THIRD

154 10 3
                                    

Lee Ji Hoon

"What the--"napatigil ako sa pagmumura.

Tangna. Kailan pa naging mahilig sa Fantasy si Cheol at lagi niyang iginigiit na isa ako sa 13 Diyos na pinagsasasabi niya?

Tangna ulet dahil kasali din daw siya. Lagi niyang itinuturo ang simbolo sa kaliwang kamay ko na parang number 17, tanda daw na isa nga ako sa kanila.

Isa lang namang myth yun, nakaraan na rin yun.

Kaya hindi na dapat balikan pa.

Hindi ako humuhugot. Wag kayong nakakaputspa.

"Uji! Tunay ang sinasabi ko!"pilit ni Seungcheol.

Ang kulit ng gilagid nito.

"Amputa ka naman, Cheol! Jusme para kang bata na nangungulit na bumili ng kendi.Bwisit."sabi ko.

Pasensya na, ganito ako. Parang high blood.

"Lee Jihoon. Please. Maniwala ka."

"Paano ko ba paniniwalaan ang imposible, Coups? Tangna gumising ka na."sabi ko nang mahinahon. Baka mahagisan ko ito ng granada.

"Sige. Ipapakita ko nalang sayo ang kapangyarihan ko."sabi niya sabay kumpas.

Tangna, lumakas ang hangin, may tumubong halaman sa table na nasa harap namin, umapoy ang kamay niya at lastly, nagkumpas siya at parang nag-wo-water bending siya.

"Diwao. Oo nalang."sabi ko. Oo na, totoo na ang sinasabi ng gilagid na ito.

"Naniniwala ka na?"

"Oo na. Pero hindi ibig sabihin niyan eh naniniwala na rin ako na kasali ako dyan."sabi ko sabay halumbaba.

"Sige. May kukunin lang ako."sabi niya sabay alis. Bumalik naman siya kaagad dala ang isang bas at isang bote na may lamang kulay rosas.

"Anong palulo yan, Coups?"

"Iinumin mo ito, para maalala mo ang mga alaala mong may kinalaman sa pagiging Diyos mo, at gigising ang kapangyarihan mo. Pero hindi na magbabago ang nakasanayan mo ngayong modernisasyon."sabi niya.

"Amputs. Saan galing ang juice na iyan?"

"Sa isang templo. Ginawa ito ng Diyos ng mahika ilang dantaon na ang nakalilipas."

"Pota. Panis na iyan. Bakit mo ininom?"gulat kong tanong.Nakakadiri naman ito. Napalunok ako.

"Please. Drink it, hindi ka magsisisi.  Hehe."sabi niya.

"Sige na nga. Bwiset ka. Kung hindi lang kita tropa, baka nasapak na kita."sabi ko.

Nagsalin na siya ng color pink na inumin sa baso at iniaro sakin.

Anong lasa nito?? Baka malason ako nito.

Para wala nang mangungulit sakin, ininom ko na.

Wow ha, lasang strawberry.

At maraming alaala ang nakapasok sa utak ko. Lahat-lahat... Ang kapangyarihan ko... Pati ang responsibilidad ko bilang Diyos.

"Uji?"

"Ow?"tugon ko. Tama nga ang gilagid na ito.

"May naaalala ka na?"

"O-oo. Naaalala ko na rin pati kung anong kapangyarihan ko."sabi ko nang mahinahon.

"Anong powers mo?"excited niyang tanong. Parang bata.

"4 seasons."

"Juice? Mga prutas??"taka niyang tanong.

"Bobo. 4 seasons: Spring, Fall, Winter, at Summer."

"Ashteg. Ipakita mo nga sakin!"

Dinemonstrate ko. Putek. Perstaym kong magkaroon ng powers. Yung kukumpas ka tapos may lalabas ng kung anong gusto mo? Inilabas ko ang Snow. Edi bumaha ng niyebe sa silid.

"Kailangan na nating hanapin ang 11 pa."

"Paano? Isasama mo ako?"tanong ko. Parang nasabik ako na sumama rito.

"Gusto mo ba?"

Tumango ako.

"Mag-impake ka na, at maglalakbay na tayo bukas. Una nating libutin itonh buong Seoul."

Pumayag ako at nagsimulang mag-impake.

Dala ni Cheol ang bote at baso para ipainom sa labing-isa pang nawawala.

Hindi talaga ako makapaniwala na na-reincarnate ulit ako, at Diyos kaming dalawa ni Cheol. May responsibilidad kaming iligtas ang planetang ito laban sa taga-Galaxia Lauratiano na gustong wasakin ito dahil sa mas marami itong nakukuhang hangin kaysa doon, at kinakapos sila.

Nakakapagod rin ang araw na ito, makatulog muna, at paghandaan ang susunod na araw.

Meet the Dauntless Aces • SVTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon