-patong.
"ARAAAAAAAY!"
"TANGINA MINGYU ANG BIGAT MO!"
"WOW SEUNGKWAN NAHIYA NAMAN AKO SAYO!"
"GRRRR UMALIS NGA KAYO! HINDI AKO MAKAHINGA!"
"ANG BABAHO NYO PUTEK!"
"WHOOO AMOY SIOMAI PA KAYO POTA!"
*prrruuutt*
Bigla silang tumayo nang may umutot sa kanila.
"AAAAANNNG BAAAAAAHOOOO!!"
"GET A CR PLEASE?!"
"Hehe eto na nga, tinawag na ako ng nature hihi. Anyeong"sabi ni Hoshi sabay takbo papuntang CR.
"O diba? Alam na nila ang lahat. May pagka-pusa rin kasi yang mga yan. Lakas ng pandinig."sabi ni Yoongi.
"Sandali lang! Magulo pa ang naririnig namin, oke? Hindi nga namin alam kung ano yung Constelasion na pinag-uusapan niyo."paliwanag ni Wonwoo.
Pinapasok na namin ang sampu at ipinaliwanag na namin ang lahat. Ipinakilala na rin namin si Lay sa kanila.
"Si Jeonghan ang itinakda bilang Constelasion? Siguro ay dinala ito ni Supremo para mas lumakas pa ang grupo natin."sabi ni Jihoon.
Tumango kami, bilang pagsang-ayon.
"Mas alagaan natin siya, dahil baka magamit siya ng kalaban sa masama. Alam nyo naman ang kapangyarihan nina Shownu, diba? Magaling silang mang-agaw ng kapangyarihan."paliwanag ni Yoongi.
"Ay syanga pala."napatunghay kami nang magsalita si Lay.
May kinuha siyang box mula sa bag na dala niya. Wow, Diyos siya pero may dala siyang bag? Nice.
Binuksan niya ang box at bumungad samin ang 13 singsing.
"Ipinadala ito ni Supremo para proteksyon sa pang-aagaw ng kapangyarihan nyo."sabi ni Lay."Kumuha na kayo isa-isa."yaya ni Yoongi.
Kumuha na sila ng tig-isa. Dalawa naman ang kinuha ko. Para kay Jeonghan yung isa.
Nang isinuot na namin, may ipinaliwanag si Lay.
"Sa oras na isinuot nyo yan, hindi nyo na yan matatanggal."
Nagulat kami sa sinabi niya.
We tried to remove it pero waepek. Hindi nga matanggal.
At least safe kami against Shownu and his troops.
"O sya kumain na tayo ng dinner at para makapag-ensayo kayo ng konti. Ako nalang ang magbabantay kay Jeonghan."sabi ni Yoongi at sinunod na nga namin yun.
Nang nakalabas na kami, bigla akong napatingin sa may bintana.
Gabi na pala.
Pero bigla akong nagtaka sa kulay ng langit.
Bakit kulay pula? Diba ito na ang hudyat ng... Pagparito ng mga taga-Galaxia Lauratiano?
Supremo - ang pinakamataas na pinuno sa lahat ng mga Diyos
Enjoy reading!
BINABASA MO ANG
Meet the Dauntless Aces • SVT
Fantasía⏩Let us meet the 13 Gods of the 21st century that will protect the whole planet against aliens from Galaxia Lauratiano (Lauratian Galaxy).